Princess Arabella
Simula noong araw na bumalik kami mula sa Magicca, nakaharap sina Shieldron at Daphny at nalaman ang mga kaganapan doon, tila nagbago na ang lahat.
Nang makauwi kami noon dito sa palasyo, walang umiimik sa kanila. Tahimik lamang sila na pumasok sa kani-kanilang mga silid. Ang tinutukoy ko ay ang Elemeights. Kinabukasan no'n, nakausap namin sila ng maayos at okay naman daw sila ngunit simula rin noon ay mas naging seryoso na sila sa kanilang pagsasanay bilang mga Elemenal Magic Users.
Wala na yatang araw na hindi ko sila nakikita sa training area ng palasyo. Nagpapahinga rin naman sila pero araw-araw ay ganito ang ginagawa nila. Katulad ngayon.
Sa isang Virtual Training Ground, napapanood ko sina Flare at Mia na naglalaban. Apoy laban sa yelo. Ang virtual location nila ay sa isang lugar na maraming matataas na burol na matatalim ang dulo. Hiwa-hiwalay rin ito. Nasasakop din ang paligid nito ng makapal na mist sa ibabang bahagi kaya hindi agad makikita kung ano ang natatabunan nito.
Bigla na lamang may tumalon paitaas mula sa makapal na hamog. Ngayon ay nakapatong na siya sa isang burol at palingon-lingon pa sa paligid na animo'y nagmamatyag. Si Rhythmia, na tahimik lamang na nakikiramdam sa paligid. Maya-maya pa ay lumitaw bigla, ilang metro lamang mula sa kinatatayuan niya, si Flareena na tumalon pa mula rin sa ibaba na natatabunan ng ulap.
Akmang sisipain niya na si Mia, pero as expected, nasalag ito ng babae kaya't napatalon muli paitaas si Flare sabay back flip. Ngayon naman ay handa muli siya na sumipa kay Mia, ngunit alerto pa rin ito na pinaikot ang sarili habang ang isang paa lamang ang nakaapak sa lupa. She twisted herself and used her other leg to counter Flare's attack by kicking her back. Matapos iyon ay agad silang napatalon palayo sa isa't-isa at parehas na tumungtong sa magkaibang burol.
Sabay silang naglabas ng element aura nila at halos magkasabay ring tumalon upang salubungin ang bawat atake nila. Napakalakas ng impact pero mukhang okay lang naman sila.
Grabe, ang tindi rin ng clash of fire and ice element nila!
Sa kabila namang Virtual Training Ground, napapanood ko na sina Ryeine at Saber, land user versus crystal user naman ito. Ang location nila ay sa ere kung saan halos clouds lahat ang makikita ngunit may maraming mga maliliit na isla ang nakalutang. Iba-iba pa ang height ng isla dahil mayroong nasa medyo mababa at mayroong nasa mas itaas na parte ng ere nakalutang. May distansya pa ang bawat isa nito na hindi naman ganoon kalayo sa isa't isa.
Nakikita ko ngayon si Ryeine na lumilipad gamit ang wings ability niya. Palingon-lingon siya sa bawat isla na tila may inaabangan. Bababa na sana siya nang biglang lumitaw si Saber sa harapan niya dala-dala ang magic weapon nito na double-blade sword. Nasalag ito ni Rye gamit ang kaniyang straight sword. Parehas nilang inaatake ang isa't isa ngunit bigla namang nawala si Saber at nakapag-teleport sa likuran ni Rye sabay sipa rito nang malakas kaya't pabagsak na ito sa isang isla.
Ngunit bago pa siya tumama sa lupa, agad na ginamit niya ang kaniyang sandata at itinukod ito sa lupa. He twisted himself and flipped upward with his feets first and he landed safely on the ground.
Hindi pa rito nagtatapos dahil agad na nagpaulan si Saber ng mga sharp and minute crystals papunta sa direksyon ni Ryeine. Sobrang dami nito ngunit nasasalag pa rin ng lalake gamit ang kaniyang land element na kung saan ay gumawa siya ng strong and bending wall. Gumante naman siya gamit ang pira-pirasong bahagi ng lupa na lahat ay itinitira niya paitaas at papunta sa direksyon ng islang tinutungtungan ng kalaban niya.
Tumalon si Sab pababa sabay sipa at wasiwas ng kaniyang sandata sa mga lupang tatama sa kaniya. Ginagamit niya rin ang kaniyang crystal element upang makagawa ng pananggalang hanggang sa makatungtong siya sa islang kinatatayuan ni Rye. Sabay silang bumuwelo at saka sumugod sa isa't isa. Tumalon bigla si Ryeine sabay sugod gamit ang kaniyang sandata na sinalubong naman ng sandata ni Saber.
![](https://img.wattpad.com/cover/108508166-288-k89747.jpg)
BINABASA MO ANG
Fragments Of The Sacred
Fantasía[TO BE EDITED] A legendary Sacred Book of Magic has been kept for years and is believed to be the most powerful thing that maintains the balance of the world. But it was stolen by the evil ones who wanted to rule the humanity and became the most pow...