CHAPTER 67: "A message"

98 5 0
                                    



Alexander Heartstream  


Nandito muli ako ngayon sa Royal Magicca Palace kasama sina Garret at Melody Gemstone. Patungo kami sa Royal Leisure Room upang bisitahin muli ang mga royalties. Nang makarating sa pinto ng silid ay kumatok agad ako. Pinagbuksan naman kami ni Lady Eleenna na agad kaming pinatuloy. Ang totoo ay naparito muli kami upang mag-ulat ng mga kaganapan sa labas nitong palasyo.


"Kumusta na sa labas, Sir Alex?"

"Kaya kami nandito Lady Elle ay upang sabihin sa inyo ang mga pangyayari."

Dumaloy ang pag-aalala sa kaniyang mga mata matapos marinig iyon. "Sige, simulan n'yo na at makikinig kami."

Tumango lamang ako bilang pagsang-ayon. "Nakabalik na nga ang buong tropa ng Darkreighn na ipinadala upang lusubin ang Fanthasha at Gardellia," panimula ko sa kanila.

Seryoso lamang na nakatingin si Lord Elleazer ngunit bakas ang pag-aalala sa mukha nito. "Ano'ng nangyari? Nagtagumpay ba sila?"

Umiling ako. "Hindi, ngunit hindi rin naman sila natalo talaga."

Nagkatinginan ang mag-asawang superiors bago muling nagsalita si Lady Eleenna, "Ano'ng ibig mong sabihin?"

"Kusa silang umalis sapagkat may nagpaalis sa kanila."

Agad napatanong si Lady Ruby, "Ano? At sino naman iyon?"

"Hindi yata kapani-paniwala iyan," ani Lord Henry.

"Maging kami Lord Henry ay halos hindi makapaniwala hanggang sa nalaman namin ang tunay na dahilan. Ikatutuwa ninyo iyon," tugon naman ni Garret.

"Sabihin n'yo na ang lahat."

Tumango lamang ako kay Lord Eramius. "Nagbalik na ang mga Diyosa at sila ang nagpalayas sa mga taga-Darkreighn," nakangiting tugon ko sa kanila. 


Tulad ng inaasahan ko, ikinagulat nga nila ang nalaman at napasinghap pa ang iba. Ngunit batid ko rin ang pagkalito sa mga reaksyon nila.


"Ang mga Diyosa? Sigurado ba kayo rito, Sir Alex?"

"Oo Lady Sabrina, narinig ko mismo kina Lord Arthur at Lady Jameica na siyang mga namuno sa paglusob."

"Totoo iyon at maging kami ay nagulat ngunit natuwa na rin kahit papaano," dugtong pa ni Garret. Samo't saring reaksyon ang umaalingawngaw ngayon sa silid na ito.

"Totoo ba talaga 'yan? Nagpakita talaga ang apat na Diyosa mula sa nakaraan?" gulat pa ring tanong ni Lady Rhianne.

"Iyon ang sabi ng karamihan. Namataan talaga nila ang Diyosang si Gardellia sa lupain nito mismo na siyang dahilan ng pag-urong nina Lord Arthur," paliwanag ni Garret.

"Sa kabilang banda, mas magulo ang labanan sa Royal Fanthasha Village at doon nagpakita ang Diyosang sina Fanthasha at ang ating mahal na Diyosang si Magicca! Sila mismo ang nagpalayas sa mga Darkreighnians," wika naman ni Melody na hindi na maitago ang galak.


Nakikita ko rin ang pagkamangha sa mga mata nila at hindi na rin maipagkakaila ang tuwa sa kanilang mga mukha na tila lumiwanag na at nagkaroon ng pag-asa.


"Mukhang dininig na talaga nila ang ating panalangin at pagsusumamo."

Nakangiti akong tumango. "Siyang tunay Lord Zandro. Siguradong naaawa na sila sa kalagayan natin ngayon kaya nagdesisyon silang bumalik na sa mundo natin."

"Kung gano'n, maaari nilang mapalaya itong ating lupain," usal ni Lady Czarina na punong-puno ng pag-asa ang tinig.

Umiling naman ako. "Hindi iyon ganoon kadali, Lady Czarina. Nababalot ng sumpa ngayon ang Royal Magicca Domain na gawa ng cursed book. Ang tanging may ganap na kontrol d'yan ay ang kataas-taasang Diyos na si Archaius. Ngunit nasa kamay ito nina Hellgod at Savannah na siyang kumukontrol sa sumpa. Isa pa, ang mga Diyosa ay hindi pa ganap na nakagagamit ng kapangyarihan mula sa libro at nandito lamang sila upang gabayan ang mga tao."

Fragments Of The SacredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon