Third Person's P.O.V.
****Office of Superior Masters, Supreme Council Hall of Magicca****
Nagpang-abot sa labas ng council hall sina Lord Healer at Alodia dahil parehas silang ipinatawag ng mga pinuno ng Magicca.
"Magandang umaga sa 'yo Alodia," bungad ni Healer sa dalaga.
Bahagyang yumuko ang magandang binibini at binati ang kaibigan niya, "Magandang umaga rin sa 'yo Healer. Ipinatawag ka rin ba ng mga Superiors?"
Tumango ito. "Oo, hindi ko nga alam kung bakit. Marahil ay importante ang pag-uusapan. Let's go inside?"
"Y-yes."
Pumasok na nga sila sa loob ng hall. Umakyat sila hanggang sa ikaapat na palapag at tahimik na naglalakad sa pasilyo. Hindi na sila nagkibuan pa hanggang sa makarating sa harap ng opisina ng mga masters.
Kumatok si Alodia. Nang marinig nila ang boses na nagsasabing pumasok na sila, nagkatinginan ang dalawa saka tumango at binuksan ang pinto.
Pumasok sila at magkasabay na bumati, "Magandang umaga po Superiors!"
Nakangiting sumagot si Lord Elleazer, "Magandang umaga rin sa inyo Lord Healer and Ms. Alodia, mabuti't nakapunta kayo rito."
"Opo, natanggap ko kahapon ang mensahe ninyo Master Elleazer," tugon ni Healer.
"Ganoon din po ako Lord Elleazer," wika naman ng binibining si Alodia.
Kaharap ngayon nina Healer at Alodia ang mag-asawang pinuno ng Royal Magicca Domain na sina Lord Elleazer at Lady Eleenna Nightfelt. Sila ang Superior Masters ng Land of Magicca at sila rin ang mga magulang ng magkakapatid na sina Blue, Violet, Scarlet at Orange. Sila ang pinuno ng lupaing ito mula sa ikalimang henerasyon.
"Mabuti kung gano'n mga bata. Kumusta nga pala ang kaganapan sa inyong dalawa? Kayo na ba?" wika ni Lady Eleenna na may bahid ng panunukso. Kinabigla ito ng dalawa, lalo na ni Alodia.
"P-po?" nauutal na tanong ng dalaga.
"Ah, Lady Eleenna, ano kasi..."
Hindi rin malaman ni Healer ang sasabihin kaya't sumabat na si Lord Elleazer, "Ano ka ba naman ma'ko, hindi 'yan ang dahilan kung bakit sila nandito."
"Hindi ba? Okay, pasensya naman."
Ang salitang "Ma'ko" ay ang naging tawagan nina Lord Elleazer at Lady Eleenna na ang ibig sabihin ay "mahal ko." Nakanayan ng mag-asawa ang tawagang ito.
"Ah.. Ha-ha-ha.." Halatang naiilang na nga si Alodia at hindi makatingin ng diretso sa kanila.
Hindi rin napigilan ni Healer ang magtanong sa kanila dahil tila balisa ang dalaga. "Okay ka lang?"
"H-huh? Ah, o-oo naman!"
"Hmm, okay."
Tumikhim naman ang lalakeng Superior bago muling nagsalita, "Anyways you two, nandito kayo kasi may kaunting katanungan lang naman kami sa inyo."
Tumango si Healer at sumagot, "Sige, ano po 'yon?"
"Kumusta ang kaganapan kahapon? Ang ibig kong sabihin ay ang pagdiriwang kasama ang grupong Elemeights?"
"Okay naman po ang lahat. Maayos kaming nagsimula at maayos rin na natapos Master," paliwanag ni Healer.
"May battle ba na naganap?" tanong ni Lady Eleenna. Nakatayo lamang siya at nagtititingin ng mga libro sa bookshelf.
BINABASA MO ANG
Fragments Of The Sacred
Fantasy[TO BE EDITED] A legendary Sacred Book of Magic has been kept for years and is believed to be the most powerful thing that maintains the balance of the world. But it was stolen by the evil ones who wanted to rule the humanity and became the most pow...