CHAPTER 26: "Young leaders"

129 7 0
                                    



Scarlet Nightfelt 


It's Saturday right now and we are going to have a celebration for tonight para kina Prince Heather, Princess Arabella, Lord Grey, at sa iba pang kabataang members ng royal families mula sa ibang lupain na nandirito ngayon sa Magicca.

Bukas na kasi sila uuwi sa Fanthasha at Gardellia. Imbitado rito ang lahat ng young royalties dito sa Magicca at kabilang na roon ang malditang si Lady Cherrybelle. Kahit ano pang sabihin namin, miyembro pa rin siya ng isang Royal Clan kaya naman, kailangan naming pakisamahan. Tsk.

Present din ngayon sina Kuya Shieldron at Ate Daphny, na inimbita naman nina Ate Ube. Inimbita rin naman ni Orange ang best friend at classmate niya na si Miracle Gemstone, anak siya ng dalawang Senior Masters at professors din ng academy.

Hinahanap ko naman ngayon ang lalakeng best friend ko na si Blaster, ang nakababatang kapatid ni Lady Cherrybelle. Oo, magkapatid nga sila ngunit hamak na mabait naman ito, hindi katulad ng malditang kapatid niya!

Speaking of, nandito na nga sila kaya sumalubong ako sa kanila. Nang makita ako ni Blast ay ngumiti rin siya at bahagyang kumaway.


"Hello Blast! Buti't nandito ka na," masayang bati ko sa kaniya nang makalapit na ako sa kanila.

"Good evening Scar, wala na rin naman akong pinagkakaabalahan,"  bungad niya naman sa akin.

"That's great then."

"Hay nako, kung hindi lang dahil kay Blaster ay hindi rin ako a-attend dito. Tsk.." Hay, puro pagsusungit lang yata ang alam gawin nitong ate ni Blast. Ang taray niya ha?

Hindi tuloy napigilan ni Ate Ube na sumabat, "Excuse me Cherrybelle, wala namang nagtatanong sa 'yo ah? And anyway, you can go home if you want to." She crossed her arms and looked away after saying those words.

Inirapan lamang nito si ate. "Whatever witch," she muttered, loud enough for me to hear.


This is the reason why we didn't bother to make her as part of our circle of friends. Hindi rin naman siya marunong makisama o makitungo ng tama sa ibang tao.


"Ate, hindi tayo naparito para makipag-away o kung ano man. Celebration ito at imbitado tayo kaya umayos ka," mahinang saway sa kaniya ni Blaster. Buti pa itong kapatid niya, ang layo-layo ng ugali sa kaniya. Magkapatid ba talaga sila?

"Yeah right, tss.." Nag-roll eyes pa ito at nauna nang maglakad kay Blaster. Sinundan lang namin ito ng tingin hanggang sa makalayo.

Siya na mismo ang humingi ng paumanhin sa asal ng kapatid niya. "Hay, pasensya na talaga kayo sa ate ko. Sorry Ate Violet, gano'n lang talaga 'yon." Siya na yata ang nahihiya sa mga pinagsasabi ng ate niya.

Umiling naman si Ate Ube sabay tapik sa braso ni Blast. "No problem Blaster, sanay na ako ro'n. Sige na, tumuloy na kayo rooon," nakangiting wika niya sabay tango rin sa akin.

Blaster just smiled and nodded. "Salamat po," he uttered and shifted her attention to me. "Nga pala Scar, nakita ko sa labas si Miracle. Nasa'n na si Orange?"

Inilibot ko naman ang paningin ko sa paligid. "Si Dalandan... Ay, ayun na pala o. Kasama niya na si Mira," sabi ko habang itinuturo nang bahagya sina Dalandan. 


Magkasama na nga sila ni Mira at kinawayan ko naman sila. Lumapit agad sila sa kinatatayuan namin.


"Hi everyone, good evening!" nakangiting bati ni Miracle, ang babaeng best friend ni Dalandan. Maganda siya at bagay na bagay sa balingkinitan niyang katawan ang suot niyang ball gown na kulay rosas ang highlights.

Fragments Of The SacredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon