CHAPTER 53: "To stand for the land"

116 6 0
                                    



****At Royal Magicca Domain****


Third Person's P.O.V 


"Sigurado ka na ba sa ipinag-utos mo, Hellgod?"

"Oo, bakit hindi?"

"Bakit kasi kailangan mo pang padalhan ng mensahe ang mga pinuno ng Royal Gardellia at Royal Fanthasha?" kunot-noong tanong ng babaeng superior ng Darkreighn.

"Syempre, upang magbigay ng babala na kung hindi sila maki-anib sa atin, ituturing natin silang mga kaaway. Ganoon lamang kasimple."

"At bakit pa ba natin sila bibigyan ng babala kung pwede namang sugurin natin sila kung hindi sumunod? Tayo na ang pinakamakapangyarihan ngayon kaya wala nang sino mang maaaring magpabagsak sa atin, Hellgod. Kahit ang Elemeights ay wala nang magagawa laban sa atin."

"Alam ko. Hangga't nasa atin ang sinumpang libro, walang makakadaig sa atin. Ngunit syempre, sinadya ko ito upang wala na silang masabi sa bandang huli dahil binigyan natin sila ng babala. Nasa sa kanila na 'yon kung makikianib sila sa Darkreighn, wala na silang poproblemahin."

"Kung sabagay, pwede na rin."


They gazed at each other with an evil smile forming on their lips. They will surely bring chaos in the world and rule the humanity in all lands...


****At Royal Gardellia Kingdom****


"Ito pala ang kagustuhan nila," wika ni Haring Herculean matapos basahin ang kalatas na ipinadala ng Darkreighn Superiors.

"Ang lakas naman ng loob nilang hikayatin tayo na sumuko sa kanila," hindi makapaniwalang wika ni Reyna Angelica.


Kasalukuyang nasa tanggapan ng mga pinuno ng Royal Gardellia Palace ang hari at reyna, kasama sina Hex at Holly, at ang heneral ng hukbo ng palasyo.


"Isa itong masamang babala kamahalan," ani Ginoong Hex.

"Kung hindi tayo susuko ay sisimulan na naman nila ang panggugulo," nababahalang wika naman ni Ginang Holly.

"Dati ay ang Royal Magicca, ngayon naman ay ang Gardellia at Fanthasha. Ano na ngayon ang gagawin natin Herculean?" Bakas ang pag-aalala ngayon sa mukha ng reyna at hindi na rin siya mapakali.

"Hindi natin gagawin ang gusto nila. Kaya ipag-uutos ko sa buong hukbo ng Gardellia na magsipaghanda at maging alerto simula ngayon. Siguradong papalapit na ang kaguluhang dala ng Darkreighn," matigas na utos ng hari.

Tumango agad si Heneral Duval. "Masusunod Haring Herculean. Ngayon din mismo ay ipalalaganap ko sa buong hukbong sandatahan ng Gardellia ang inyong kautusan."

"Maraming salamat heneral, sige na, maaari ka nang umalis."

"Masusunod kamahalan."


Agaran ding lumisan ang heneral upang ipaalam sa mga tauhan nila ang utos ng kamahalan.


Nabaling ang tingin ng hari kay Hex."Sir Hex, gusto komg ipaalam mo rin ito sa lahat ng Clan Masters at mga High Masters ng konseho."

"Mas makabubuti ring magpatawag tayo ng isang pagpupulong," wika naman ng reyna.

"Sang-ayon ako, Angelica."

"Masusunod kamahalan," turan ni Ginoong Hex.

"Ikaw naman Ms. Holly, ipaalam mo rin ito sa mga Senior Masters. Tipunin mo sila sa academy kasama ang iba pang head trainors of elements."

Fragments Of The SacredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon