CHAPTER 57: "The fighting Royalties"

92 5 0
                                    



Blaster Netherfield 


"ANO???!!!"

"Hey, 'wag n'yo nga akong sigawan! Sabay-sabay pa talaga kayo," reklamo pa ni Orange na ngayon ay itinatakip sa magbilang tainga niya ang kaniyang mga kamay.

Nilapitan siya ni Scarlet at hinawakan sa magkabilang balikat. Nakaangat pa ang ulo niya upang tingnan ito, mas maliit kasi siya kaysa nakababata niyang kapatid. "Dalandan, sabihin mong nagbibiro ka lang!"

"Mukha ba akong nagbibiro Ate Pula?"

Lahat kami rito ay nagulat sa ibinalita ni Orange. Sinasalakay na pala ang Fanthasha nang hindi namin namamalayan. 


"Wala man lang tayong kamalay-malay na may nangyayari na pala roon," hindi makapaniwalang wika ni Kuya Grey.

"Mismo, at sabi mo Orange, may malalaking dragon?"

"Oo Kuya Shield, hindi nga namin alam kung bakit may mga ganoon."

"Kung gano'n man, kailangan natin silang tulungan Healer," mungkahe pa ni Ate Alodia.

Tumango si Kuya Heal at sinalubong ang mga mata niya. "Oo, pero hindi ako papayag na sumama ka pa. Dumito ka na lang."

"Ano?" kunot-noong tanong ni Ate Alodia.

"Tama siya, makakasama pa iyon sa iyo binibini," dugtong pa ni Daphny.

"Kung ganoon, maiiwan si Ate Alodia. Ngunit dapat ay may kasama siya rito. We can't just leave her alone in a situation like this, " wika naman ni Ate Cherry.

"Sige, ganito na lang. Maiiwan si Alodia kasama nina Miracle at Orange," Prince Heather suggested.

Orange's eyes widenened and he automatically shook his head. "No kuya, sasama po ako!"

Napabuntung-hininga naman si Kuya Heal. "O sige, ba't hindi na lang si Cherry."

"Ako? Bakit ako?" turan ni ate sabay turo pa sa sarili niya.

"Pumayag ka na lang Cherry, samahan mo na rito sina Miracle at Alodia. Magmatyag din kayo sa paligid at baka may maligaw rito."

Nagkatitigan muna sila ni Prince Heather bago siya tumango bilang pagsuko. She replied, "Oo na, sige, maiiwan ako rito."

"Ganoon din po ako."

"Mag-iingat kayo rito Mira," nakangiting wika ni Scarlet sabay tapik sa balikat ni Miracle.

"Wala naman sigurong maliligaw rito na dragon, ang village ang target nila," sabi ko naman. 

Scar just nodded. "Siguro nga, pero huwag tayong pakasisiguro."

"Mag-iingat kami Ate Scar, mag-iingat din kayo." Niyakap nina Scarlet at Miracle ang isa't isa. Napangiti na rin ako, marami na kaming pinagsamahan kaya alam kong nag-aalala sila.

"Ngayon, mukhang nagkakaintindihan na ang lahat. Umalis na tayo." Sumang-ayon ang lahat sa sinabi ko. Kailangan na naming magmadali papunta roon.

"Teka, paano ako?"

"Maiwan ka na lang din dito prinsesa," ani Kuya Grey.

Her eyebrows furrowed and her lips pouted. She shook her head and replied, "No way! I'll go and fight with all of you!" She even throw a fist in the air. 

Grey just heaved a sigh. "Hay, oo na. Basta't huwag kang magpadalos-dalos Princess Ara."

"Oo naman, trust me Grey, I'll be fine!" she said with a wink.

Fragments Of The SacredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon