CHAPTER 13: "On Darkreighn Land"

213 11 0
                                    



Third Person's P.O.V


Ang Darkreighn Land ay isang lupain na may kalayuan sa Magicca. Katulad ng Magicca, pinamumunuan din ito ng sarili nilang Superior Masters, sa tulong na rin ng mga miyembro ng kanilang konseho. Maliban sa mga superiors, ang Council of Darkreighn ay binubuo rin ng mga Clan Masters at High Masters.

Sa Darkreighn ay mayroon din silang mga Senior Masters o iyong mga mamamayan na nakapagtapos ng Mastery Level sa kanilang academy, katulad ng Magicca. May mga ordinaryong mamamayan o mga commoners rin na nakatira rito.

Ngunit ang Darkreighn ay isang lugar na hindi bukas sa lahat dahil hindi basta-bastang nakapapasok dito ang mga taong nagmumula sa ibang lupain (Magicca, Gardellia, Fanthasha). Hindi ito katulad ng Magicca na laging bukas at tumatanggap ng mga dayuhan.

Tulad ng ibang malalaking lupain sa mundo ng mahika, napakaganda rin ng lugar na ito at sagana sa yamang nagmumula sa kalikasan. Kaakit-akit sana ito sa paningin ng mga manlalakbay at dayuhan, ngunit sa kakaibang awra pa lamang na bumabalot sa Royal Darkreighn Empire, tila nakababahala na ito at hindi nila gugustuhing mapahamak...


****At Council Hall of Darkreighn****


"Asawa ko, kumusta na nga pala iyong ipinadala mong tauhan sa Land of Magicca? Nakabalik na ba?" seryosong tanong ng isang babae na may edad na.


Nakadungaw siya sa pintuan patungo sa isang balkonahe ng silid na kinaroroonan nila. Nilingon naman siya ng lalakeng kausap na nakaupo lamang kaharap ng lamesa nito. May tinitingnan itong mga dokumento sa mga kamay niya.


Sumagot ito, "Hindi pa, maghintay na lamang tayo. Makababalik din 'yon dala ang mga impormasyong nakalap niya na makatutulong sa atin."

Tumango ang babae. "Mainam kung ganoon, naiinip na kasi ako. Matagal na nating inaasam na makamit ang tagumpay," wika niya na tila may bahid ng kasamaan sa tono pa lamang ng pananalita nito.

"Huwag kang mag-alala, magtatagumpay ang mga plano natin. Pangako, magagawa rin nating pabagsakin ang Magicca at tayo na ang mamumuno sa buong mundo," saad ng asawa niyang pinuno.

 

Sa narinig ng ginang ay lalong lumawak ang ngiti niya hanggang sa umalingawngaw na nga ang tawanan nila sa silid, na para bang wala nang mas makahihigit pa sa kanilang kapangyarihan at kakayahan na pamunuan ang buong mundo.

Naputol lamang ang pag-uusap nila nang may dumating na isang inaasahang bisita.


"Superiors, nandito na po siya."

Tinanguhan ng lalakeng pinuno ang isa sa kanilang mga tauhan. "Sige, papasukin mo na siya."


Maya-maya lamang ay pumasok na nga ang isang binata na halatang kagagaling lamang sa isang paglalakbay mula pa sa malayong pook.


"Nandito na po ako masters," bungad niya sa mag-asawang pinuno habang nagbibigay-galang din.

"Iho, mabuti at nakabalik ka na. Tamang-tama at matagal na naming inaasahan ang pag-uwi mo rito," nakangiting wika ng ginang.

"Maligayang pagbabalik, young lord. Kumusta ang pananatili mo sa Magicca? Wala naman sigurong nakakaalam doon kung sino ka nga talaga, tama ba?" tanong sa kaniya ng lalakeng pinuno.

Tumango naman ang binata. "Siyang tunay master, wala pong nakakikilala sa akin doon. Ang alam lang nila ay isa akong commoner at ordinaryong estudyante lamang sa academy."

Napangiti ang babaeng master sa narinig, alam niyang nag-iingat ang binata sa mga kilos nito. "Mabuti kung gano'n. Sa palagay ko ay mayroon kang maibabalita sa amin ngayon."

Fragments Of The SacredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon