Healer Evergreen
"Ang lalim ng iniisip ah?" Natauhan ako bigla nang marinig ang boses ni Alodia.
Kung anu-ano pa kasi ang iniisip ko, kailangan ko lang naman gabayan ang Elemeights sa activity nila ngayon. Kami ni Alodia ang magmamanman sa kanila, sa tulong na rin nina Orange at Scarlet.
Napailing naman ako at sinagot siya, "Wala lang 'to, may naalala lang."
Tumango lang siya at nagkibit-balikat. "Sabi mo eh. So, simulan na natin? Mukhang handa na sila."
I just nodded and gave her a half smile which made her look away. Maybe she's not that comfortable being with me now, I guess it's my fault.
Nabaling naman ang tingin ko sa dalawa pa naming kasama. "Orange at Scarlet, okay lang ba talaga na tutulong kayo sa pagbabantay sa kanila?"
Ngumisi si Orange. "Okay na okay kuya! Pahirapan natin sila, right Ate Pula? Haha.."
"Wag naman masyado, mild lang bunso," natatawang tugon naman ni Scarlet.
Maging sila ay halatang nasasabik na rin. Alam kong maaasahan sila sa ganitong mga gawain. Mahuhusay sila tulad ng mga nakatatanda nilang kapatid.
"Sige, tawagin ko lang sila," wika ni Alodia.
Simpleng tango lang ang iginawad ko bago sumagot, "Sige."
Tumango rin siya at muling ibinaling ang atensyon sa mga kasamahan namin rito. Tinawag niya ang mga kalahok, "Hey, attention Elemeights!"
Napatigil sila sa mga ginagawa nila at tumahimik na rin ang paligid. Nagsilapitan na sila sa kinaroroonan namin.
"Makinig kayong lahat sa sasabihin namin," sabi ko saka muling tumingin kay Alodia.
Bahagyang akong tumango bilang sinyales na ituloy niya na ang pagpapaliwanag. Tila naunawaan naman niya ang nais kong iparating.
"Mga kaibigan, nag-decide kami na by pair ang labanan ninyo, babae at lalake. Nakapili na rin kami sa mga magpapares." Matapos sabihin iyon ay nilingon niya si Scarlet.
"Scar, sabihin mo na sa kanila kung sinu-sino ang magkakampi" sabi ko sa kaniya.
Tumango lamang siya saka lumapit sa isang table na kung saan nakalagay ang iilang kagamitan namin. Kinuha niya ang listahan ng mga pangalan nila.
"Okay! For pair number one, Blue and Emerald; pair number two, Ryeine and Rhythmia; pair number three, Saber and Flareena; and lastly, pair number four, Zeus and Violet!"
"Okay ba mga ate at kuya?" Orange asked them while grinning. I watched their expressions as well. I guess they're fine with it, or maybe not.
Nagsimula na rin silang mag-usap-usap at mukhang na-e-excite naman sila sa mga susunod na kaganapan. Nakaplano na ang lahat at alam kong magugustuhan nila ito.
Ngunit kung mayroong natutuwa, mukhang may naiirita rin. Kailan nga ba nagkasundo ang dalawang ito?
"Damn, bakit ikaw pa ang partner ko?!" inis na wika ni Mia. Ang sama ng pagkakatitig niya kay Rye, parang gustong lapain ng buhay.
"Chill Mia-babe, mananalo tayo rito," paninigurado pa ni Rye. Sinusubukan niyang pakalmahin ang mahal niya na mukhang walang pakialam sa kaniya. O wala nga ba?
"Dapat lang kaya umayos ka!"
"Yes boss! I mean.. BABE!" Nag-peace sign na lamang siya habang nakangiti ng alanganin. Napapakamot din siya sa batok niya.
BINABASA MO ANG
Fragments Of The Sacred
Fantasía[TO BE EDITED] A legendary Sacred Book of Magic has been kept for years and is believed to be the most powerful thing that maintains the balance of the world. But it was stolen by the evil ones who wanted to rule the humanity and became the most pow...