****Two Weeks later after classes started****
Violet Nightfelt
What a beautiful Saturday morning!
I'm so excited 'cause today is our friendship fun day. The Elemeights' Day! Yes, we're going to celebrate the third year anniversary of our group. It's gonna be fun!
Maaga akong gumising kanina upang makapaghanda na. Inagahan ko rin ang pagligo nang makapagbihis agad at makapag-ayos sa sarili. I tied up my hair on the left side with a thin cord that is designed as a purple ribbon, both edges are hanging down. I want to look neat and presentable of course, though we are only staying indoor today, right here in our mansion.
Last night, Blue and I talked about today's activity. Nag-isip kami kung ano nga ba ang magandang gawin para sa araw na ito upang maging kapana-panabik ang magiging ganap.
Noong nakaraang taon kasi ay hinati kami sa dalawang grupo, kaming mga babae laban sa mga lalake. In a virtual world, we successfully showcased our elemental magics and abilities that was developed for years already, since our childhood days.
Siguro ay hihingi na lang kami ng tulong kina Kuya Healer at Ate Alodia. Alam kong mas may alam sila at mas bihasa na sa iba't ibang pagsasanay.
I came back to my senses when I felt something different from the touch of the cold wind, it's whispering softly on my ears. By that, I realized that it was Blue, calling my attention somewhere.
Kumilos ako at mabilis na naglakad patungo sa maliit na open balcony. Walang pag-aalinlangan na tumalon ako at naglambitin sa isang sanga ng matayog na punong narra. Bumitaw ako rito ngunit bago pa ako lumagapak sa lupa ay napalutang ko na ang aking sarili.
Natawa ako nang bahagya sa pinaggagagawa ko, ang gaan lang kasi sa pakiramdam kapag lumulutang sa hangin. Lumipad na ako patungo sa kinaroroonan ng main gate gamit ang aking telekenesis. Naabutan ko nga rito na pinapapasok na ng mga bantay ang mga kaibigan ko.
Binati ko sila kaagad, "Hey friends!"
Sinugod ko ng yakap sina Flare at Mia na kinabigla nila, ngunit niyakap din naman nila ako pabalik. Natatawa akong humiwalay ng yakap sa kanila.
"Happy third anniversary to all of us!"
Patalon-talon pa si Flare na bumati pabalik, "Yeah Vie, today is Elemeights' Day!"
Bahagyang ngumiti si Mia at bumati rin, "Happy anniversary."
"Yey! Happy Elemeights' Day!" masiglang wika naman ni Rye kaya nakipag-apir ako sa kaniya.
"Let's all have fun today," sabi ni Zeus. Nang magtama ang tingin namin ay tila natigilan ako saglit. Bakit ba kasi ganito ang epekto niya sa akin?
Ang sarap dukutin ng mga mata niyang kulay abo na kung makatitig ay nakakapanghina. Magandang pagmasdan ngunit nakalulunod kaya ako na ang unang umiwas ng tingin.
"Y-yeah, so nasaan na sina Emerald?" pag-iiba ko ng usapan. Pansin ko kasing wala ang girl best friend ko.
"Susunod na 'yon, dadaanan lang nila ni Kuya Healer si Ate Alodia," paliwanag naman ni Saber. Kaya naman pala.
Tumango na lang ako. "Okay! So, let's go inside and settle your things, okay?"
"Okay!!!!"
****Few minutes later****
Tumambay muna kami rito sa sala namin habang hinihintay sina Emme. Sa nakikita ko, nasasabik na nga ang lahat sa pagsisimula ng activity namin. May tiwala ako kina Kuya Heal at Ate Alodia, siguradong may naiisip na silang ipagawa sa amin.
BINABASA MO ANG
Fragments Of The Sacred
Fantasi[TO BE EDITED] A legendary Sacred Book of Magic has been kept for years and is believed to be the most powerful thing that maintains the balance of the world. But it was stolen by the evil ones who wanted to rule the humanity and became the most pow...