CHAPTER 75: "Helping one another"

117 4 0
                                    



Third Person's P.O.V 


Blue and the others were occupied in fighting against the flying creatures outside the Archaic Palace. Suddenly, the evil Savannah arrived to distract them. She landed on the ground and the others are somewhat disturbed when they found out that Savannah also had wings ability.


"Magaling Knight Bloods, pinahanga ninyo ako. Ngunit, hanggang d'yan na lamang ba kayo?" pang-uuyam pa nito.

"Maghintay ka lang, ipapaalala ko muli sa iyo na huwag mo kaming mamaliitin!"

"Blue!" Napalingon si Blue nang marinig ang boses ng babae na tumawag sa kaniya. Dumating na ang mga kaibigan niyang sina Emerald at Zeus.

"Vie, are you okay?" nag-aalalang tanong ni Zeus.

"Oo naman, ako pa!"

"Good, how about the others?"

"Ayos lang kami Kuya Zeus," Scarlet replied.

"You're just in time," dugtong naman ni Orange.

"Emme, ayos ka lang?"

Ngumiti lamang at tumango si Emerald kay Blue. "Oo, don't worry. Ikaw Ate Alodia, nasaktan ka ba?"

"I'm fine Emme, no worries too," Emerald sighed in relief, plastering her smile once again.

Bumalik ang atensyon nila kay Savannah nang sumigaw ito, "Tahimik! Tapos na ba ang pagkakamustahan ninyo?"

Sumama ang tingin ni Violet sa kaniya. Sabi nito, "Kitang hindi pa, epal ka rin eh!"

"Ang dami n'yo pang satsat!"

"At nasaan na ang magaling mong asawa?!" pagtatanong pa ni Emerald.

"Bakit hindi ninyo alamin?" Isang nakapangingilabot na ngiti na naman ang iginawad nito sa kanila, na animo'y kampate ito sa kanilang pagtatagumpay.

"Nasa loob siya ng Archaic Palace, iyon ang kutob ko," wika ni Alodia sa mga kasama.

"Magaling binibini, nahulaan mo. Ngunit wala na akong panahon pa na makipagkumustahan sa inyo!"


Naglaho bigla si Savannah kaya't mas naging alerto sa paligid sina Blue. Maya-maya pa ay lumitaw ito sa itaas mismo ng puwesto nila at nagpaulan ng mga paper bombs.


"Paper bombs everyone!" sigaw ni Scarlet.

"Everyone, evade it!" utos ni Blue sa kanila.

"Hold on to me!" Orange teleported them away from the paper bombs. Healer finally made his way and arrived on the scene.

"Everyone! Alodia! Are you okay?" wika nito nang makalapit sa kanila at tila sinusuri niyang mabuti ang kaniyang nobya.

Ngumiti lamang ito sa kaniya. "I'm fine love, but the witch is really powerful."

"Siguradong humingi sila ng dagdag na kapangyarihan mula sa sacred book."

Blue agreed, "Sigurado 'yan Emme, mahirap kalabanin ang isang ito."


Naglabasan muli sa ere ang mga maiitim na usok na unti-unting naging mga itim na dragon at malalobong halimaw. Naging alerto muli ang grupo ni Blue dahil sa nasaksihan. Ngayo'y lumilipad na papunta sa kanila ang ilang mga nilalang.


Violet shouted, "Scatter everyone!"

"Or we'll all be toasted!" dugtong pa ni Zeus.


Naghiwa-hiwalay na nga sila at inihanda ang mga sarili na muling mapalaban habang si Scarlet ay nananatili lamang sa kinatatayuan niya.


Fragments Of The SacredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon