Ako si Verena Suarez, ang taga-gawa sa entries ng online diary na 'to. Tinawag ko 'tong online diary dahil kwento ito na related sa 'halos' pang-araw-araw na buhay ko---lovelife ko raw pilit ni Elene (mamaya ko na lang ikekwento kung sino siya)---at ng mga kaibigan ko na tina-type ko online sa isang diary application gamit ang cellphone ko.
Hindi ko rin alam kung anong pumasok sa kokote ko at naisipan ko 'tong i-type. Sayang lang naman sa oras. Sayang din sa load kapag walang net o wifi. Nakakatamad pang pumindot-pindot sa phone. Sign lang talaga siguro ito na wala na nga akong magawang matino sa buhay ko. Kaya sa kung sino mang makakabasa sa online diary na 'to, bahala ka kung matatawa ka, maiiyak, magagalit, maiinis, mabo-bore o kung ano mang emosyon ang mararamdaman mo. Pero kung wala, well, bahala ka pa rin. Basta ako, ginawa ko lang 'to dahil trip ko.
BINABASA MO ANG
Verena's Online Diary --- COMPLETED
ChickLitVerena Suarez, isang simpleng babae, hindi palakaibigan, at hindi rin madaling magtiwala sa iba. Pero kapag ginalit mo na, kabahan ka na. Simple at low profile man siyang maituturing, siya pa rin ay isang babaeng palaban at walang kinikilingan. Sean...