CHAPTER 3: "Cafe Alicia"

1.3K 21 0
                                    



Blue Nightfelt


Natapos na kami sa pag-aasikaso ng aming records para sa susunod na pasukan. So yeah, we are officially enrolled again. Last year of Junior Level na kami ng mga kaibigan ko.

Ang totoo, nasasabik na rin ako dahil panibagong mga pagsubok na naman ang haharapin namin sa school year na ito. We need to do our best and pass the final examination which involves both written and actual performance test.

Ngayon ay nagkukwentuhan na naman kami habang naglalakad sa hallway. Kasama ko pa rin syempre ang buong barkada, ang ingay nga ng iba. Habang naglalakad ay nakikita rin namin ang iba't ibang estudyante na mga Elemental Magic Users. Ang paaralang ito ang nagsisilbing pangalawang tahanan namin kung saan kami hinahasa ng husto sa paggamit ng kapangyarihan.

May nakalilipad, may tumatagos sa wall, may gumagawa ng sariling replica, at kung anu-ano pa.

Bigla na lamang tumigil sa paglalakad si Flare at saka humarap sa amin. Akala ko naman ay kung ano na ang sasabihin, nagugutom lang pala siya. Bilang isa sa pinakamatakaw sa amin, sumang-ayon agad si Rye.


"Lagi ka naman talagang gutom ah?" Mia scolded him while crossing her arms and staring blankly at him with her brows furrowed.


She's showing that same emotionless face again that's sending chills to anyone. I don't know what's with her and Rye, they always tend to pick a fight over some sort of things. More like the lady is a bit bad-tempered when it comes to him.


"Hehe.. Wag kang maingay Mia-babe!" Rye responded with a silly smile, scratching his nape as a part of his mannerism.


Marahil ay ito ang dahilan kung bakit na-bad-badtrip palagi itong pinsan ko. Alam kasi ng buong barkada na may gusto si Ryeine sa kaniya at hindi siya nito itinatanggi.


"YUCK, quit calling me babe!" pagrereklamo pa ni Mia.

"Ikaw naman BABE, ang hot mo naman."


Aakbayan na sana ni Rye si Mia nang bigla siyang natigilan. Bigla na lang kasing lumamig ang hangin sa paligid at laking gulat niya nang makitang nagyeyelo na pala ang kaniyang mga paa.


"O, ayan kasi, babe ka pa ng babe," natatawang wika pa ni Ube.


Napapailing naman si Flare habang pinagmamasdan ang best friend niya na tila napako na sa kinatatayuan nito.


"Sinabihan mo pa siya ng HOT eh alam mo namang COLD ang element niya!" she stated, trying to suppress the curve on her lips. She failed and just burst into laughter.

Maging si Emme ay natatawa na naman. "Right, haha!!"


Si Rhythmia kasi ay isang Ice Magic User. Somehow, her element matches her personality. She is cold and mostly emotionless, but she's a very nice person.


"Mia naman!" pagmamakaawa pa ni Rye, sana makinig si insan. May pagkabato pa naman ito.

"Bahala ka, manigas ka d'yan!" singhal naman ni Mia pabalik.

"BABE!"

She gave him a sharp look that shut him up. "Wag mo akong kausapin."


Mukhang nakukulitan na nga siya. Ito kasing si Ryeine, masyadong vocal sa nararamdaman niya. Sa simula pa lang, alam na ng buong barkada na may gusto siya kay Mia. Hindi niya iyon pinagkakaila, ipinagmamalaki niya pa nga.


Nilapitan ni Zeus ang pinsan niya at bahagya itong tinapik sa balikat. "Geh bro, una na kami."

"Goodluck sa 'yo," sabi ko naman.

Fragments Of The SacredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon