ENTRY 154: Cancelled date

300 4 0
                                    

Thursday na ngayon, kaya napagpasyahan kong pumunta kila Sean para ibalik yung mga cd na pinahiram niya sa akin at hiniram ko para panoorin. Saktong natapos ko na rin kasi ito. Pagkarating ko roon, wala naman talaga akong balak magtagal. Kaso bigla na lang sumulpot si Gray at may masayang binalita sa amin na para bang wala lang para sa kanya yung mga nangyari noong huli kaming nagkita-kita. Tuloy, napatambay ako ng hindi oras sa kwarto ni Gray kasama si Sean.

Inaya raw kasi ni Elene si Gray na lumabas nitong Saturday, lalo na at bihira na raw silang magkasama ng silang dalawa lang dahil sa part-time job nito. Siyempre, abot-langit---o baka nga kalawakan pa---ang saya ni Gray. Tinanong pa nga niya kami ni Sean kung saan daw mas magandang mamasyal, kung sa kabundukan daw ba o sa beach. Ganun pa man, agad na naputol ang excitement ni Gray nang tumawag si Elene at i-cancel ang lakad nila. Nag-sorry si Elene kay Gray. Sumali raw kasi sa isang baking competion si Daniel at binanggit nitong nakasalalay daw ang career nito dito, kaya kailangan daw tumulong ni Elene.

Credits lang para kay Gray dahil naging maunawain naman siya at sinabi kay Elene na dapat lang daw nila itong suportahan. Binati pa nga niya ng good luck si Elene para sa paghahanda nito sa baking competition. Tinanong ko si Gray kung ayos lang ba talaga ito para sa kanya kahit obvious naman na hindi. Binanggit niya ano pa nga raw ba ang magagawa niya. Career daw kasi ni Daniel ang nakasalalay, kaya siyempre kailangan na lang daw yung suportahan. Dahil dito, napagpasyahan kong 'wag na lang isumbong kay Elene yung ginawang pagharap ni Daniel sa amin. Kung si Gray nga naging maunawain at sinuportahan pa ang karibal niya, kaya sino naman ako para mas lalo pang guluhin ang lahat? Dahil din dito, nag-set na lang kami ni Sean ng ibang lakad namin bilang grupo kung saan inimbitahan din namin yung mga pwedeng pumunta tulad nila Nathalie, Kevin, Tanya, at Carlos. Kaya sa darating na Saturday, may group date na kami. Hehe.

Verena's Online Diary --- COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon