CHAPTER 20: "The silent nature"

151 7 0
                                    



Ryeine Clamour  



Biyernes na nga pala ngayon at sa hindi malamang dahilan ay mag-isa lamang ako papuntang academy. Ewan ko ba kung nasaan na si Zeus, nauna na raw eh. Pambihira, iniwanan na naman ako. For sure, gusto lamang no'n na makita si Violet. Haha!

Matapos ang ilang minutong paglalakad, nakarating din ako sa academy. Maglalakad-lakad muna siguro ako tutal maaga pa naman. Baka ma-bored lang ako sa classroom, puwera na lamang kung nandoon ang minamahal ko na si Rhythmia. Hehe..

Mga bata pa lamang kami, alam ko na mismo sa sarili ko na gusto ko siya. Palagi nga akong nagpapapansin eh, ngunit tila balewala lamang sa kaniya. Palagi niya kasi akong sinusungitan, pakiramdam ko tuloy ay wala na akong pag-asa, na ayaw niya talaga sa akin.

Nakarating ako sa isang hardin, malapit sa mini-forest ng school. Maganda rito at maaliwalas, nakagagaan sa pakiramdam ang lamyos ng hangin sa aking balat. Rinig ko pa ang awit ng mga ibon sa paligid. May napansin lamang ako, gumagalaw kasi iyong isang puno sa malapit. Dahan-dahan akong naglakad at nagtago sa isang puno.

Namamataan ko na may isang babaeng nakasandal sa punong gumagalaw, nakayuko pa siya kaya medyo natatabunan ng buhok niya ang kaniyang mukha. Nabigla ako nang umangat ang ulo niya kaya't mabilis akong nagtago sa puno.


"Sino 'yan? Alam kong may tao d'yan. Magpakita ka!" rinig kong sigaw niya.


Nanigas ako sa kinatatayuan at halos pigil ang aking hininga. Ngunit maya-maya lamang ay unti-unti na rin akong umalis sa pagkukubli ko sa puno. Nang tiningnan ko ang kinarorooonan niya kanina, wala na ang babae sa puwesto niya. Dahan-dahang lumapit pa ako nang kaunti sa kinaroroonan niya kanina.


Huminga ako nang malalim bago nagsalita, "Ano, heto na ako. Yoohoo?! Ako lang 'to, hindi ako masamang tao ha? Nagkataon lang na napadaan ako sa area na ito!"


Walang sumagot sa akin. Maglalakad na sana akong muli nang may biglang humablot sa mga paa ko. Nang tiningnan ko, para itong malalaking ugat ng kahoy na gumapang at gumagapos ngayon sa mga paa ko!

"T-teka, ano 'to?" kinakabahan kong tanong, nakapangingilabot na kasi. "Kung sino ka man, pakialis nito sa mga paa ko, pakiusap! Wala naman akong ginagawang masama!"


Maya-maya lamang ay may nakita akong tumalon mula yata sa itaas ng puno? Nakayuko siya ngayon habang ang isang tuhod ay nakatukod sa damuhang nilapagan niya. Unti-unti siyang tumayo at dahan-dahan ay nakikita ko na kung sino siya.


"I-ikaw?"

"Oo, ako nga. Bakit, nakilala mo na ba ako dati, Mr. Clamour?" Sa paraan ng pagkakatitig niya ay mas lalo akong kinabahan, parang ang weird kasi ng dating.

Umiling ako sa kaniya. "Ah, hindi pa nga eh, pero nakita na kita. Hindi ba't ikaw iyong madalas kasama ni Cherrybelle. Hindi lang ako sigurado kung magkaklase kayo."

"Gano'n pala." Mukhang napaisip siya at saka bahagyang tumango.

"Oo, gano'n na nga. So, pwede bang pakialis na nitong mga ugat ng puno sa aking mga paa? It's really giving me a creepy feeling," pakiusap ko sa kaniya habang nakangiti nang alanganin.


Hindi na siya sumagot pa at patuloy na tinitigan lamang ako. Nalipat rin ang kaniyang mga mata sa mga ugat na gumagapos sa akin. Maya-maya lamang ay nararamdaman ko na ang pagluwang ng mga ugat hanggang sa tuluyan na nga akong nakawala rito. What a relief. Phew!


"Ayan, okay na Mr. Clamour, pasensya ka na," mahinang wika niya na tila nahihiya, medyo namumula pa ang kaniyang pisngi.

"Ah, okay lang, haha! Thanks Miss..?"

Fragments Of The SacredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon