Blue Nightfelt
"So young ones, where did you all came from?"
Pagdating na pagdating namin sa Fanthasha, iyan kaagad ang bungad sa amin. Hindi kami makaimik dahil sa gulat. Bakit? Ang Diyosa na si Magicca lang naman ang kaharap namin ngayon at kasama niya pa ang ibang mga kaibigan namin. Lagot na, nahuli kami. Napalunok na lamang ako sa kaba ngunit pilit kong kinakalma ang sarili ko.
"Ah, ha-ha-ha... H-hi po," utal-utal na sagot ni Pula na alanganing ngumiti.
Ganoon din si Dalandan na bahagya pang yumuko. "M-magandang hapon po, Diyosang Magicca."
Maging si Prinsesa Ara ay namumutla na. "A-ano, gumala lang po talaga kami. Hindi ba Grey?"
"H-ha? Ah, it's true, dear Goddess."
"Oh, is that so?"
"YES!!!!" magkasabay nilang turan na patango-tango pa. Kami lamang ni Ube ang hindi nagsalita.
"Are you sure?"
"Yes na yes po!!!!"
Nagkatinginan na lamang kami ni Ube at napahinga ng malalim saka muling tinitigan nang diretso ang Diyosa. Balewala lang din kung magsisinungaling pa kami.
"Give it up guys, they already knew it," I uttered.
"Oo nga, buking na talaga tayo," dugtong pa ni Ube. Halos magkakasabay naman na bumagsak ang mga balikat nina Pula.
"So it's true? Umalis kayo nang hindi nagpaalam at ang hinala ng lahat ay umuwi kayo sa Royal Magicca, tama ba?"
Tumango kaming lahat. "Patawad mahal na Diyosa..."
Napayuko na lamang kami at halos sabay na napaluhod sa lupa ang isang tuhod bilang pagbibigay-galang. Natahimik ang lahat dahil aminado naman kami sa ginawa namin. Now probably we'll face the consequences.
"Sabihin ninyo, bakit kayo nagpunta roon? Alam n'yo ba ang maaaring kahinatnan ninyo sa lugar na 'yon? Paano kung nahuli nila kayo? Masyadong komplikado at delikado iyon!" ramdam ko ang galit sa tono ng pananalita ni Diyosang Magicca.
"Paumanhin Diyosa, ginusto naming pumunta upang malaman kung ano na ang nagaganap doon. Alam naman namin na posibleng mapasok kami sa gulo ngunit ginawa pa rin namin. Humihingi po kami ng kapatawaran."
"Asul!"
Matapos ko kasing magsalita ay lumuhod ako ng tuluyan at mas lalo ko pang binabaan ang pagyuko sa harapan ng Diyosa. Alam kong kinagulat iyon ng lahat. Madalang kasing gawin ang ganitong klaseng pagpapakumbaba, lalo na ng isang royal blood katulad ko. Sa karamihan ay nangangahulugan itong isinusuko na ang sarili sa taong kaharap. Ngunit hindi ko ito pagsisisihan lalo't kaharap namin si Magicca.
Maya-maya pa ay naramdaman kong gumaya na rin sa akin si Ube. Sinunod naman siya nina Pula, Dalandan, Grey at Ara.
"It was my fault!" magkasabay naming wika ni Ube.
Bahagya akong napalingon sa kaniya. Ngumiti lamang siya sa akin kaya napaawang ang bibig ko. Bumangon na kami sa pagkakayuko ngunit nananatiling nakalatag sa lupa ang aming mga binti. Nag-angat ng tingin si Ube kay Diyosang Magicca.
"Kasalanan ko po, Diyosang Magicca. Ako ang unang nagyaya na tumungo kami roon, ako ang nagpasimuno. Patawad mahal na Diyosa," paliwanag pa ni Ube.
Huminga ako ng malalim bago sinalubong ang tingin ni Magicca. "No, it was my fault actually. Pumayag kasi ako sa halip na pumigil sa kanila. Kasalanan ko iyon, patawad mahal na Diyosa," wika ko naman. May kasalanan din naman talaga ako sa nangyari.
BINABASA MO ANG
Fragments Of The Sacred
Fantasy[TO BE EDITED] A legendary Sacred Book of Magic has been kept for years and is believed to be the most powerful thing that maintains the balance of the world. But it was stolen by the evil ones who wanted to rule the humanity and became the most pow...