ENTRY 128: Bagong kaibigan ni Elene

307 2 0
                                    

Kinausap ako ni Elene kaninang uwian. Well, palagi naman niya talaga akong kinakausap kaso hindi ko lang inaasahan yung dahilan kung bakit niya ako kinausap kanina.

Tinawagan daw kasi niya si Gray para kumustahin kaya tinanong daw niya kung nasaan ito at kung ano ang ginagawa nito. Sinabi nitong nasa train station daw ito at tungkol naman daw sa ginagawa nito, nakikipag-usap daw ito sa babaeng Catharina ang pangalan na may gusto raw kay Sean. Sa huli, napagkasunduan daw nilang magkita-kita na lang daw kami para makalila raw niya si Catharina sa personal, kaya tinanong ako ni Elene kung kilala ko rin daw ba si Catharina. Siyempre, kinwento ko na lang sa kanya ang nalalaman ko tungkol kay Catharina at yung tungkol sa mga pinagsamahan namin nitong mga nakaraang araw. Pero yung ibang mga bagay, hindi ko na binanggit pa para si Catharina o si Gray na rin ang magsabi ng mga ito kay Elene. At ganito ang nangyari nang magkita-kita kami sa train station.

Elene: "Ang daling maintindihan ng explanation ni Catharina."

Gray: "Oo nga eh. Akala ko kakausapin mo si Sean tulad ng kung paano mo kami kausapin na tatlo. Kaso simula kahapon at ngayon, ni hindi mo man lang siya nakausap ng matino."

Catharina: (Nag-blush) "Imposible yun. I barely managed to walk with him without dying, then and there."

Elene: "Alam ko rin 'yang pakiramdam na 'yan. Sobrang kabado rin ako noong first time kong nakipag-usap kay Gray. Ni hindi ko rin mapindot yung doorbell sa apartment nila at siguro matatagalan kaming nakatayo lang sa labas kung hindi pa si V mismo ang pumindot doon. Noong tinawagan ko rin si Gray, sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko."

Alam ko rin 'yan. Alam ko rin 'yang pakiramdam na 'yan. Minsan tuloy nahihiling ko na sana hindi na lang parehong lalaki ang nagustuhan namin ni Catharina para magawa ko rin siyang kwentuhan tungkol sa experience ko, para magawa ko ring mag-open up sa kanya tulad ng ginagawa niya sa akin, at para magawa ko rin siyang tulungan ng maluwag sa kalooban ko. Kaso hindi ganun kasimple ang sitwasyon namin. Ang complicated eh. Complicated kasi ako rin itong may tinatagong sekreto. Akala ko kasi ayos lang na magkagusto lang ako kay Sean. Akala ko ayos lang na hindi ako magtapat. Akala ko ayos lang na hayaan lang ang lahat. Pero akala ko lang pala ang mga ito. Si Catharina ang nagpamulat sa akin ng mga bagay na 'to.

Dahil medyo napahaba pa ang kwentuhan namin, nagmeryenda na lang din kami sa malapit na fast food chain. Um-order lang ako ng fries, burger at ice cream. At ang pagkain lang sa mga ito ang pinagkaabalahan ko habang nakikinig ako sa usapan ng tatlo.

Elene: "Kung hindi mo kayang kausapin si Sean, paano kaya kung ngitian mo na lang siya?"

Catharina: "Sa tingin ko hindi ako makakangiti ng maayos."

Elene: "Paano kung sulatan mo na lang siya ng letter o i-text mo?"

Catharina: "Kung bilang anonymous, kaya kong magsulat. Pero kung may pangalan..."

Elene: (Humalumbaba) "Ganun ba? Paano kaya ako makakatulong? Ikaw V, may naiisip ka ba na pwede?"

Ako: (Tumigil saglit sa pagkain ng ice cream) "Pasensiya na. Wala rin eh."

Gray: (Tumigil saglit sa pagkain ng burger) "Bakit hindi na lang kayo lumabas na dalawa? Masaya rin naman yun."

Elene at Catharina: (Nabuhayan ng loob)

Ako: (Napahinto sa pagkain)

Elene: "Oo nga, tama! Ang ganda ng naisip mo, Gray!"

Catharina: (Nag-blush) "Lalabas ako kasama si Sean."

Mukhang matutuloy nga ang paglabas nila Catharina at Sean, lalo na at kasama sila Elene at Gray na magplaplano. Napag-usapan nilang sa zoo na lang mamasyal. At para hindi naman masyadong kabahan si Catharina na silang dalawa lang ni Sean ang magkasama, sasama na rin daw sila Elene at Gray kaya parang double-date ang kalalabasan. Well, yun ang naisip ko noong una dahil wala talaga akong balak sumama. Ano ako masokista? Papanoorin ko yung taong gusto ko na nakikipag-date sa iba? Kaso hindi ito alam nila Elene kaya inaya din nila akong sumama. Sinabi ko na lang na sasama lang ako 'pag papayag din na sumama si Renzo. Halatang nabigla dito si Elene, at sigurado akong iniisip na niya ngayon na may gusto ako sa tukmol. Pero ito lang kasi ang naisip kong paraan sa oras na yun para hindi ako ma-out of place sa araw ng lakad namin. Kaya yung double date, naging triple date na. Ang kailangan na lang ay i-text ni Catharina si Sean para malaman namin kung kelan ito pwede.

Pagkarating ko sa boarding, hindi ako mapakali. Kaya nang hindi rin ako nakatiis, tinext ko na si Gray kung kumusta na yung sa side ni Sean. Nagreply din naman siya agad at sinabing kagagaling lang daw niya sa kwarto ni Sean para tanungin kung tinext na siya ni Catharina. Sakto naman karereceive lang din daw nun ni Sean ng text ni Catharina. Ang pormal nga raw eh. Naki basa rin daw kasi siya. Speaking of echosero. Muntik na rin daw magduda si Sean dahil kasama si Gray sa lakad, pero hindi na lang daw nagsalita si Gray. Sa huli, pumayag din naman daw si Sean na lumabas kaming lahat ng magkakasama. Ganun pa man, siniguro rin daw ni Gray kung talagang ayos lang para kay Sean ang lahat ng mga ito. Na kung ayaw sumama ni Sean, pwede naman daw itong tumanggi. Dahil ang importante raw dito ay yung nararamdaman ni Sean. Pero sinabi naman daw ni Sean na kung ayaw nito, hindi raw ito pupunta. Kaya sa tingin ni Gray, gusto rin daw ni Sean na pumunta.

Nagpasalamat na ako agad kay Gray pagkatapos nun. Ano pa nga ba ang aalamin ko? Kay Sean na rin mismo nanggaling na gusto niyang pumunta sa pamamasyal nila ni Catharina. Kung ganun, willing din siyang makilala pa si Catharina. At paano kung magustuhan nga rin niya si Catharina? Mahiyain at medyo creepy lang si Catharina dahil sa pagiging stalker niya kay Sean pero maganda rin siya, mabait, at matalino. Kung nangyari ngang nagkagusto rin si Sean sa kanya, paano na lang ako magpapanggap na hindi ako nasasaktan?

P.S.

[i<>

Sana, sana lang talaga, sabihin sa akin ni Renzo na hindi siya pwede o na busy siya sa araw ng lakad namin para hindi na ako mapilitang pumunta. Sana lang talaga.

Verena's Online Diary --- COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon