Saber Hoarfrost
Kararating lang namin ngayon sa may entrance ng Royal Magicca Academy. Bigla tuloy na nanumbalik sa aking isipan ang mga araw na pumapasok pa kami rito ng mga kaibigan ko. Parang kailan lamang ay makulay at medyo maingay ang lugar na ito, ngayon ay nababalot na ito ng nakabibinging katahimikan.
Hinawakan ni Mia ang harapang bahagi nakasarang tarangkahan nito. "Mayroong proteksyon ang buong academy, hindi tayo makapapasok sa lugar na 'to."
"Malakas ang kutob ko na may nagaganap d'yan sa loob," ani Cherrybelle.
My sister closed her eyes and whispered, "Nararamdaman ko pa ang mga aura nila, may mga tao sa loob ng campus."
"Kung gano'n, posibleng tinipon nina Savannah ang lahat ng Magiccans dito."
Napaisip ako sa sinabi ni Blaster. Ano naman kaya ang binabalak nilang gawin? "Masama ito, pero mabuti na rin nang hindi sila madamay sa gulo rito sa labas."
Tumango lamang sila sa aking tinuran. Tumalikod na ako at muling nag-angat ng tingin sa ere. Lagot na, may mga paparating na naman.
"Tingnan n'yo iyon," sabi ko sabay turo sa mga nagliliparang nilalang.
Dinig ko pa ang pagmura ni Cherrybelle. "Ayan na naman sila."
"Mukhang mapapalaban na naman tayo." Agad inilabas ni Blaster ang kaniyang sandata.
Sumunod naman si Mia. "Ubusin natin ang mga nilalang na iyan, tayo na!"
"Kumapit na kayong lahat sa akin at mag-te-teleport ako sa ere, ayos lang ba sa inyo?"
"Walang problema!!" magkasabay na tugon ni Mia at Cherrybelle.
Inihanda na namin ang aming personal weapons at kumapit na sila sa akin. Tulad ng sinabi ko, dinala ko nga sila sa ere...
Ryeine Clamour
Nakarating kami sa harap ng Royal Magicca Palace entrance. Nakapasok din naman kami sa area gamit ang teleportation ni Grey. Ngunit nalaman namin na may barrier ang buong palasyo mismo kaya hindi namin ito mapapasok. Kaasar talaga.
Tiningnan ko ang kabuuan ng palasyo, masyadong tahimik. "Nananadya na yata sila. Siguradong nasa loob pa nito ang mga magulang ko at ang iba pa."
"Sigurado 'yan Rye, naniniguro rin talaga ang Hellgod na iyon. Libutin natin ang area, siguruhin muna natin kung nandito pa nga sila." Napatango naman ako sa sinabi ni Zeus.
"Tama, wala namang mga bantay. Sige, maglilibot na rin ako, nakabalik na lahat ng mga clones ko," wika ni Grey.
Sumang-ayon naman si Kuya Healer, "Mabuti pa nga at maglibot tayo."
"Cool, lilipad na rin ako. See ya!"
I spread my wings and fly higher around the palace. I need to know if the royalties are still prisoned inside. Nakarating ako sa area na kung saan makikita ang Royal Leisure Room. Ewan ko ba, ngunit malakas ang kutob ko na nandito nga sila sa loob ng silid na ito.
Huminga ako ng malalim at sumigaw nang malakas, "Masters! Kayong lahat! Nand'yan ba kayo sa loob?! Answer me, please!"
Walang sumagot kaya bumagsak ang mga balikat ko. Akala ko ay wala talaga ngunit ilang saglit lamang ay namataan ko na may mga taong lumapit sa bintana. Nanlaki ang mga mata ko nang makilala kung sino sila. Sina mama at papa nga! Nasa likuran din nila ang iba pa. Nakahinga ako ng maluwag at hindi ko na maitago pa ang aking galak. Lumapit pa ako lalo ngunit nang mga isang metro na lamang ang distansta ko sa gusali ay hindi na ako makalapit pa dahil sa isang barrier.
BINABASA MO ANG
Fragments Of The Sacred
Fantasy[TO BE EDITED] A legendary Sacred Book of Magic has been kept for years and is believed to be the most powerful thing that maintains the balance of the world. But it was stolen by the evil ones who wanted to rule the humanity and became the most pow...