CHAPTER 29: "Ball of disaster"

96 5 0
                                    



Emerald Evergreen 


Handa na kaming mga girls para sa Royal Graduation Ball. Nakapag-ayos na kami at nakasuot na ng aming ball gowns. Ang hinihintay na lamang namin ay ang Elemeight Boys.

Invited sa ball ang lahat ng graduates mula Junior Level, Senior Level at hanggang sa mga graduates ng Mastery Level. Ang buong staff ng academy ay kailangan present din. Invited rin lahat ng young royalties mula sa Magicca kahit iyong mga hindi pa nakapagtapos.

Syempre, muling inimbitahan sina Prince Heather at Princess Arabella mula sa Royal Gardellia Kingdom. Pati sina Lord Neon at Lady Henna of Royal Fanthasha Village ay dumating na raw kani-kanina lamang.

Napalingon ako sa may pinto nang bumukas ito at iniluwa si Scarlet na talagang napakaganda sa suot niyang kulay pula na ball gown. Nginitian ko siya.


Bumati siya sa amin, "Hi mga ate, kumusta? Wow, ang gaganda n'yo talaga! Nga pala, kasama ko na si Miracle." Pagkasabi no'n ay marahan niyang hinila si Miracle papasok dito sa silid ni Violet.

Yumuko siya at binati kami, "Good evening po sa inyong lahat."

Agad napatayo sa couch si Vie na nanlalaki ang mga mata at nakangiting lumapit kay Miracle. "Wow! Ang ganda-ganda mo naman Mira. Bagay sa 'yo ang gown mo!"

Namula naman ang pisngi ni Miracle sa papuri nito, nahihiya yata. "Nako, salamat po Ate Violet. Kayo rin, bagay na bagay sa inyo at ang gaganda n'yo talaga!"

I smiled and replied, "Thanks Mira. Anyway, nasa baba na rin ba ang lahat ng boys?"

Sumulpot naman si Orange mula sa kung saan at sumabat sa usapan, "Oo Ate Emme, complete na kami." Kumindat pa siya kaya natawa na lamang ako.


Tumayo na rin si Ate Alodia at tiningnan kami isa-isa. Grabe, lalo yata siyang gumanda sa aking paningin. Mukha talagang Diyosa at napaka-elegant ng tindig. Bumabakat pa ang magandang hubog ng katawan niya sa kaniyang kasuotan.

Ang theme ng pananamit namin ngayon ay nakabase sa aming mga elemental magic. Kaya naman, mukha kaming mga supernatural creatures dahil sa mga damit namin ngayon. Inilalantad talaga nito kung ano at sino kami bilang mga Elemental Magic Users.


Wika niya pa, "O, ano pa'ng hinihintay natin girls? Salubungin na natin ang ating mga dates!"

"Yes!!!!" Sabay-sabay na nga kaming lahat na lumabas sa kwarto at nauuna sa paglalakad sina Orange at Miracle.

Nang malapit na kami sa hagdanan ay pinahinto kami bigla ni Orange. "Hep, stop muna mga ate."

Nagkatinginan kami nina Vie nang may pagtataka. I asked him, "Why Orange?"

Si Miracle naman ang alertong sumagot, "Basta po, go Orange!" Nagpalipat-lipat tuloy ako ng tingin sa kanilang dalawa, tila may hindi sila sinasabi sa amin.

Tumikhim pa nang malakas si Orange, sapat para bahagyang mag-echo sa loob ng mansyon. "Gentlemen!  May I present to you, your lovely dates! Tentenenen!"


Gulat man ay natawa kaming mga girls sa sinabi ni Orange at saka nagpagtuloy sa aming paglalakad. Mula rito ay tanaw na nga namin sa ibaba ang mga partners namin na talaga namang nakapaghanda rin ng husto.

Nilingon muna kami ni Ate Alodia na siyang unang naglakad pababa. Agad siyang sinalubong ni Kuya Healer. Hinawakan nito ang kamay ni ate saka ito hinalikan. Sabay pa kaming kinilig nitong mga kasama ko. Ang sweet naman.

Kasunod ni Ate Alodia ay si Scarlet, na sinalubong naman ni Blaster na ganoon din ang ginawa. Nagkasundo-sundo yata ang mga boys ah? Hmm...

Next to Scarlet is Rhythmia, as usual, she is wearing those cold eyes and emotionless face yet she looks so elegant with her white, snow inspired gown. Agad siyang sinalubong ni Rye na kanina pa malawak ang ngiti, halos mapunit na nga ang mga labi. Haha! Hinawakan niya rin ang kamay nito at hinalikan. Umiwas naman ng tingin si Mia, for sure, kinikilig 'to deep inside.

Fragments Of The SacredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon