Oh yeah! It's about to end and i'm so glad but sad at the same time.
I'll definitely miss messing up and fighting with these characters!
Sa susunod, ibang kwento naman ang guguluhin ng utak ko...
(insert: evil grin)Long live Fragmenters!
****One year later****
Violet Nightfelt
Isang ordinaryong araw para sa isang ordinaryong tao na tulad ko. Wala na yatang espesyal pa sa akin buhat noong nawala nang tuluyan ang mga kakayahan ko.
Nandito ako sa harapan ng aming tree house na dati-rati ay madalas naming tambayan. Me and my siblings are actually reminiscing our childhood days where we used to stay up there, all day long.
Lumingon sa amin si Blue na bahagyang nakangiti. "Wanna play around? Just like the old days."
"Right, let's get inside!" I answered.
Nag-unahan kami sa pag-akyat ngunit naunahan kami ni Dalandan dahil nag-teleport siya. Pumasok nga kami sa bahay at nagsimulang magtingin-tingin sa mga lumang kagamitan dito.
May mga lumang laruan, larawan, gitara, libro, unan at kung anu-ano pa. Mga bata pa lamang kami ay namamalagi talaga kami rito kapag may panahon at nagpapahinga. Madalas ay kasama ang mga kaibigan namin.
Ilang minuto rin kaming nagkwentuhan at nagtawanan dito nang biglang may tumawag, "Young masters? Nand'yan ba kayo sa loob?"
"Po????" we responded.
"Nasa loob ng mansyon sina Lord Blaster at Ms. Miracle."
"Sige po, susunod na po kami!" tugon ni Pula.
"Paano ate at kuya, mauna na kami. Nand'yan na ang dalawa," wika pa ni Dalandan.
Nginitian ko siya at tumango ako. "Okay, ingat kayo."
"Bye, see ya!" turan nilang dalawa. Kumapit na sila sa isa't isa at naglaho nang tuluyan.
Nagkatinginan kami ni Asul at nagkibit-balikat. Maya-maya pa ay lumabas na rin kami at umupo sa makapal na damuhang napakatingkad ng kulay. Tiningnan ko ang aking receiver at nabasa ko ang mensahe ni Zeus, makikita-kita nga pala kami.
"Let's go Asul?"
"Tara, baka naghihintay na sila."
Umalis na kami sa mansyon at nagsimulang maglakad-lakad sa kalye. Tamang-tama at nakasalubong namin sa daan sina Ryeine at Zeus.
"Yow twins! Good morning!" Rye greeted us, as usual, wearing his vibrant smile that's full of life.
"Musta? Hyper masyado ah?"
Tumawa lamang siya. "As usual Vie!"
"Excited lang 'yan na makita si Rhythmia," sabat pa ni Zeus.
Lumawak lalo ang ngiti ko sa narinig. "Kaya naman pala eh!"
Napakamot pa ang loko sa batok niya. "Wag n'yo nga akong asarin, mas lalo tuloy akong kikiligin!"
Napapailing na lamang ang kakambal ko. "Malala ka na talaga pare."
"Rhythmia syndrome," Zeus uttered.
"Asus, parang wala ka ring VIOLET SYNDROME?!" He burst into laughter. Tinaasan ko siya ng kilay. Loko talaga kahit kailan.
BINABASA MO ANG
Fragments Of The Sacred
خيال (فانتازيا)[TO BE EDITED] A legendary Sacred Book of Magic has been kept for years and is believed to be the most powerful thing that maintains the balance of the world. But it was stolen by the evil ones who wanted to rule the humanity and became the most pow...