CHAPTER 30: "The fire and the traitors"

117 7 0
                                    



Orange Nightfelt 


Nagulantang ang lahat na nasa ball nang may marinig na isang malakas na pagsabog. Napahinto kami ni Miracle sa pagsasayaw at maging ang mga tumutugtog ay tumigil din.


Nagkatinginan kami ni Mira. "Ano 'yon?" kinakabahang tanong niya.

Napalingon ako kay Ate Pula nang magsalita rin siya, "Napakalakas no'n ah?"

"Masama ang pakiramdam ko ro'n." Napatitig naman kaming tatlo kay Kuya Blaster nang sabihin niya iyon. Nag-iingay na rin ang karamihan sa mga nandito.

I suddenly feel that my heart is pounding fast like I'm on a hurry when I'm actually not. "Hindi kaya, may nangyayaring hindi maganda sa labas?"

Dumagundong naman ang boses ni Sir Alexander na naka-mic, "Students, huminahon kayo! Inaalam pa namin ang nangyayari!"

Nakita ko namang nakipagsiksikan sa mga tao si Lady Henna at patungo siya sa kinaroroonan namin. Nasa malapit din kasi ang kapatid niya. "Teka lang Kuya Neon, titingnan ko lang sandali kung ano 'yong sumabog sa labas," wika niya nang makalapit na.

"Ano? Baka mapano ka Henna!"

"Sisilipin ko lang sandali."

Tumango na lamang ang kapatid niya bilang pagsang-ayon. "Sige, bumalik ka lang kaagad."


Agad naglaho si Lady Henna gamit ang teleportation ability. Lumapit na rin sa amin sina Kuya Healer, Ate Alodia, Princess Arabella, Lord Grey, Prince Heather at maging si Lady Cherrybelle. Bakas sa mga mukha nila ang pag-aalala.


"Ano na naman kaya 'to?" dinig kong usal ng kapatid ni Kuya Blast. Nasa tabi niya naman si Prinsipe Heather.

Sabi nito, "Baka may konteng problema lang."


Naaantala na ang aming pagdiriwang at baka magtapos na nga ito. Nagulat kami nang may biglang tumawag ng atensyon namin mula sa stage, si Lady Henna na nakabalik na pala. May hawak siyang mikropono kaya't dinig na dinig namin ang boses niyang may bahid ng pagkabahala. 


"Listen students and professors! Galing ako sa labas at nakita ko na may parte ng academy na nasusunog ngayon!"


Muli ay umalingawngaw rito sa hall ang magkahalong ingay ng mga tao at naglalabasan na ang kanilang mga kuro-kuro.


"Sa library, sa tingin ko ay doon nanggaling ang pagsabog kanina dahil nagliliyab na 'yon ngayon! Kaya siguro ay dapat lumabas na tayo rito sa area. Mga prof, principal, royalties, dapat ay lumabas na tayong lahat dito!" dagdag niya pa.

Mabilis na naglakad paakyat ng stage ang papa ni Ate Alodia. "Okay, I understand Lady Henna," wika nito nang makuha ang mic. Binalingan niya naman kami. "Everyone! I believe that is the best thing to do. Walang mag-pa-panic, okay? Now, start evacuating this area!" madiing utos ni Sir Alex.


Hindi na nag-aksaya pa ng panahon ang mga tao rito sa loob at agad ay nagsilabasan na sa hall. Maging kami ng mga kaibigan ko ay nakipagsiksikan na rin at halos makipagtulakan pa.

Nang makalabas na kami ay marami nang tao ang nagkumpulan at nakakalat sa paligid. Maging ang ilang elder royalties ay nandito na rin. Nakikita nga namin ngayon ang nagliliyab na library at patuloy na kumakalat ang apoy.


Palingon-lingon naman si Ate Pula sa paligid na tila may hinahanap. "Teka, ba't hindi ko nakikita sina Ate Ube?"

Maging si Kuya Blaster ay gano'n din pero kalmado lang naman. "Maraming tao, nand'yan lang 'yon."

Fragments Of The SacredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon