CHAPTER 51: "The Royal Nightreighn"

112 4 0
                                    



****At Royal Darkreighn Empire****


Glacier Mayhem 


Nakabalik rin kami ni Glimmer dito sa lupain ng Darkreighn. Sa ngayon, maghihintay muna kami habang wala pang bagong utos mula sa mga superiors namin. Kailangan din namin ng pahinga.

Pagdating namin empire ay dumiretso agad kami sa aming tahanan. Isang masiglang pagbati ang sinalubong sa amin ng ilan sa aming mga tauhan.


"Maligayang pagbabalik, young masters!"

Tipid lamang na ngumiti ang kapatid ko. "Salamat, sina mama?"

"Wala po siya rito Lady Glimm, nasa council po," turan ng babaeng nagngangalang Serra, na isa sa pinakatapat at maaasahan naming tauhan dito.

"Sige, salamat po Ate Serra."

"Walang ano man young lady. Siya nga pala, dumalaw rito kanina ang mga kaibigan ninyo, akala yata nila ay nakabalik na kayo mula sa Magicca."

Naparito pala sila. Muling sumagot si Glimmer, "Gano'n ba? Sige, salamat po."

"Sige, may ibibilin ba kayo sa akin?"

Ako naman ang sumagot, "Wala na Ate Serra, salamat."

"Kung ganoon, maiwan ko muna kayo, young masters."


Tinanguhan lang namin siya ng kakambal ko. Pag-alis ni Ate Serra ay dumiretso kami ni Glimm sa itaas at pumunta sa kanya-kanyang silid upang makapagpahinga na rin. Pagpasok ko sa aking kwarto ay itinapon ko ng basta-basta sa sofa ang iilang kagamitan ko at tumungo na sa higaan.

Nang makalapit na ay agad akong humilata sa kama. Nakakapagod rin talaga kapag galing sa isang misyon, inaantok ako ngunit pinipigilan ko muna. Tumayo muli ako at pumasok na sa banyo upang maligo. Ilang saglit lamang ay natapos na ako at nakapagbihis na rin. Maya-maya pa ay narinig kong may kumatok sa pinto ng aking silid.


"Glimm? Ikaw ba 'yan?"

"Oo. Tara Glace, lumabas tayo. Punta tayo sa tambayan ng grupo?" pagyayaya niya pa.

I answered, "Sige, hintayin mo ako sa baba."

"Okay."


Just a few minutes passed by and I finally walked down the stairs. Now I can see my twin sister sitting on a wide sofa in our living room. Her face looks so bored right now.


"Let's go?" yaya ko sa kaniya na prenteng nakaupo pa rin.

Nginitian niya ako saka siya tumayo. "Okay, let's go!"

Nakita ko namang papalapit si Ate Serra kaya kinausap ko siya, "Aalis po muna kami, Ate Serra."

She nodded and replied, "Sige, ingat kayo."

"Paalam po!"

"Paalam young lady."


Umalis agad kami at nag-teleport na papunta sa tambayan ng grupo namin. Ang lugar na ito ay malapit lamang sa isang ilog. May isang cabin dito na hindi naman ganoon kalaki pero pwede nang pahingaan. Tulong-tulong kami noon na pagandahin ito. Ang nagtayo talaga nito ay ang isang kabarkada namin na Nature Magic User. Ngunit hindi na namin alam kung nasaan siya ngayon, sila pala. Ewan ko ba, nawala na lang na parang bula.

May pangalan ang grupo namin. Royal Nightreighn, 'yan ang ipinangalan namin sa aming grupo na kilala rin sa loob ng academy na aming pinapasukan. Kaming myembro ay nagtataglay ng iba't ibang element magic. Walo naman talaga kami dati, ngunit ngayon ay anim na lamang dahil nawala nga ang dalawa.

Fragments Of The SacredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon