Blue Nightfelt
Nagising ako bigla mula sa isang masamang panaginip. Habol ang aking hininga at pinagpapawisan na rin ako. Bumangon ako at pilit inaalala ang aking napanaginipan.
May kaguluhan at may naglalaban pero hindi ganoon kalinaw ang mga eksena. Minsan naman ay paulit-ulit ko na napapanaginipan ang nangyari sa aming graduation ball noong nakaraang taon.
Tama, isang taon na nga ang nakalilipas mula nang tumira kami rito. Mula noong nakaraang taon ay sinara na rin mula sa mga dayuhan ang Royal Gardellia Kingdom.
Ipinaliwanag naman nila sa amin ang kanilang dahilan. Napag-usapan na raw ito noon nina King Herculean, Queen Angelica at ng mga magulang namin ni Ube. Hindi nga namin lubos na maintindihan ang mga ganap ngunit isinantabi na lang namin.Kaya naman, isang taon na rin kaming walang balita sa labas ng kahariang ito. Ngunit dito sa loob mismo ng palasyo ay hindi naman nila kami hinihigpitan. Nagagawa pa rin namin ang mga nakasanayan naming gawin maliban na lamang sa paglabas mismo sa Royal Gardellia Territory.
Napahinto ako sa malalim na pag-iisip nang marinig ang mahinang katok mula sa labas ng aking silid.
"Asul, pwedeng pumasok?"
"Pasok lang, hindi ko ni-lock 'yan."
"Okay."
Narinig ko ang pagbukas ng pinto at ang muling pagsara nito. Maya-maya lang ay nakita ko na si Ube na alanganing kumaway sa akin. Lumapit siya rito at umupo sa kama ko. Umayos naman ako ng upo sa gilid ng kama upang tabihan siya. Nananahimik lamang siya at sa sahig pa nakatingin. Malalim yata ang iniisip.
Tinanong ko siya, "May problema ba?"
She slowly shook her head and glanced at me. "Wala naman.""Home sick?"
She heaved a sigh and shrugged her shoulders. "Yeah, maybe. Isang taon na rin kasi. Wala man lang tayong balita roon. Kahit mga receivers natin ay ipinaiwan, hindi rin naman 'yon uso rito."
She is right. Our message receivers can only function inside Magicca. It's a gadget created for basic communication within our land and it is accompanied by some sort of charm ability.
"I feel you, Ube. Nami-miss ko na rin doon."
"Right. Geh, lalabas na ako nang makapag-ayos na. Malulungkot lang tayo rito eh."
I moved closer to her ear and whispered, "Ang emo mo kasi." Siniko niya tuloy ako ngunit kinatawa ko lang naman.
"Che! Bye na nga."
Tumayo siya at nagdadabog na naglalakad palayo. Tuluyan na nga siyang lumabas ng kwarto at malakas na isinara ang pinto. Napapailing na lamang ako.
Ngunit tama siya, malulungkot lang kami kapag nagmukmok pa kami rito. Kaya tumayo na rin ako at kumuha ng tuwalya saka pumasok sa banyo. Ililigo ko na lang ito. Hay.
Matapos ang ilang minuto ay lumabas na ako sa aking kwarto nang nakabihis na. Tamang-tama rin at naabutan ko sa hallway ang ibang Elemeights na nag-uusap-usap pa.
"O, ayan na pala si Blue," bungad sa akin ni Zeus nang makalapit ako sa kanila.
Nakangiting lumapit sa akin si Emme. She asked, "Right, where's Violet?"
I replied, "Baka nasa kwarto pa niya."
Hindi nagtagal ay lumabas na rin si Ube sa kwarto niya. Nang makita niya kami ay halos tumakbo na siya papunta sa amin. Kahit kailan talaga, hay.
BINABASA MO ANG
Fragments Of The Sacred
Fantasi[TO BE EDITED] A legendary Sacred Book of Magic has been kept for years and is believed to be the most powerful thing that maintains the balance of the world. But it was stolen by the evil ones who wanted to rule the humanity and became the most pow...