****At Royal Magicca Domain****
Alexander Heartstream
Dalawang taon. Dalawang taon na nga ang nakalilipas mula nang maghari-harian sina Hellgod at Savannah dito sa Royal Magicca Domain. Nagbago na ang lahat mula noon. Hindi na ganoon kasigla ang lugar na ito, hindi katulad dati.
Lahat ng mamamayan ng Magicca ay pinagbabawalang gumamit ng elements and abilities at kahit ano pang uri ng mahika, lalong-lalo na ang mga royal bloods.
Hindi naman kami sumuko, nilabanan namin sila noong panahong iyon. Ngunit sa bandang huli, natalo pa rin kami. Ang daming nawasak na istraktura at mayroong mga nasawing Magiccans. Ang masama pa roon, lahat ng mga namatay ay inipon ng mga taga-Darkreighn at sinunog. Wala talaga silang mga puso.
Kahit sina Lord Elleazer at Lady Eleenna ay hindi kinaya ang kapangyarihang tinataglay ngayon nina Hellgod at Savannah, dahil na rin sa tulong ng cursed sacred book na ninakaw nila mula sa Archaic Palace. Dahil sa bagay na iyon, nagagawa nila ang lahat ng gusto nilang gawin dito. Wala kaming laban, kahit ang mga royal leaders. Gumawa pa ng isang makapangyarihang sumpa si Hellgod gamit ang libro at bumabalot ito ngayon sa buong domain.
Ang sumpang iyon ang nagsara sa buong Royal Magicca Domain mula sa lahat. Walang sinumang nakakalabas-masok na Magiccan. Ang mahuhuling tumatakas o hindi kaya ay gumagamit ng kapangyarihan ay ikinukulong at pinaparusahan.
Ang mga royalties naman ng Magicca ay pare-parehas na nakatira ngayon sa Royal Magicca Palace at dalawang taon na ring hindi nakalalabas doon. Nilagyan kasi nina Hellgod ng cursed barrier ang buong palasyo na iyon, syempre, gamit pa rin ang mahiwagang libro ni Magicca. Kaya naman, kahit pagsama-samahin pa ang kapangyarihan ng mga clan leaders dito ay hindi nila kayang wasakin ang barrier.
Ang kani-kanilang mga mansyon naman ay ipinasara na ni Savannah. Maging ang mga tauhan nila ay napalayas at kung saan-saan na namamalagi ngayon. Walang sino man ang nakakatungtong sa tahanan ng dati nilang mga amo.
Kasalukuyan akong nandito sa Royal Magicca Academy. Mabuti nga at hindi ito ipinasara kaya nakapapasok pa rin ang mga estudyante nitong huli. Ngunit mahigpit na ang pamamalakad rito ngayon na kahit ang mga professors and staffs, maging ang punong guro ay walang magawa kung hindi sumunod.
Halos lahat naman ng mga tao sa Magicca, lalo na ang mga commoners ay ginagawang mga alipin. Nakagagamit lamang kami ng mahika kapag kinakailangan at kung pinapayagan. Ang mga estudyante naman ay sa academy lang din pwedeng magsanay pero masyado nang limitado ang oras. Talagang hinihigpitan ang lahat.
Ilan din lamang sa aming mga Senior Masters ang pinapayagang makapasok sa Royal Magicca Palace upang malaman ang kalagayan ng mga royalties. Pinaghahanda namin sila ng mga kinakailangan nila. Ito na lamang ang magagawa namin para sa kanila.
Mabuti na lamang at nakaalis na sila bago pa maisara ang Magicca. Ang tinutukoy ko ay ang ilang kabataang masters mula rito sa Magicca. Lalo na ang Elemeights, na ngayon ay maaaring nasa Royal Gardellia Kingdom pa rin.
Ang anak ko naman na si Alodia, kasama sina Healer at iba pang mga kaibigan niya, ay nakatakas din. Noong gabi na sinugod kami ng mga taga-Darkreighn, tinulungan ko silang makatakas kahit pa labag sa kalooban nila. Pinagpilitan ko talagang lumayo sila rito. Panatag naman ang loob ko dahil kasama nila Healer. Alam kong hindi niya papabayaan ang anak ko.
Sana nga ay nagpakalayo-layo na sila rito. Sana rin ay dumating ang panahon na makalaya na ang Royal Magicca at makabangon muli. Sana ay makasama ko nang muli ang aking anak at makasama na rin ng mga kaibigan niya ang kani-kanilang pamilya.
BINABASA MO ANG
Fragments Of The Sacred
Fantasy[TO BE EDITED] A legendary Sacred Book of Magic has been kept for years and is believed to be the most powerful thing that maintains the balance of the world. But it was stolen by the evil ones who wanted to rule the humanity and became the most pow...