CHAPTER 74: "Be hurt to protect"

122 4 0
                                    



Third Person's P.O.V


The atmosphere became intense and the aura of darkness from the gigantic creatures are scattered everywhere. Emerald thinks of needing to use something that is huge enough to defeat the monsters that are surrounding them. She suddenly glanced at the lake and in a snap, she just found an idea.


She took a deep breathe and focus her aura without taking away her sight from the lake, then, she casted an elemental magic technique, "Water-Charm Magic: Water Dragon, rise up!"


Kahit ang kaibigang si Flareena ay nanlalaki ang mga mata sa ginawa ni Emerald. Napangisi lamang ito, ngayon niya lamang ito nasubukan.


"Whoa, that is huge Emme."

"Right. Ubusin mo sila, water dragon!"

Malakas ang ginamit niyang mahika kaya't unti-unti ring nauubos ang mga halimaw at dragon sa paligid nila. Dagdag pa ang pagtutulong-tulong nilang apat upang lipulin ang mga kalaban. Nang maubos na nila ang mga nilalang ay umalis na rin sila sa lugar. Lumipad sila sa ere gamit ang telekinesis ni Prinsesa Arabella. Nakasunod pa rin sa kanila ang water dragon hanggang sa inutusan ito ni Emerald na sumugod sa mga nagliliparang itim na dragon.

Namataan din agad nila ang kanilang mga kaibigan na hiwa-hiwalay na nakikipaglaban. Humiwalay na rin sa apat si Miracle na ngayo'y ginagamit ang kaniyang mga pakpak. Si Flareena naman ay sa direksyon ni Saber patungo, habang si Emerald ay napunta malapit sa area nina Zeus at Healer.


"Salamat Princess Ara. Mag-iingat ka!"

"Walang ano man Emme, ingat din kayo!"

Matapos magpaalam ay lumutang muli sa ere ang prinsesa at umalis na. Binawi na rin ni Emerald ang pinatawag niyang dragon. Tumakbo siya at tinawag ang isang kaibigan, "Zeus! Sina Blue?"

"Papunta 'yon sa Archaic Palace kanina," turan nito. 

"Sige, susunod ako roon ngayon din," determinadong sagot ni Emerald. 

"Sasama ako Emme, kayo na muna rito, Kuya Heal!"

"Sige, mag-iingat kayo kina Savannah!"
Emerald shouted back to his brother, "Mag-iingat ka sa mga kalaban kuya!"


Nagmamadali silang kumilos ni Zeus at dumiretso na sa daanan patungo ng Archaic Palace. Hindi malaman ni Emerald kung bakit ngunit bigla siyang kinabahan ng husto at nabibingi na siya sa lakas ng pintig ng kaniyang puso...


"Sab! Damn it... Fire ignition!"


Patungo sana si Flareena sa direksyon ni Saber ngunit humarang ang dalawang maiitim na halimaw na wangis ng lobo. Bigla namang may nagbuga ng apoy papunta sa binata kaya't nag-teleport siya at napadpad sa itaas ng mga ito.


"Crystal Magic: Crystal Blade Swords." Ngayon ay mas pinatibay niya na ang kaniyang pangunahing sandata.


Bigla namang lumagablab ang napakalakas na apoy na gawa ni Flareena sa paligid niya kaya tumilapon ang mga nasusunog na halimaw. Muntik na siyang matamaan ng mga spinning blades ngunit nailagan niya kaagad. Napasinghap siya nang biglang may kumontrol sa kaniya kaya tumilapon siya at tumama sa isang concrete wall.

Isang telekinesis at spinning blade user ngayon ang kalaban nila. Nahagip kaagad ito ng paningin ni Saber. Ang taong iyon ay si Vane Granite. Humigpit ang hawak ni Saber sa kaniyang sandata at lumalalim ang kaniyang paghinga dahil sa inis. Nag-teleport siya patungo kay Vane at sinugod ito gamit ang kaniyang pinaghiwalay na double-blade sword. Ilang sandali lamang at ginamitan din siya nito ng malakas na telekenesis kaya't bumagsak siya sa lupa.
 

Fragments Of The SacredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon