CHAPTER 80: "Fragments as one"

367 7 0
                                    



Violet Nightfelt 


The Goddess disappeared in our sight in just a snap. Our final magic will now be executed. Nakapalibot na kami ng mga kaibigan ko at magkahawak-kamay lahat. So this is how it will end, finally.


"So, I guess this goodbye to our magic later," sabi pa ni Saber.

"Hmm, bye bye elements," malungkot na tugon naman ni Flare.

"Buhay pa naman tayo eh, mas importante iyon kaysa ano mang kapangyarihan sa mundo," nakangiting wika ni Ryeine na isa-isa kaming tiningnan.

Sumang-ayon naman si Mia, "Tama, ang importante ay buo pa rin tayo sa yugtong ito."

"Let's end this now and go back to our home," Zeus uttered.

Napangiti ako sa sinabi niya. "Yeah, I missed my parents."

"Same here Ube, same for everyone."

"Right, simulan na natin ang final magic?"


Tumango na rin kaming lahat kay Emme bilang pagsang-ayon. Ito na nga ang simula ng katapusan. Ngunit alam kong ito ang nararapat at kahit ano man ang mangyari ay hindi namin ito pagsisisihan.


Isang malalim na hininga ang pinakawalan ni Emme bago siya nagsalita, "Eight Element Restoration Magic, release."

"Fire Magic, release."

"Crystal Magic, release."

"Ice Magic, release."

"Land Magic, release."

"Nature Magic, release."

"Lightning Magic, release."

"Water Magic, release."

"Wind Magic, release."

She took a deep breath once again before she continued, "By the power bestowed by our elemental magic symbols, comes the restoration of the Sacred Book of Magic, the restoration of the world, and the destruction of the curse made for the book and by the book itself. We now agreed to sacrifice... the whole of our elemental magic and abilities, all eight of us... Sacred Book of Magic, accept and take back what is rightfully yours from the beginning!"


Everything happened in a sudden. A massive force from all eight of us are releasing rapidly. Every fragment of the book are becoming whole again. Kasunod nito ang tila nakasisilaw na liwanag mula sa libro kaya't napapikit kami ng mga kaibigan ko. Sa muling pagmulat namin ay buo na muli ang libro at nasa sahig na, sa gitna naming walo. Pansin ko ring nawala na ang kaguluhan sa paligid.

Sa wakas, natapos na rin ang lahat. Unti-unti na ring naglalaho ang elemental magic symbols sa mga palad namin. Nagkatinginan lamang kami at ngumiti sa isa't isa. Lumuhod ako upang kunin ang mahiwagang libro. Tinitigan ko itong mabuti at niyakap ng mahigpit.


"Sa wakas, nabawi na natin ang libro, makakauwi na rin tayo," halos pabulong kong wika. Hindi ko napigilan ang pagtulo ng aking luha ngunit agad ko itong pinahid.

"Everything will be fine by now, so yes, we can all go back home. This is home anyway." Napangiti naman ako dahil sa sinabi ni Zeus. Finally.


Nilapitan ako nina Mia, Flare at Emme saka yumakap sa akin habang pare-parehas na kaming nakaupo sa sahig. Napaupo na rin si Rye na tila nabunutan ng tinik sa dibdib.


"Finally we can rest, but not in peace. Parang iba kasi ang dating kapag gano'n, kaya rest lang."


Napahagikhik tuloy kami sa sinabi niya, loko pa rin talaga. Tumayo na si Mia at lumapit sa kaniya saka naupong muli sa tabi nito. Gusto lang tumabi kay Ryeine eh. Haha! Si Flare naman ay tumayo rin at lumapit kay Saber na nakasandal lamang sa wall. May pa-holding hands pang nalalaman ang mga 'to. Wahaha!

Fragments Of The SacredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon