****At Royal Magicca Academy****
Zeus Erudite
Mag-isa ako ngayong naglalakad sa may corridor sa unang palapag ng Fourth Stage Building. Kagagaling ko lang kasi sa cafeteria upang bumili ng canned drinks dahil kanina pa ako nauuhaw.
Nang paliko na ako sa isang kanto ng silid papunta sa hagdanan, medyo nagulat ako at napatigil sa paglalakad dahil sa taong makakasalubong ko, si Violet.
Nilapitan ko siya at binanggit ang pangalan niya nang patanong, "Vie?"
"Ah, yes? Hi Zeus! Saan ka papunta?"
Sumagot ako at saglit na sinulyapan ang hagdanan, "Paakyat na sana eh."
"Okay, sabay na tayo?" yaya niya sa akin na medyo kinagulat ko.
"Hah? O-okay, wait lang."
Nakapagtataka naman, bakit parang bigla yatang naging friendly sa akin si Vie? Sa natatandaan ko, halos ayaw ngang dumikit nito sa akin minsan, naiilang daw kasi siya sa akin. Ewan ko ba sa kaniya, palagi akong iniiwasan.
Tiningnan ko ang aking receiver nang tumunog ito. Napakunot ang noo ko nang makitang mensahe ito galing kay Vie. Sabi niya sa message, "Hoy Mr. Kidlat! Nasa cafeteria ka pa ba? Narinig kita kanina eh. Pabili naman ng cold drink o?"
Mas lalo akong nagtaka kasi kaharap ko naman siya ngayon. "Hey! Zeus?? Still there??" bagong message niya naman ito. Isa lamang ang ibig sabihin nito, ang kaharap ko ngayon ay isang huwad.
"Ano na Zeus?" she asked, still wearing a smile on her face and trying to act normal.
"Sandali lang," I uttered in my usual cold tone.
Hinila ko nang walang pasabi ang isang braso niya na siyang kinagulat niya. Nanlalaki ang mga mata niya at mahahalata ang bahid ng kaba.
"Teka lang, Z-zeus bakit? May problema ba? B-bitiwan mo ako," she commanded while stammering, it's getting obvious now.
Pilit niyang inaalis ang pagkakahawak ko sa kamay niya na mas lalo kong hinigpitan. Wala na akong pakialam kung nasasaktan siya.
"Hindi ikaw si Violet 'di ba? Wag kang magsinungaling," inis na wika ko sa kaniya.
Pinipigilan ko lamang ang sarili ko na magalit ng husto, baka kung ano pa ang magawa ko sa babaeng ito. Hindi nakatutuwa ang ginagawa niya.
"Ano bang s-sinasabi mo? Ako ito Zeus!" Namumutla na siya at halata sa mga mata ang takot. Mas lalo niyang ipinapakita na kinakabahan siya ngayon. Tss.
Sinigawan ko siya, "Talaga lang ha? Bakit pinadalhan niya ako ng mensahe ngayon? Hah? Sumagot ka!"
"Oo na, hindi ako si Violet! Pwede ba, bitiwan mo na ako! Please," pakikiusap niya pa.
Agad ay bigla ko siyang binitiwan kaya napaatras siya nang bahagya. Hinimas-himas niya ngayon ang kaliwang braso niya. Gusto kong maawa dahil hindi ko ugaling manakit ng babae, ngunit nagsinungaling pa rin siya.
"Sino ka? Ipakita mo sa akin ang tunay mong anyo kung ayaw mong tustain kita gamit ang kidlat," pagbabanta ko sa kaniya.
Hindi ko hahayaang magpagala-gala ang mga katulad niyang mapagpanggap. She is a metamorphosis ability user but that doesn't give her the authority to fool me by copying Violet, or any other student here. This person might have an ulterior motive against us.
BINABASA MO ANG
Fragments Of The Sacred
Fantasy[TO BE EDITED] A legendary Sacred Book of Magic has been kept for years and is believed to be the most powerful thing that maintains the balance of the world. But it was stolen by the evil ones who wanted to rule the humanity and became the most pow...