CHAPTER 62: "The Blue Goddess"

119 4 0
                                    



Blue Nightfelt 


A while ago, we just had a reunion with some of our comrades and also with my two younger siblings. Later on, we fought with those black dragons and that monstrous black creatures who keeps on chasing us. We also fought with some element users from Darkreighn.

Ngayon naman ay katapat namin ang anim na taong nagmumula rin sa Darkreighn. Dalawa sa kanila ay nakaharap na namin kanina sa gubat. Ramdam kong malalakas at mahuhusay din sila.


"Shieldron, sinu-sino ba sila?" tanong ko sa kaniya. Hindi ko pa rin inaalis ang mga tingin ko sa kalaban.

He answered, "Mga dati kong kasamahan at mga kaibigan, namin ni Daphny."

"Kung kayo ang Royal Elemeights, sila naman ang Royal Nightreighn. Dati kaming naging myembro ng grupo at oo, kaibigan namin sila," Daphny explained.

"Gano'n? Ang taray ha, hinahamon ba nila kami?" sarkastikong wika Ube. Naka-cross arm pa siya habang pinanliliitan ng mata ang mga kalaban na tila kinikilatis.

Tumango si Shieldron. "Parang gano'n na nga."

"Iyang may archery weapon ay si Glacier Mayhem, ice user at weapon-changer. Katabi niya si Sue Vermine, lightning user, whips ang weapon niya," sabi pa ni Daphny.

"Ang may paper charm weapon, si Vex Hemlocked, isang water user, at ang may bitbit na axe pole ay si Glimmer Mayhem, twin sister of Glacier, she's a crystal user," wika naman ni Shieldron.

Violet reacted, "Whoa! Parang kami ni Asul, boy and girl twins. Ang taray talaga!"

"Iyan namang lalakeng nasa gitna ay si Kuya Vane Granite, wind user, spinning blades ang weapon niya. And lastly, that lady with a giant sword, is the elder sister of Shieldron, si Ate Shadelline Hawkeland, she is a land user."

Nagulat naman ako sa huling pinakilala at agad na napalingon kay Shield, pati si Ube. "Really Shield?" she asked.

"HALF-sister only. We have the same father," mariing turan niya pa.

Napatakip naman si Ube sa bibig niya. "Oh my gosh."  


Halata rin sa tono ng pananalita ni Shieldron na mayroon siyang hinanakit. Naikuyom niya rin ang kaniyang mga palad at umiigting ang panga niya. Matatalim na titig ang ipinupukol niya sa mga ito.


Biglang nagsalita ang nagngangalang Vex, "Hey there young royalties from Magicca, Gardellia, and of course, from Darkreighn. Hindi ko akalaing sabay-sabay na naming makakaharap ang Elemeights, pati na rin kayo, Lord Shieldron and Lady Daphny. This is a surprise."

Napangisi naman ang nagngangalang Sue. "Right, hindi talaga natin inaasahan ito."

"This is worst than I thought," wika pa ni Glimmer.

Her twin nodded and said, "Guess this is the grand face-off."


Magkakaharap lamang kaming lahat at sa mga titig pa lamang ay tila nagtatagisan na kami ng kapangyarihan. Hindi rin talaga maiwasan ang batuhan ng mga maaanghang na salita. Ilang metro na lamang ang pagitan ng dalawang grupo at kulang na lang ay magsalpukan.


"Right, grand face-off you say? Brilliant idea, tss."

"Shield," Daphny whispered, her eyes looks so worried.

The guy named Vane shouted, "Makinig kayo Shieldron at Daphny! Hindi pa huli ang lahat upang bumalik kayo sa amin, at sa Darkreighn. Ayaw namin kayong kalabanin kaya makinig kayo sa amin!"

Fragments Of The SacredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon