Blue Nightfelt
Five days had passed since the last encounter with the enemies here in Fanthasha Land. That battle did left a mark of destruction in the Village. That is why, me and my troops decided to stay for a while and help the Clan Leaders and the Fanthasians on rebuilding their home.
Dito rin sa lugar na ito ay nagkita-kita kaming lahat, mula sa Magicca, Fanthasha, Gardellia at Darkreighn. Hindi ko akalaing magkasama-sama kami sa ganitong paraan. Napakagulo man ng sitwasyon, kahit papaano ay may maganda pa ring nangyari rito. Higit sa lahat ay nagkaroon kami ng pagkakataong makilala ang Diyosang sina Magicca at Fanthasha na ngayon ay nananatili pa rin dito. Ngunit nalaman naming limitado lang pala ang pananatili nila sa mundo ng mga mortal.
Samantala, noong isang araw lamang ay umuwi muna sa Gardellia sina Prince Heather, Princess Arabella at Lord Grey upang maibalita ang mga nangyari rito at nang malaman din nila ang sitwasyon doon. Bumalik din sila kaagad rito kanina at nalaman namin ang nangyari sa Land of Gardellia.
Naging magulo rin pala ang sitwasyon doon. Mabuti na lamang at naagapan kaya't hindi nawasak ang kanilang kaharian. Nakapaghasik lamang ng kaguluhan sa labas ng territory ang mga kalaban. Dinala rin nina Prince Heather kanina ang Diyosa na si Gardellia kaya nakilala namin ito. Hindi rin naman siya masyadong nagtagal at bumalik na kaagad sa kaharian.
Nagpaiwan lamang dito sina Prince Heather. Mabuti na lang talaga at hindi tuluyang nawasak ang kabuuan ng village kaya kahit papaano ay may naisalba pa rin. Kami ng mga kasamahan ko ay pumili na rin ng area dito na kung saan ay pwede naming gawing pahingaan. Sakto lamang ang lawak nito at kasya kaming lahat. Sama-sama kami sa iisang puder kaya't ang dami tuloy namin dito, masaya rin naman kahit maiingay at medyo magulo minsan.
Nandito ako ngayon sa mataas na bahagi ng Royal Fanthasha Village, malapit lamang sa pahingaan namin. Mula rito ay matatanaw ang lawak ng village. Ang daming nawasak na istraktura ng lugar at nakakalat pa mga kapiraso nito sa paligid. Kung titingnan ay tila dinaanan ito ng isang malaking delubyo lalo na't nagkabitak-bitak ang mga lupa. Namamataan ko rin ang ibang mga mamamayan dito na sinusubukang maisaayos ang mga nasira gamit ang kanilang kapangyarihan.
"Ang layo ng tingin ah?" I turned my head to where the voice came from. It's Emme, she's beaming at me while walking towards my direction.
I forced a smile. "Ikaw pala Emme, hindi kita namalayan."
"Paano kasi, tila may malalim kang iniisip. Tama ba ako?"
I heaved a sigh as I turned back my attention on the broken land with scattered debris of the previous battle all around. "Pwede na rin. Iniisip ko lang ang mga nangyari nitong huli, ang daming kaganapan."
Isang malalim na buntong-hininga ang narinig ko sa kaniya bago sa sumagot, "Tama ka, napakagulo na nga ng sitwasyon."
Tumango lamang ako at muling inilibot ang paningin sa kabuuan nitong napakaganda sanang lupain. The warm gentle breeze came by and lingered on my face as I gazed at the ocean of blue in the air that's painted with soft white feathers. I closed my eyes to breathe the nature's captivating scent. Nang idilat ko ang aking mga mata ay agad kong nilingon si Emme, na matamang nakatitig sa akin nang nakangiti kaya napangiti na rin ako.
Halos sabay kaming lumingon sa likuran at nakikita ko ngayon sina Flare, Rye at Ara na tila nag-aasaran habang sina Sab at Mia ay pangiti-ngiti lamang habang nanonood sa kaingayan ng tatlo. Sa isang tabi naman ng puno, namataan ko sina Cherrybelle at Prince Heather na nag-uusap lamang habang pasulyap-sulyap din sa mga kasamahan namin.
BINABASA MO ANG
Fragments Of The Sacred
Fantasy[TO BE EDITED] A legendary Sacred Book of Magic has been kept for years and is believed to be the most powerful thing that maintains the balance of the world. But it was stolen by the evil ones who wanted to rule the humanity and became the most pow...