CHAPTER 77: "Healing the scars"

122 4 0
                                    



Rhythmia Hoarfrost 


Naririnig at ramdam na ramdam ko pa sila sa labas ng barrier na pumuprotekta sa amin ni Rye. Kani-kanina lamang ay kaharap namin ang kambal na sina Glacier at Glimmer. Gumawa si Rye ng matibay na barrier mula sa kaniyang land element at nababalot kami nito sa ngayon. Gumamit din ako ng ice element na ipinadaan ko pa sa ilalim ng lupa, palabas sa pinagtataguan namin. Binalot ko ng ice berg ang barrier at nagpakalat din ako ng matatalim at matitigas na yelo sa paligid upang hindi nila ito mawasak ng basta-basta.

Tama si Rye, kailangan namin ng oras upang maka-recover lalo't sugatan siya sa likurang bahagi ng katawan niya at kumpara sa akin ay mas nanghihina siya. Nakasandal lamang ako sa land wall at pinahiga ko siya sa kandungan ko upang makapagpahinga ng kaunti. Nakapikit lamang siya ngayon, pero alam kong gising na gising ang diwa niya dahil sa natamong sugat. Naaawa na ako sa kaniya at wala man lang akong magawa dahil hindi ako nature user. Hindi ko siya magagamot. Napakagat ako sa aking labi at unti-unti ay napapahikbi na lamang ako.


"M-mia? Bakit ka umiiyak? Okay lang ako, magiging maayos din ang lahat," wika niya pa na halos pabulong lamang.

"Rye..."

"Pangako, makikita mo ang mga magulang mo... Makakauwi tayo Mia, at magiging maayos ang lahat, okay? Magtiwala ka lang, magtatagumpay tayo. Huwag ka nang umiyak." 

"O-oo, naniniwala ako sa 'yo."


Tumatango ako habang hawak-hawak nang mahigpit ang kaniyang kamay. Pinipigilan ko ang aking sarili na umiyak ngunit hindi ko magawa, may mga luha pa rin na kumawala mula sa aking mga mata. Ngumiti lamang siya sa akin.


"P-pwede mo ba akong tulungan na bumangon?"

Tumango ako. "Sige, dahan-dahan lang, Rye."


Tinulungan ko nga siyang bumangon at nang makaupo nang maayos. Hindi sinasadya ay napatitig na naman ako sa sugat niya sa likod at para akong tinutusok ng patalim sa dibdib ko.


Sabi niya, "Mia, 'wag mong tingnan ang sugat ko. Okay lang ako, isipin mo ang sarili mo."

"I'm sorry, I can't cure your wounds," mangiyak-ngiyak kong turan.

"It's okay, I'll be fine. Trust me, okay?"


Dahan-dahan siyang humarap sa akin at hinawakan niya ang mukha ko. Pinahid niya ang mga luha na patuloy na dumadaloy sa mukha ko. Hindi ko napigilan at niyakap ko siya nang mahigpit at humagulhol ako sa mga bisig niya.


Bahagya siyang natawa. "I am not gonna die, okay? I can still manage to fight."

I sniffed as I looked at his exhausted face. "Are you sure about that? Sugatan ka."

"Sigurado ako, huwag kang mag-alala. We can do this and we will make it through."


Humiwalay na ako ng yakap sa kaniya. Without a warning, I gave him a smack on the lips and I smiled while gazing at his dark eyes full of sincerity. Saglit siyang natigilan.


"Of course we will make it through, you promised me something, right?"

A smile started to curve on his lips. "I thought you're forgetting it, haha."

"Hindi ko makalilimutan iyon, Mr. Clamour."


I can still feel the presence of our enemies outside. Gumagawa pa rin talaga sila ng paraan upang mawasak ang barrier na pumuprotekta sa amin.

"Those freaks, guess we need to fight once more," wika niya.

"Ano pa nga ba? Let's give them what they want," tugon ko sa kaniya.


Fragments Of The SacredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon