CHAPTER 68: "Battle agreement"

97 5 0
                                    



Third Person's P.O.V


Kasalukuyang nasa Royal Magicca Palace ang mga propesor na sina Alexander, Melody at Garret kasama ang mga Clan Leaders. Nagulantang ang lahat nang biglang pumasok sa silid ang ilang mga tauhan ng Darkreighn na sina Lord Arthur, Lady Jameica at ang grupong Nightreighn.


Napatayo si Elleazer at agad siyang tinanong, "At ano'ng ginagawa ninyo rito?"

"Bakit Lord Elleazer, may problema ba? Pinapaalis n'yo na agad ang inyong bisita?" sarkastikong wika ni Lady Jameica.

"Hindi mo pa ba nahahalata?" sabat pa ni Lady Eleenna habang tinitingnan ng masama ang babae.

Binalewala lamang nito ang sinabi ng lady superior. "Huh, hindi bale, nandito kami upang maghatid ng balita mula sa labas."

"Pwede bang diretsahin n'yo na kami?" ani Lord Elleazer na halatang naiinip na at ramdam ang galit sa tono ng pananalita nito.

"As you wish, Lord Elleazer."


Inilabas ni Arthur ang isang kalatas at basta-bastang itinapon sa isang tabi sa sahig. Kusa itong bumukas at ipinakita ang nilalaman. Ang mensaheng nakaukit ay nagliliwanag pa at unti-unting lumutang sa ere ang mga letra nito. Ang sabi sa mensahe ay "Hangad namin na makausap ang Superiors ng Darkreighn para sa isang kasunduan sa nalalapit na sagupaang inaasahan na namin."


Naguguluhan itong tinitigan ni Lady Eleenna. "Ano'ng ibig sabihin nito? Saan nanggaling ang mensaheng iyan?"

Ngumiti nang makahulugan si Lord Arthur. Sabi niya, "Panoorin mo lamang Lady Eleenna, karugtong niyan ang pangalan ng grupong nagpadala."


Unti-unti ay nakikita na nila ang paglitaw ng salitang "ELEMEIGHTS", kasama ang simbolo ng walong mga elemento. Bakas ngayon sa mga reaksyon nila ang gulat at pangamba. Kasunod pa ng mensahe ang paglabas ng isang simbolo na ngayon lamang nila nakita.


"May binabalak silang gawin," sambit ni Lady Eleenna habang nakatakip sa bibig niya ang isa niyang kamay.

"Ngayon ay alam n'yo na, sila mismo ang humahamon sa amin ngayon," mariing wika ni Shadelline.

"They are choosing to fight against us rather than surrendering. Hanga rin ako sa tapang nila," Vane added.

"Of course it's in the blood," ani Lady Jameica na may kakaibang ngiti sa labi nito.

"Nightfelt, his name is Blue Nightfelt. He's you're oldest son, right? And now, he's leading a group in Fanthasha to fight against our Superiors. Such courage," seryosong wika ni Lord Arthur na mas lalong nagpatindi sa tensyon.


Halo-halong emosyon ang makikita sa mga magulang ng batang Magiccan Royalties. Maya-maya pa ay bigla na lamang pumasok sina Hellgod at Savannah sa silid.


"Kumusta kayong lahat? Nagustuhan n'yo ba ang surpresa ko?" Hellgod's beginning words to them.

"Sa palagay ko ay hindi," Savannah uttered with an evil grin flashed on her face.

Anger and worries are now visible in the eyes of the Magiccans, especially Elleazer. "Ano'ng binabalak mo Hellgod?"

"Malalaman mo rin Elleazer."


Lumapit si Glacier sa mensahe na may mahika at ginamitan niya ito ng charm ability. Lumayo siya nang biglang lumiwanag ang simbolo at sobrang nakasisilaw ito sa mata. Matapos ang ilang sandali ay lumabas ang anyo ng mga taong nakasuot ng mahahabang mga balabal na may panakip sa ulo. Para silang nanonood ngayon ng isang hologram ng mga tao.

Fragments Of The SacredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon