Violet Nightfelt
"Tama na muna 'to." Binuklat ko kasi ang aking kulay berde na kwadernong sinusulatan ko minsan ng kung anu-ano lang, tulad ng random lyrics or thoughts.
Ibinalik ko ito sa unang pahina kung saan nakasulat ang buo kong pangalan na Violet Hoarfrost Nightfelt. It was written by my twin brother, Blue, in a nice cursive way. He gave this to me in our last birthday. Alam niya kasing mahilig akong magsulat ng kung anu-anong pumasok sa isip ko.
Tumayo na ako at naglakad papunta sa isang may katamtamang laki na bookshelf sa aking kwarto. Ibinalik ko rito ng maayos ang aking notebook.
Actually, I'm excited right now because it is our first day of school at nasa Fourth Stage na kami ng Senior Level ni Asul, pati ang iba pa na kabarkada namin. Si Pula naman ay Second Stage na at Eighth Grade ng Junior Level si Dalandan.
Ang astig talaga ng nicknames at ng totoong pangalan namin kahit medyo weird. Para kaming nagmumula sa rainbow. Iyon nga lang, sa halip na "Red" ang ipinangalan kay Pula, ginawang Scarlet ni mama kasi mas bagay naman daw. Okay rin naman, mas feminine din pakinggan ang Scarlet.
"Ate Ube labas na d'yan, aalis na raw tayo," dinig kong sabi ni Dalandan mula sa labas ng silid ko.
"Nag-message si Kuya Saber, nasa academy na raw sila ni Ate Mia," dugtong naman ni Scarlet.
Napahinga ako ng malalim bago sumagot ako, "Yeah, palabas na. Wait for me outside."
Iyon nga pala ang tinutukoy ko na dalawang nakababatang kapatid namin ni Asul. Sina Pula o Scarlet, at si Dalandan o si Orange. Kakaiba talaga ang names / nicknames namin. Binase ba naman sa kulay?
Sabi ni Papa, hango raw ang mga pangalan namin sa isang punong namumulaklak nang may matitingkad at magagandang kulay. I think I know what plant he was referring to.
Lumabas na ako sa kwarto ko dala ang aking sling bag at dumiretso na ako sa labas ng mansyon.
"Sina mama at papa?" I asked when I saw them outside. The two younger ones are sitting on a wooden bench while my twin is standing still and leaning on a mahogany tree.
"Umalis na, busy 'yon. Ang tagal mo namang lumabas ATE Ube," pagrereklamo pa ni Asul. Mukhang nabuburo na naman ito.
"Sorry naman KUYA Asul, tara na nga!"
"Wait, 'wag na tayong maglakad. Kumapit na kayo sa 'kin at mag-te-teleport na lang tayo," mungkahe pa ni Dalandan. Tinatamad na rin 'to, hindi pa nga kami nakakaalis eh.
"Akala ko ba maglalakad lang tayo?" tanong ni Pula nang nakapamaywang pa. Usapan kasi namin na maglalakad lang talaga kami.
"Nakakatamad Ate Pula."
Sinaway ko siya, "Dalandan, ang usapan ay usapan kaya maglalakad lang tayo, okay?"
Naramdaman ko ang paglapit ni Asul sa amin at nagsitayuan na rin itong dalawa. "Tinatamad akong maglakad ngayon Ube kaya halika na Dalandan, ako na lang ang sasabay sa 'yo." Agad namang tumango itong si bunso at lumapit sa kuya niya.
"WHAT??!!" sabay naming usal ni Pula. Mukhang balak nga kaming iwan nitong dalawa.
Kumapit na nga si Asul kay Dalandan at ngumiti pa sila nang nakakaloko. "See you at school ladies."
"Bye po mga Ate!"
Sa isang iglap ay naglaho na nga na parang bula ang mga pasaway. Natahimik kami sandali, natulala sa hangin.
BINABASA MO ANG
Fragments Of The Sacred
Fantasía[TO BE EDITED] A legendary Sacred Book of Magic has been kept for years and is believed to be the most powerful thing that maintains the balance of the world. But it was stolen by the evil ones who wanted to rule the humanity and became the most pow...