Cherrybelle Netherfield
Sometimes, it really bores me when I am not doing anything. But hey, I'm living a princess life inside this huge mansion here in Royal Magicca Domain. Clan Masters ang mga magulang ko kaya natural lamang na kilala ang pamilya namin sa Magicca.
Mayroon akong nag-iisang nakababatang kapatid na lalake, si Blaster, dalawang taon siyang mas bata sa akin.
Masaya naman ako sa aking buhay, masayang-masaya. Ako ay may angking kagandahan at matalino rin. Isa pa, mayaman at makapangyarihan din ang pamilya namin. I can have all that I want in life, I have everything that a lot of ordinary girls dream of. Ngunit pakiramdam ko ay palaging may kulang sa akin, hindi ko lang alam kung ano iyon.
Tumayo na ako mula sa malaking bath tab dito sa banyo ng kwarto ko. Kanina pa ako nakababad sa mainit-init na tubig na may kasamang aroma ng mababangong bulaklak.
Agad akong nagbihis dahil maya-maya lamang ay pupunta na ako sa academy kasama ang aking kapatid. Matapos makapag-ayos ay bumaba na ako upang sumabay sa buong pamilya na mag-almusal.
Ewan ko ba, lumilipad na naman kung saan-saan ang isip ko. Kaasar talaga.
"Ate? Pssst ate!"
Nagulat ako at tila natauhan dahil sa kapatid ko kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Bakit ba Blast? Wag mo nga akong guluhin," mahinang singhal ko sa kaniya.
"Eh kanina ka pa kasi kinakausap nina mama at papa pero hindi ka naman nakikinig," panunumbat niya pa sa akin habang napapailing. Nanahimik na rin siya at nagpatuloy na sa pagkain niya.
Napairap na lamang ako at binalingan ko naman sina mama at papa na ngayo'y huminto sa pagkain at sa akin nakatingin. What's with them?
"Bakit po ba? Is there any problem?" Naiinis man ay pinipigilan ko pa rin na pagtaasan sila ng boses bilang respeto na rin.
Bumuntong-hininga muna si mama at muling sinalubong ang aking mga mata. "Well iha, kanina ka pa kasi tulala riyan. Ni hindi mo nga masyadong nagalaw ang pagkain mo." Mahinahon lamang siya na nagsalita kaya mas lalong ayaw ko na sumagot-sagot.
"Ano bang nangyayari sa 'yo, Cherry? Umayos ka dahil nasa harap ka ng pagkain," seryosong wika ni papa ngunit mukhang hindi naman siya galit.
Bahagyang humigpit ang paghawak ko sa aking baso. Gusto lang naman nila akong pagsabihan, siguro dahil sa mga katangian kong hindi kanais-nais. Well, I can't blame them, I am who I am and I don't give a damn care of what other people will say.
Bahagya kong ginalaw ang aking mga balikat bago nagsalita ulit, "Fine. Sige, I'll go to school now. Bye." Tumayo agad ako na siyang kinabigla nila. Kinuha ko ang aking sling bag at sinabit sa kanang balikat ko.
"Where do you think you're going young lady? Ba't 'di mo muna tapusin ang kinakain mo?"
My fist slowly clenched while the other one tightened its grip on the strap of my bag. "Busog po ako papa kaya salamat na lang po," I replied in a cold tone.
BINABASA MO ANG
Fragments Of The Sacred
Fantasi[TO BE EDITED] A legendary Sacred Book of Magic has been kept for years and is believed to be the most powerful thing that maintains the balance of the world. But it was stolen by the evil ones who wanted to rule the humanity and became the most pow...