CHAPTER 14: "Books of Henrietta"

200 10 0
                                    



****At Hoarfrost Mansion****


Rhythmia Hoarfrost  


It's just early in the morning and still, I'm lazily lying on my bed while staring blankly at the wide ceiling of white. I raised my right hand with the palm facing me. From there I started exerting an amount of my ice magic aura and the symbol finally appeared along with it's vibrant light.

Mula sa aking mga kamay ay kumalat ang ilaw ng aking kapangyarihan sa paligid ko hanggang sa naglutangan ang mumunting mga nyebe, pati na ang maliliit na snowflakes. Napangiti ako dahil napakagandang pagmasdan nito. Ang lamig nito na bumabalot sa aking mga balat ay nakagagaan sa pakiramdam.

Napagkasunduan nga pala ng buong barkada namin na magkita-kita rito sa bahay upang tapusin ang group research sa History subject namin.

Nang marinig kong may kumakatok sa pinto ng aking silid, binawi ko agad ang aking kapangyarihan. Tinatamad man ay bumangon na ako at umupo sa kama.


"Pasok," wika ko, sapat ang lakas nito upang marinig ng kung sino man na nasa labas ng kwarto.


Narinig ko ang pagbukas ng pinto at may pumasok nga rito. Maging ang kaniyang mga yapak ay hindi ligtas sa aking pandinig. Hinihintay ko na lamang na makalapit siya sa akin.


"O, hindi ka pa nakapagbihis?" bungad niya sa akin nang makita ako.

"Bakit, ikaw rin naman ah?"

He smirked and crossed his arms. "Yeah right. I just want to inform you na nasa baba na sina Flare, Zeus at Rye."

"Agad-agad?" medyo gulat kong tanong at napangiwi ako nang bahagya. "Ang aga naman yata samantalang 8 am pa ang usapan. It's 7:30 pa lang kaya."

"Maaga? Eh 30 minutes na lang before 8 am kaya mag-ayos ka na d'yan at baka dumating na rin sina Vie at Blue."

"Oo na po, sige na heto na po," walang ganang tugon ko.


Sinimangutan ko pa ang aking kapatid ngunit tumawa lang siya. Nilapitan niya ako at ginulo ang buhok ko.


"Hey Rhythmia! Pwedeng pumasok?" dinig kong sigaw mula sa labas ng aking kwarto.

Sumigaw naman si Sab pabalik, "Pasok lang Flare, kausapin mo 'to at ang bagal kumilos. Baka makinig sa 'yo."

"Sure my love, anything for you!"


Iniwan yatang bukas ni Sab ang pinto kaya pumasok na si Flare at dumiretso rito. Kumaway siya sa akin nang may malawak na ngiti. Nang mabaling ang tingin niya sa kakambal ko ay tila naghugis puso naman ang kaniyang mga mata.


"Ikaw talaga, geh, mauna na ako ladies," pagpapaalam pa ni Sab na natatawa lang sa pagpapa-cute ni Flaire sa kaniya.


Sa isang iglap ay naglaho siyang bigla gamit ang teleportation kaya't naiwan ako kasama ang makulit naming kaibigan.


"Hay, ang wafo talaga ni my love, kaya match na match siya sa beauty ko. Hihi," tila kinikilig niyang wika at kumikislap pa ang mga mata.

"Thank you."

"Ba't ka nagte-thank you?" Nagtataka siyang nakatingin sa akin ngayon dahil sa naging sagot ko.

"Sabi mo gwapo si Sab, para mo na ring sinabi na maganda ako. We are twins, remember?" I told her with a scornful grin. Hindi niya yata inaasahang sasabihin ko iyon.

"Sira! Ilusyonada ka talaga Rhythmia!" sabi niya sabay halakhak. 

"I'm just telling the truth girl."

Fragments Of The SacredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon