Princess Arabella
"What??? Another falls???" magkakasabay na reaksyon namin nina Daphny at Cherrybelle.
Kanina lamang ay magkakasama kaming lahat na umakyat sa ibabaw ng malaking talon kung saan kami namamalagi. Naglakad kami at sinundan ang pinanggalingan ng ilog. Narating nga namin ang dulo kung saan nag-abot ang dalawang ilog na naging isa at siyang bumabagsak sa falls.
Pagdating doon ay naghati na kami sa dalawang grupo. Ang mga lalake ay doon sa left river pumunta at kaming mga babae naman ay sa right. Heto nga, nakarating kami sa isa pang talon na medyo maliit lamang ang haba ng pinagbabagsakan ng tubig. Napakaganda rin dito at medyo tago pa.
"Okay. Ang waterfalls ay nagmula pa sa isang waterfalls," biglang sabi ni Cherrybelle kaya natawa na lang ako.
"Oo nga, matagal na tayo sa gubat ngunit hindi pa natin ito nararating," sagot naman ni Daphny.
"Infairness maganda rin dito. Mukhang wala rin namang tao na umaaligid."
Tumango naman sila. Lumapit pa kami sa mismong ilog at nagmasid-masid rin sa paligid. Nagbabakasakali kami na may matagpuan na mga bakas ng iba pang mga mga tao sa gubat, kung mayroon nga.
"Ano na girls? Bumalik na tayo?" yaya ko sa kanila. Wala naman akong napapansing kakaiba.
"Mabuti pa nga, maaari naman natin itong balikan," turan naman ni Daphny.
"Yeah, let's go," wika naman ni Cherrybelle.
Kung mayroon mang mga tao na namalagi rito, siguro ay mga mamamayang Fanthashan lamang na napadaan. Nagsimula na naman kaming maglakad pabalik sa pinanggalingan namin...
Grey Maverick
Kanina lamang ay nanggaling kami sa isang talon. Ngayon naman ay may namamataan na naman kami na isa pang talon na mas maliit nga lang.
Hindi ko maiwasang mapatanong, "Grabe, ilan ba ang waterfalls dito?"
Napapailing naman na sumagot si Shieldron, "Ewan, kahit ako ay ngayon lang din napadpad rito."
"Ang ganda, maaliwalas din ang paligid nito. Ngunit ang tahimik."
Nililibot namin ngayon ang aming paningin sa kapaligiran. Tanging mga huni ng ibon at ang agos ng tubig ang maririnig. Sa palagay ko naman ay walang naninirahan malapit dito dahil medyo malayo-layo sa kabihasnan.
"Mukhang walang katao-tao kamahalan," wika ko sa kaniya.
"Doon kaya sa pinuntahan nina Daphny? Baka may natagpuan sila," sabi naman ni Shieldron.
I nodded at him and scanned the place again with my eyes only. "Baka nga meron doon."
"Balikan na natin sila, baka mapano pa ang mga iyon."
Agad na tumango kami ni Shield. Aalis na sana kami nang may biglang narinig. Nagkatinginan kaming tatlo.
"Narinig n'yo iyon?"
"Dinig na dinig kamahalan."
"Ayan na naman," dugtong pa ni Shieldron.
Pinakinggan namin itong mabuti. Para kasing boses ng mga tao. May sigawan at kaunting tawanan pa na sa palagay ko ay nagmumula sa ere. Habang tumatagal ay palapit ng palapit kaya't nagtago na kami. Maya-maya pa ay may naririnig na akong tunog ng pakpak na gumagalaw sa ere.
BINABASA MO ANG
Fragments Of The Sacred
Fantasy[TO BE EDITED] A legendary Sacred Book of Magic has been kept for years and is believed to be the most powerful thing that maintains the balance of the world. But it was stolen by the evil ones who wanted to rule the humanity and became the most pow...