CHAPTER 16: "Truth about the Elemeights"

181 11 0
                                    



Emerald Evergreen


Facing a wide mirror right now, I'm fixing myself, especially my hair. Now I'm wearing our school uniform and preparing 'cause I'm going to the academy later.

Napatigil ako bigla at tinitigan ko lamang ang sarili ko sa salamin. Hindi pa rin kasi ako maka-move on sa mga pangyayari sa council hall at sa Archaic Palace noong isang linggo pa.


****FLASHBACK****


"Bakit, ano po ba ang mga dapat naming malaman?" Sa tono ng pananalita Blue ay para siyang emosyon, nakapanlalamig.


The room is now surrounded with silence and we can only hear the sound of our breathing. Our parents were speechless and some of them are staring at us like they are asking for us to listen and understand.


Binasag ni Vie ang katahimikan, "Pa, ma, wala ba kayong sasabihin? Marami kayong dapat ipaliwanag sa amin."

Mahinang tinapik siya ni Zeus sa balikat bago ito nagsalita, "Mawalang-galang sa inyo mga masters ngunit marami kaming katanungan sa isip namin at naghihintay kami ng kasagutan mula sa inyo."

Lumapit na rin ako dahil gusto ko ring malaman ang lahat, mula mismo sa aming mga magulang. "Mama, papa, please, Tell us everything," pagsusumamo ko sa kanila.


Ilang sandali ring nanahimik ang lahat at nakatingin lamang sila sa amin na tila iniisip pa kung paano magpapaliwanag. Tiningnan isa-isa ni Lord Elleazer ang mga masters.


Tinanong niya ang mga ito, "Ano sa tingin ninyo?"

Sumagot naman ang ama ni Flare na si Lord Benjamin, "Sa palagay ko ay dapat na nga nating sabihin sa kanila ang lahat. Ipakikita natin sa kanila ang kasagutan bukas ng umaga."

"Bakit bukas pa ho, pa? Bakit hindi n'yo na lang kami diretsahin?"

Nilapitan siya ni Saber at hinawakan sa balikat. "Flare," simula niya saka muling ibinaling ang tingin sa mga masters, "Tama po siya, bakit hindi n'yo na lang kami kausapin ngayon nang maliwanagan na ang lahat?"

"Hindi na po kami bumabata, hindi ba?" Napalingon ako kay Mia nang magsalita siya. "Kaya maiintindihan namin lahat ng mga sasabihin ninyo, magsabi lamang kayo ng totoo." Ang awra niya ay tila naghahatid na naman ng lamig sa paligid kahit pa umiinit ang sitwasyon at tensyonado ang lahat.

"Everyone, please, let us all know everything," pakikiusap ko sa kanila. Hindi ko kasi maintindihan kung bakit nag-aalangan sila. Bakit kailangan maglihim sila sa amin?


Lumapit sa akin si mama at hinawakan nang marahan ang mga kamay ko. Ngumiti lamang siya at niyakap ako ng mahigpit na mas lalong nagpagulo sa aking isipan.


****Kinabukasan****


Nandito ako ngayon sa harapan ng Archaic Palace at dito rin namin malalaman ang lahat tulad ng ipinangako ng aming mga magulang. Kasama ko ngayon sina Kuya Healer at Ate Alodia, pati sina mama at papa at maging si Sir Alex.


"Hey! Hintay naman guys!" Si Rye pala, kasabay sina Zeus at ang parents niya na sina Lord Zandro at Lady Rhianne.

I smiled and waved my hand at them."O, akala ko nasa loob na kayo?" tanong ko nang makalapit sila sa amin.

"Sina Blue at ang iba ay nand'yan na," tipid na sagot naman ni Zeus.

"Pumasok na tayo?" wika naman ni Kuya Healer.


Tumango kami bilang pagsang-ayon at agad na pumasok sa loob ng palasyo. Naabutan namin sa visitor's area ang iba pang Elemeights at sa 'di kalayuan naman ay ang mga magulang nila na mukhang may pinag-uusapan.


Fragments Of The SacredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon