Blue Nightfelt
Mabilis na lumipas ang mga araw. Ngayon ay higit sa kalagitnaan na kami ng aming academic year. Ilang buwan na lamang at kaming mga Elemeights ay ga-graduate na sa Senior Level. Ang bilis talaga, parang kailan lang ay Juniors pa kami.
Pagkatapos ng Fourth Stage ay tutungtong na kami sa Mastery Level na magtatagal pa ng dalawang taon. Mabuti pa sina Kuya Healer at Ate Alodia, ngayon na ang huling taon nila sa Mastery Level. Ilang buwan na lamang at magiging ganap na silang mga Senior Masters.
Bago ko makalimutan, araw ng Linggo ngayon. Ngayon din ang araw ng royal visit ng ilang Royalties o Clan Masters / Leaders mula sa Royal Gardellia Kingdom at Royal Fanthasha Village. Inaasahan rin na kasama sa mga pupunta ang mga heirs and heiresses nila kaya malamang ay meet and greet na naman ang magaganap kasama kaming mga anak ng leaders of Royal Magicca Domain.
Tungkol naman sa Royal Darkreighn Empire, walang kasiguraduhan kung lalahok sila sapagkat ang lugar nila ay laging sarado para sa mga dayuhan. Minsan lang din sila tumatanggap ng paanyaya mula sa ibang lupain.
Ang kaharian naman ng Gardellia ang siyang pinakamalapit na kaalyado ng Land of Magicca. Pinamumunuan ito nina Haring Herculean at Reyna Angelica na parehas na malalapit na kaibigan ng mga magulang ko.
Mayroon silang dalawang anak. Ang panganay nila ay si Prinsipe Heather, dalawampong taong gulang ito, kasing edad nina Kuya Healer at Ate Alodia. Ang pangalawa at bunsong anak nila ay si Prinsesa Arabella na labing walong taong gulang pa lamang at kasing edad namin ni Ube.
Malapit na talaga ang pamilya namin sa kanila dahil taon-taon ay dumadalaw sila rito sa Magicca at maging kami rin ay pumupunta sa Gardellia paminsan-minsan. Sa kanilang kaharian, mayroon din silang mga ilang kilala na Clan Masters.
Sa Fanthasha naman, mayroon din silang iba't ibang Royal Clans na may sariling konseho rin. Ngunit wala silang mga tinatawag na Superior Masters o kataas-taasang namumuno sa buong lupain nila. Ang mayroon lamang sila ay Chief Council Leader, Clan Masters at kani-kanilang Clan Heirs / Heiresses.
Iilan lang din sa kanila ang nakikilala namin, hindi katulad ng sa Gardellia na siyang nangunguna naming kaalyansa na kaharian.
Wala ako sa tahanan namin ngayon. Nandito ako sa napakalawak na Royal Magicca Palace at kasama ko rito ang mga kapatid ko at mga magulang. Nandito na rin syempre ang iilang Clan Masters, High Masters at Senior Masters na naghahanda para sa isang linggong selebrasyon na tinatawag naming Annual Royal Assembly na madalas ginaganap dito sa Magicca Land.
Ngayong araw nga ang arrival ng mga Royalties from Gardellia, Fanthasha at pwedeng ang Darkreighn na rin, kung makikilahok sila. Syempre, present dito ang buong Elemeights ngayon.
Bumukas ang pinto nitong silid na kinaroroonan ko at iniluwa si Ube na patakbong naglakad papalapit sa akin. "Hey Asul, tara na, lumabas na raw tayo. Kararating lang daw ng ilang Royalties mula sa Fanthasha. Kasali tayo dapat sa mga sasalubong sa kanila!"
"Alam ko Ube, 'wag kang sumigaw. Oo na, lalabas na po," turan ko sa kaniya sabay tayo na rin.
Tumango siya. "Good. Sina Pula at Dalandan ay nasa labas na kasama ang ibang Clan Young Masters."
"Vie! Halika na, nasa'n si Blue?" Dinig ko ang boses ni Emme mula sa labas ng pintuan.
"Nandito sa loob, hinihintay ko nga eh!" sigaw ni Ube pabalik. Muli niya akong nilingon kaya tinanguhan ko siya.
Lumabas na rin kami sa silid. Sabay na kaming umalis nina Emme at Ube. Tumungo kami kung saan nakapuwesto ang ibang Royalties. Nakita na rin namin ang ibang Elemeights na nagtitipun-tipon.
BINABASA MO ANG
Fragments Of The Sacred
Fantasi[TO BE EDITED] A legendary Sacred Book of Magic has been kept for years and is believed to be the most powerful thing that maintains the balance of the world. But it was stolen by the evil ones who wanted to rule the humanity and became the most pow...