CHAPTER 10: "Tough princesses"

284 8 1
                                    



****At Royal Magicca Academy****


Emerald Evergreen


Kasalukuyan akong naglalakad sa school ground kasama ang aking girl best friend na si Violet. Naghahanap kasi kami ng vacant area na kung saan pwede kaming tumambay at magkwentuhan.

One hour break namin at kagagaling lang namin sa cafeteria upang bumili ng makakain habang nag-uusap. Gusto rin ni Vie na manatili sa lugar na wala masyadong istorbo.


Bigla siyang napasigaw habang may tinuturo, "Ayon Emme, vacant ang isang table doon o. Tara, baka maunahan pa tayo!"


Hindi na ako naka-react kasi hinila na niya ako papunta sa kinaroroonan ng Magical Trees' Garden. Nang makalapit sa area ay agad naming inilapag sa table ang aming dala-dala at umupo na rin sa wooden bench.

Matatayog ang magical trees kaya talagang nasasakop ng malawak na mga sanga ang bahaging ito. Hiwa-hiwalay na nakatanim ang puno at ilang metro lamang ang layo nito sa isa't isa. Namumulaklak ang mga punong ito at iba-iba ang kulay, depende sa uri.

Napakaaliwalas ng paligid at nakagagaan sa pakiramdam ang mahalimuyak na simoy ng hangin na tumatama sa amin.


"Ayan, buti naman at may ilang vacant tables pa," masayang wika ni Violet.

"Haha, yeah. Mahilig ka talagang tumambay sa mga lugar na maraming nakikitang halaman ano?" I asked her.
She smiled and answered, "Of course best friend! Mas naka-re-relax kasi and very refreshing. I can think clearly now."

"Aha, you're really a real Nature Magic User, like my Kuya Healer."

"Yes!" she exclaimed and we both giggled. She added, "The green environment and the living things around makes us, Nature Magic Users, feel that we're fully alive and it gives us a lot of positive energy!"

I chuckled. "Right, as expected from a nature user."

"Yeah girl. At isa pa, kapag tumambay tayo rito at umulan bigla, hindi pa rin tayo mababasa dahil may protective instinct ito," dagdag niya pa.

"Tama, now, kumain na tayo Vie."


These magical trees are really fascinating since it has a protective instinct just like what Violet mentioned. Sa tuwing umuulan kasi, ang mga berdeng dahon nito ay mas lalong tumitingkad ang kulay at naglalabas ito ng protective layer na siyang nagsisilbing pananggalang sa ulan. Ina-absorb din nito ang tubig.


Nagmasid ako sa paligid, lalo na sa mga puno. "Mas maganda sanang panoorin ang mga puno lalo na kapag sabay-sabay na namumukadkad ang mga bulaklak nito."

Napangiti naman si Vie at tumango. Nilibot niya ang kaniyang paningin sa paligid, lalo na sa mga puno. "Yup, lalo na at six colors ito. May puno na kulay red, orange, yellow, violet, indigo at syempre may puno rin na blue ang bulaklak," she stated.

"Yes, at rainbow colored sana, wala lang itong kulay berde na mga bulaklak," turan ko naman.

"Oo, hindi na naman kasi kailangan ng green flowering magical tree dahil kulay berde na ang mga dahon nito. Kaya rainbow colored pa rin ang uri ng mga puno kapag pinagsama 'di ba?" paliwanag niya pa. It made sense of course.

"Haha, right. Dito rin binase ni Lady Eleenna ang mga pangalan ninyo 'di ba?"

Natawa siya at tila may naalala bigla. "That's right, and it's very obvious, isn't it?"


Masaya lamang kaming nagkwentuhan ni Vie habang kumakain. Tawa rin kami nang tawa lalo na kung napapasok sa usapan ang mga kalokohan namin noong mga bata pa kami.

Fragments Of The SacredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon