CHAPTER 35: "Till they meet again"

125 6 0
                                    



Blue Nightfelt 


"Shieldron Hawkeland," mahina ngunit madiing bigkas ko ng pangalan niya.

"Kumusta, Elemeights?"

 

Nasurpresa kami sa biglaang pagsulpot niya at ngayon ko lamang nalaman na may wings ability pala siya. The light atmosphere changed in a sudden, like the temperature is heating up as the tension between us continued rising.


"S-shieldron? Inuulit ko, bakit ka nandito?" Sa tono ng pananalita ni Ube ay halatang kinakabahan siya.

"Kailangan n'yo pa bang malaman?"


Magsasalita na sana ako nang may dumating muli na lumilipad rin sa ere. Isa itong pigura ng babae at lumapag ito malapit kay Shieldron. Nang mag-angat ito ng tingin ay dinig ko ang pagsinghap ng ibang mga kasama ko.


"Daphny Blitz!? Parehas din pala kayong may wings ability?" biglang tanong ni Rye na palipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa.

"Oo Ryeine, matagal-tagal na rin. Isang taon na mula nang huli tayong magkaharap Elemeights," turan naman ni Daphny.


Hindi ko maintindihan kung bakit ngunit tila may mali sa nangyayari. Batid kong may itinatago sa amin ang mga taong ito.


"Ano'ng ginagawa ninyo rito?" usal pa ni Emme. Nakakapanibago, tila walang emosyon ang boses niya.

"Hindi n'yo pa rin ba alam? Kailangan pa ba naming ipaintindi sa inyo?"


Napakunot naman ang noo ko sa tono ng pananalita ni Daphny. It's like she is implying something that I don't understand and I think it's far darker than what I thought it is.


"Bakit, ano pa ba ang dapat naming malaman mula sa inyo?" matapang na wika ni Mia.

Nagkatinginan muna sila bago sumagot si Shieldron, "Kung sino talaga kami."


Nakasuot sila parehas ng kapa na kulay itim. Mahaba ito at abot halos sa talampakan. Hinarap nila sa amin ang kanilang kanang braso kaya mas tinalasan ko ang aking paningin. Unti-unting lumitaw sa balat nila ang isang kulay itim na simbolo.


"T-teka, iyan ang simbolo ng..."

Si Zeus na ang tumapos sa sasabihin ni Ube, "Royal Darkreighn Empire."

"Ibig sabihin, hindi talaga kayo Taga-Magicca?" naguguluhang tanong ni Emme.

Naikuyom ko ang aking mga palad, tila hindi ko magugustuhan ang magiging sagot nila. "Nanggaling nga sila sa Darkreighn Emme," anas ko sa kaniya.

Ngayon, unti-unti na akong nalilinawan. Mga kalaban namin sila. Kaya pala panay ang dikit nila sa grupo namin noong nasa academy pa kami. Nagmamanman pala sila nang palihim. Masyado yata kaming naging pabaya at hindi namin ito natuklasan dati.

Nakita kong pailing-iling si Ryeine at bahagyang nakaawang ang bibig. Hindi niya yata ito matanggap lalo pa't naging malapit siya kay Daphny noon.


"Hindi, paanong... Daph, bakit?"


Diretso lamang siyang tinitingnan ni Daphny, ni walang bakas ng panghihinayang o pagsisisi sa mukha nito.


"Ipinadala kami mula sa Darkreighn noon, para sa aming misyon. Pinahanap sa amin ang walong nilalang na nagtataglay ng mga simbolo ng elemento, at kayo iyon. Maliban doon, misyon din namin na hanapin ang mahiwagang libro na nakatago sa Magicca, at nagtagumpay kami."

Fragments Of The SacredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon