Violet Nightfelt
Isang buwan na ang nakalilipas mula noong nangyari ang trahedya sa graduation ball. Ang daming haka-haka na lumabas mula sa bibig ng mga tao. Maraming natakot dahil baka may mga nakapasok nang masasamang tao sa Royal Magicca Domain nang hindi namin nalalaman.
Sa loob din ng isang buwan ay mas hinigpitan na nga ang pagbabantay sa loob at labas ng main domain. Inatasan ang mga piniling Senior Masters upang magmatyag sa mga kaganapan dito.
Sa ngayon, wala naman silang mga nahuli na kahina-hinala. Ganoon pa man, nitong mga huling araw ay napapansin ko ang kakaibang ikinikilos nina mama at papa na tila ba lagi silang nababahala. Kapag tinatanong naman ay wala lang daw, busy lang talaga sila para sa siguridad ng domain. Gano'n din ang sitwasyon ng mga magulang ng mga kaibigan ko. Hindi na kami nangungulit pa ng husto. May tiwala naman kami sa kanila kaya ayos lang.
Ito na nga ang araw na aalis ang Elemeights at ipadadala sa Royal Gardellia Kingdom. Naghihintay na sa amin doon sina Prince Heather at Princess Arabella, maging ang kanilang mga magulang. Ngayon ay nakahanda na lahat ang mga dadalhin namin, mga importanteng kagamitan at syempre, hinanda na rin namin ang aming mga sarili.
Nakaupo pa rin ako sa aking kama habang hawak-hawak ang picture frame na kung saan nakalagay ang isang family photo namin. Kinuhanan ito noong araw ng graduation namin nina Asul mula sa Senior Level.
"Ube, okay ka na? Tayo na ro'n, naghihintay na sina mama at papa."
I raised my head to see him and flashed a slight smile. I replied, "Sige, bababa na ako Asul."
Tumango lamang siya nang nakangiti saka ako iniwan sa aking silid. Nasa baba na ang ilang dadalhin namin, handang-handa na kaya tumayo na rin ako at inilagay sa bedside cabinet ang frame.
Pagkababa ko ay medyo tahimik na sa loob ng bahay, lumabas na siguro sila. Napahinto ako sandali at tiningnan ang kabuuan dito sa loob ng mansyon. Mami-miss ko talaga ang tahanan na ito na aming kinalakihan.
Matapos ang ilang sandali ay lumabas na rin ako at pagdating ko sa gate ay nandito na nga sina mama, papa, sina Pula, Dalandan at si Asul. May naghihintay sa amin na malaking carriage na siyang sasakyan namin patungo sa tagpuan.
Parang gusto kong umiyak kasi halos nandito lahat ang mga tauhan ng pamilya namin. Karamihan ay nakangiti naman, ngunit malulungkot ang mga mata.
Sumisinghot-singhot pa si Dalandan habang inaangat-angat ang ulo, kunwari ay pinapanood ang kalangitan. "Hoy Ate Pula, 'wag ka ngang umiyak, nakakadala eh."
Sinamaan siya ng tingin nitong isa. Binulyawan niya pa, "Heh! Tumigil ka Dalandan, hindi ko mapigil eh!"
"Sira talaga kayong dalawa," natatawa kong saway sa kanila.
Lumingon ako sa mga tauhan namin, lalo na kina Ate Suzette at Nanny Clarissa na ngayon ay halatang nagpipigil ng mga luha. Hay, ayokong umiyak eh! Tama si Dalandan, nakadadala nga kaya pinagpapawisan na rin ang mga mata ko.
Bahagyang yumuko ang ulo ni Ate Suzette at nginitian ako. "Ingat ka roon, young lady."
"Wag mo kaming kalilimutan iha," wika naman ni Nanny Clarissa. Hinaplos niya pa ang aking mukha kaya napahawak ako sa kaniyang kamay.
"Kainis naman kayo eh, you're making me teary-eyed!"
Agad ko silang niyakap at pinipigilan ko talaga ang sarili ko na maiyak ng tuluyan. Matapos iyon ay nakangiti na muli kami sa isa't isa.
BINABASA MO ANG
Fragments Of The Sacred
Fantasy[TO BE EDITED] A legendary Sacred Book of Magic has been kept for years and is believed to be the most powerful thing that maintains the balance of the world. But it was stolen by the evil ones who wanted to rule the humanity and became the most pow...