****At Royal Magicca Palace****
Third Person's P.O.V
Magkakasama ngayon sa Royal Hall ang ilang Clan Masters, pati na rin ang hari at reyna ng Royal Gardellia Kingdom. May mga importanteng bagay sila na pinag-uusapan na may kinalaman sa Elemeights kaya't kumpleto ngayon ang mga magulang nila.
Si Queen Angelica ng Gardellia ay nagtataglay ng isang kakaiba at pambihirang kakayahan na kung tawagin nila ay dream forecasting. Mayroong mga pagkakataon na ipinapakita sa pamamagitan ng panaginip niya ang mga posibleng mangyari sa hinaharap.
Kaya sa ngayon, inilalahad niya sa mga kasamahan niya ang kaniyang mga napanaginipan. Nakaupo lamang siya habang nagpapaliwanag sa mga Magiccan Clan Leaders.
"Ngayon, naiintindihan n'yo na ba? Isa ito sa dahilan kung bakit kinakailangan ko talagang makausap kayo na mga magulang nila. Hindi lang ito patungkol sa kanila kung hindi tungkol na rin sa Magicca."
Tumayo si Lady Eleenna na halata ang ang pagkabahala sa mukha nito. Pabalik-balik siyang naglalakad habang malalim na nag-iisip.
"Ngunit hindi ko pa rin masyadong maintindihan iyong kaguluhang mangyayari at ang sabi mo mahal na reyna ay dito mismo sa Magicca?" wika niya habang nakatingin na sa reyna.
Tumango lamang ito at sumagot, "Oo, iyon ang ipinapakita sa panaginip ko, Lady Ellenna. Isang magulong sitwasyon na dito mismo mangyayari sa Magicca."
Naikuyom ni Elleazer ang kaniyang mga palad na nakalapag sa mesa. Maging siya ay nababahala sa mga sinabi ng reyna. "Kung gano'n, may mga taong gustong sumira sa ating lupain."
Si Lord Henry, ang punong Clan Master ng mga Evergreen, ay agad napatanong, "At sino naman kaya sila?"
"May galit ba sila sa Magicca?" dugtong naman ng asawa niyang si Lady Ruby.
Bumuntong-hininga si Haring Herculean at umiling. "Yan ang mga katanungang hindi masasagot ng asawa ko."
"Siyang tunay, paumanhin sa inyo ngunit limitado lang din ang ipinapakita sa mga panaginip ko at hindi rin ito ganoon kalinaw."
Nagkaroon ng sandaling katahimikan sa pagitan ng mga masters. Pilit nilang iniintindi ang lahat ng mga nalaman nila sa mga prediksyon ng reyna.
Lalong hindi mapakali ang Magiccan Superiors na sina Elleazer at Eleenna sapagkat inaalala nila ang mga nakasulat sa isang makalumang librong inilatha pa sa kapanahunan ng kanilang ninuno.
"Ngunit kamahalan, sigurado bang sa Magicca nga ang pangyayarihan?"
"Oo Lord Benjamin," turan ng reyna sa Clan Master ng mga Starlight.
Napalingon ang pinuno sa asawang si Lady Evangeline. Wala man itong sabihin sa kaniya ay alam niyang nag-aalala ito sa anak nilang si Flareena. "At iyong walong kabataang nakita mo, mga anak ba talaga namin iyon?" tanong nito sa reyna.
"Oo nga mahal na reyna, paumanhin ngunit baka nagkakamali lamang kayo sa pagtukoy," wika ng ina ni Ryeine na si Lady Rhianne.
"Hindi siya maaaring magkamali sa mga ipinakita sa panaginip niya," kalmado ngunit madiing tugon naman ni Haring Herculean.
Sumang-ayon naman si Lord Zandro Clamour, "Tama ang hari, hindi maaaring magkamali ang prediksyon."
"Ngunit... Ngunit ano ba ang kinahinatnan ng pangyayaring iyon?" Napatakip sa kaniyang mukha si Lady Sabrina matapos magtanong. Labis siyang nag-aalala sa kaniyang kambal na sina Rhythmia at Saber.
BINABASA MO ANG
Fragments Of The Sacred
Fantasía[TO BE EDITED] A legendary Sacred Book of Magic has been kept for years and is believed to be the most powerful thing that maintains the balance of the world. But it was stolen by the evil ones who wanted to rule the humanity and became the most pow...