Emerald Evergreen
Sa loob ng ilang araw na pananatili namin dito sa kagubatan ng Fanthasha, wala namang gumagambala sa amin. Wala rin kaming napapansin na kakaiba sa paligid. Ngayon ay magkakasama kaming lahat na naglilibot sa kagubatan. As usual, kaming mga babae ay may kanya-kanyang dala na basket.
"Guys, dumiretso tayo roon sa ilog," Violet suggested.
"May ilog dito, Ube?"
Tumango naman si Vie. "Kahapon lang ay nahanap namin iyon ni Emme habang naglilibot kami. Maganda roon at may hindi masyadong kalakihang waterfalls na hindi rin ganoon kataas."
Lumawak ang ngiti ni Rye. "Okay! Tara na at puntahan natin.""Sige, dito ang daan," turan ko saka itinuro ang daanan.
Ilang minuto kaming naglakad at narating nga namin ang isang nakatagong paraiso sa gitna ng gubat. Ilang metro rin ang layo nito mula sa tree house na aming tinutuluyan. Mayroon ngang talon dito at malawak ang area ng paliguan sa ibaba nito na parang isang swimming pool. Maganda ang lugar na medyo nakakubli kaya sa tingin ko ay ayos lamang na pumalagi kami rito.
"Wow naman! Woohoo!" Agad na tumapak si Flare sa tubig at ngayo'y winiwisikan si Mia.
"Flare! Malamig ang tubig!" she complained while trying to cover herself from the splash of water.
"Okay lang 'yan Mia, ice user ka naman!"
"Ah gano'n? So, ikaw na lang ang lulunurin ko Ms. Fire User! Haha!"
Nagsimula nang maghabulan sina Mia at Flare sa gilid ng ilog at nagbabasaan pa ng tubig. Nakakaaliw silang panoorin.
"Marami kayang isda rito?" biglang tanong ni Saber.
"Sigurado 'yan, maghanap tayo Sab!" yaya naman ni Ryeine.
Kaya naman, agad ay nagpalipat-lipat sila ng pag-apak sa mga bato dahil susubukan nga raw nilang manghuli ng isda.
"Maglalakad-lakad lang ako at susundan ko kung saan patungo itong ilog. Ms. Tanim, gusto mong sumabay?"
Agad namang tumango si Vie. "Oo ba, baka sakaling marami tayong mahahanap doon na mapakikinabangan natin."
"Sige, tara na."
"Uy Asul at Emme, maiwan muna namin kayo. Babalik din kami kaagad," paalam ni Vie sa amin.
"Basta, 'wag kayong masyadong lumayo at baka may ibang nilalang na makasalubong ninyo roon," pagpapaalala naman ni Blue.
"Opo Kuya Asul. Sige, bye!" Kumaway siya sa amin.
Kinawayan ko rin sila pabalik. "Bye sa inyo, ingat."
Umalis na nga ng tuluyan sina Vie at Zeus. Nagkatinginan pa kami ni Blue at sabay na napangiti. Nabigla lamang kami nang may marinig na sumigaw mula sa itaas ng puno na malapit sa ilog.
"It's more fun in the jungle! Whoa!"
Si Rye, nakakapit siya sa isang bagay na parang lubid at nag-ala jungle boy sa itaas. Nag-sway ang kinakapitan niya papunta sa may ilog bago siya tuluyang bumitaw at hinayaan ang sarili na mahulog sa tubig.
"Loko talaga 'to," napapailing na komento ni Blue.
"Sinabi mo pa, that's Ryeine. Haha!" natatawang turan ko naman.
Maya-maya pa ay bigla siyang tumalon paitaas mula sa tubig at ngayon ay nakabalandra na ang mga pakpak niya. Lumapag siya sa isang malaking bato.
![](https://img.wattpad.com/cover/108508166-288-k89747.jpg)
BINABASA MO ANG
Fragments Of The Sacred
Fantasía[TO BE EDITED] A legendary Sacred Book of Magic has been kept for years and is believed to be the most powerful thing that maintains the balance of the world. But it was stolen by the evil ones who wanted to rule the humanity and became the most pow...