****One month later****
Blue Nightfelt
Ito na ang takdang araw ng paghaharap namin nina Hellgod at ng mga kampon niya. Pasado alas singko pa lamang ng umaga ngunit nagtipun-tipon na kami at naghahanda na sa aming paglisan. Nandito na ang ilang mga royalties ng Fanthasha at ang mga tauhan nila na pinangungunahan ni Lord Neon. Nandito na rin sina Prinsipe Heather mula sa Gardellia. Binigyang basbas na ang Knight Blood Soldiers nina King Herculean at Queen Angelica, pati nina Lord Ethos at Lady Marria. Hangad rin nila ang aming tagumpay sa darating na labanan.
Nagulantang kami nang may mga biglang dumating. "The Goddesses!" sigaw ni Miracle sabay turo sa mga panauhin namin. Agad kaming nagbigay-galang sa kanila.
Unang bumati si Dalandan, "Magandang umaga Diyosang Fanthasha, Gardellia at Magicca!"
"Magandang umaga rin sa inyong lahat. Mukhang handang-handa na talaga kayo," wika ni Fanthasha, na nakangiting pinagmamasdan kami.
Tumango naman si Kuya Healer. "Totoo iyan mahal na Diyosa. Matagal na rin namin itong hinihintay."
"Ito na nga ang araw ng paghaharap," wika naman ni Ate Alodia.
"Kung ganoon, ibinibigay ko sa inyo ang aking basbas. Nawa'y makapagbigay ito ng dagdag na lakas sa grupo ninyo." Naglabas siya ng aura ng kapangyarihan niya at ibinahagi sa lahat bilang basbas.
"Maraming salamat Diyosang Fanthasha." sagot ni Lord Neon na bahagyang iniyuko ang ulo.
"Ako naman para sa aking basbas. Nawa'y magkaroon kayo ng malinaw na kaisipan upang magawa ninyong daigin ang kasamaan." Tulad ni Diyosang Fanthasha, ibinahagi rin niya sa amin ang kaniyang makapangyarihang basbas.
Sumagot naman ni Prinsipe Heather, "Diyosang Gardellia, tatandaan namin iyan. Maraming salamat."
Si Magicca naman ang sunod na nagsalita, "At panghuli, tanggapin n'yo rin ang aking basbas. Nawa'y pakaingatan ninyo ang isa't isa sa gitna ng laban. Pinakaimportante sa lahat ay ang inyong pagtutulungan. Gamitin ninyo ang inyong kapangyarihan nang ayon sa nararapat at huwag magpapadala sa bugso ng damdamin lamang. Gusto kong gamitin n'yo rin ang talas ng inyong isipan kasabay ng tamang paggamit ng kapangyarihan. Ang aking ibinibigay ay basbas ng pagkakaisa sa laban."
Napangiti ako at tila gumaan ang aking pakiramdam sa hindi maipaliwanag na dahilan. "Nauunawaan po namin mahal na Diyosa, gagawin po namin ang nararapat. Salamat sa lahat ng tulong ninyo. Magtiwala lamang kayo sa amin dahil hindi namin kayo bibiguin."
"Salamat Blue, ingatan ninyo ang isa' isa."
"Ang aming gabay ay nasa sa inyo," ani Diyosang Gardellia.
"Lakasan ninyo ang loob n'yo, ipakita ninyo sa kanila kung ano at sino kayo, na mali sila na kinalaban kayo. Kalayaan para sa Royal Magicca at kalayaan para sa lahat!" sigaw ni Diyosang Fanthasha na siyang nagbibigay ng lakas ng loob sa lahat ngayon.
"KALAYAAN!!!!"
Kitang-kita ngayon sa mukha ng lahat ang kagustuhang manalo sa laban at ang mga mata nila ay punong-puno ng pag-asa. Lahat kami ay hangad ang pagbagsak nina Hellgod at Savannah nang mapaalis na sila sa aming tahanan.
"Mukhang handa na nga ang lahat."
Napangiti si Mia. "Matagal na Sab."
"Okay! Magdasal-dasal na sila ngayon sapagkat parating na ang Knight Bloods!"
"Naglalagablab na ako sa excitement pare-ko!"
"Strength is a must in the fight," Zeus uttered.
BINABASA MO ANG
Fragments Of The Sacred
Fantasy[TO BE EDITED] A legendary Sacred Book of Magic has been kept for years and is believed to be the most powerful thing that maintains the balance of the world. But it was stolen by the evil ones who wanted to rule the humanity and became the most pow...