Weekend ngayon. At ngayon ang simula ng napag-usapan naming pagrereview naming apat para sa final exams.
Sabay kaming pumunta ni Elene sa apartment complex na tinitirhan nila Gray at Sean. Nang andun na kami, kila Gray na siya dumeretso, siyempre. At ako, ako dumeretso ako kila Sean. Doon lang muna sa tapat ng pintuan nila, siyempre. Shet lang kasi. Bigla akong kinabahan. First time ko lang pala na pupunta kila Sean ng mag-isa lang. At hindi ko alam kung bakit pero bigla talaga akong kinabahan. Akala mo naman bitay yung pinuntahan ko kung saan ako yung bibitayin. Kaya hayun, ilang minuto muna akong tumayo dun. Nag-ipon ako ng lakas ng loob. Nagpalakad-lakad din ng kaunti. At noong nagkaroon na ako ng sapat na lakas-ng-loob sa wakas, ipinwesto ko na yung kamay ko sa pinto para kumatok. Kaso, boom! Bago pa dumapo yung kamay ko dun, bumukas na yun ng mag-isa. And guess what? Si Sean lang naman yung nagpakita.
Sean: "Bakit ang tagal mo diyan?"
Ako: "Sinong matagal? I mean, bakit mo nasabing matagal ako rito?"
Sean: "Nag-text si Elene kanina, sinabing nakarating na raw kayo."
Ako: "Oh."
Sean: "Pumasok ka na. Hindi mo kailangang mahiya."
Ako: "Hindi naman ako nahihiya."
Hindi naman talaga ako nahihiya dahil kinakabahan ako. Magkaiba yun. At mas kinabahan pa ako nang may mapansin ako nang sundan ko siya papasok sa bahay nila.
Ako: "Nasaan yung parents mo?"
Sean: "Wala sila dito ngayon sa bahay."
Ako: "Oh."
Sean: "Kung iniisip mong may gagawin ako sa 'yo na kung ano, wala akong balak."
Ako: "Gago."
Sean: (Nilingon ako) "Ibig mong sabihin, gusto mong may gawin ako sa 'yo?"
Wala akong nasabi rito. I mean, may sasabihin talaga dapat ako bilang protesta ko pero bigla na lang kasing natawa si Sean sa reaksyon ko. Ewan ba sa isang 'to.
Sean: (Medyo tumatawa pa rin) "Nakakatawa naman 'yang mukha mo."
Ako: "Mang-asar ka pa, uuwi na ako."
Sean: "Biro lang. Pero may gagawin naman talaga ako sa 'yo. Rerereview-hin kita, 'di ba? Ano bang naisip mo sa sinabi ko kanina?"
Ako: "Manahimik ka. Magreview na lang tayo."
At nagreview na nga kami. Kung may naitulong man yung pangtritrip sa akin ni Sean, yun ay nawala na ng tuluyan yung kaba ko. Kaya naman nakapag-focus ako sa pakikinig sa kanya habang ine-explain niya sa akin yung mga lesson na hindi ko naintindihan o pinakinggan sa klase. Sa English reading comprehension at History kami pinaka natagalan. Ito kasi yung subjects na least interested ako. Paano naman kasi, nakakaantok kaya. Yung English reading comprehension kaya ko pa sigurong pagtiyagaan ng kaunti basta hindi ganun kahaba ang kailangang basahin at intindihin. Pero sa history, kahit pa sabihin nilang kailangan itong pag-aralan para hindi na raw maulit pa yung masasamang nangyari noon sa kasalukuyan o sa hinaharap, nabobore pa rin ako. Ano naman kasing kinalaman nito sa buhay ko? Buti sana kung kamag-anak man lang ako ni Lapu-lapu.
Kaso habang tinutulungan akong magreview ni Sean, may times din na nadidistract ako sa kanya. Parang tulad din sa kapatid niyang si Amber noong una kaming nagkita. Mas malala nga lang kay Sean. Napapatitig kasi ako sa mga pilik-mata niya. Mahahaba kasi. Yung ilong naman niya matangos. Tapos yung kutis niya, maputi at ang kinis, parang kutis babae. Dinaig pa yung sakin. Gusto ko tuloy siyang sampalin. Biro lang. Pero ang ganda talagang titigan ni Sean. Hindi ko mapigilan. Kaya minsan hindi ko na lang din namamalayan, nakatitig na pala ako sa kanya. Nahuhuli nga niya ako eh. Pero magtatanong na lang ako kunwari tungkol sa tinuturo niya sa 'kin para hindi naman ako masyadong halata. Hehe. Baka mamaya, isipin pa niya na may gusto pa ako sa kanya. Eh namamangha lang naman ako sa looks niya.
Anyway, nasa kalagitnaan pa rin kami ng pagrereview ni Sean nang may kumatok sa main door ng bahay nila. Umalis saglit si Sean para tingnan kung sino yun at pagbalik niya kasama na niya yung dalawang mag-jowa. Sabi ni Gray makikireview na lang din daw muna sila ni Elene sa kwarto ni Sean dahil ayaw daw tigilan ng parents niya si Elene. Katok daw ng katok itong mga 'to sa kwarto niya at gustong-gusto daw kinakausap si Elene. Hindi ko mapigilang matawa rito. Pero natawa lang ako dahil masaya ako para kay Elene. Mukhang gustong-gusto siya ng parents ni Gray. 'Di ba nakakatuwa yun? Basta ako natutuwa ako dun.
So yun, apat na ulit kaming magkakasama. Nang matapos akong reviewhin ni Sean, nakisali na ako kila Gray at Elene sa question and answer nila. Habang si Sean, ewan kung anong sinusulat. Pero mukhang madami yun. Medyo nahiya tuloy ako sa kanya. Tinulungan kasi niya akong mag-review pero may iba pa pala siyang dapat gawin. Actually, dapat nga kaming tatlo ang mahiya kay Sean. Kasi habang nagque-question and answer kami, kung ano-anong pinag-uusapan namin tungkol doon sa lesson. Minsan, kahit na hindi naman importante pinag-iisipan pa namin kung bakit ganun ang resulta. Sa huli, si Sean din lang yung nag-eexplain sa 'min tungkol dun. Kaya sa huli din, anong natapos niya sa ginagawa niya? Nganga. Eh si Gray, ano ring nangyari sa kanya sa huli? Tulog. Basta bigla na lang nakatulog. One moment nagsusulat lang siya, the next moment bagsak na yung mukha niya sa sinusulatan niya.
Elene: "Nakatulog na siya."
Sean: "Review kasi siya review nitong nakaraang mga araw. First time ko nga lang siyang nakitang magreview ng ganyan katindi."
Ako: "Si Elene ang salarin. Masyadong na-inspire si Gray sa 'yo. Hayan tuloy."
Sean: "Hayaan na lang muna natin siyang matulog. Magtitimpla na lang muna ako ng kape."
Ako: "Kape? Sama ako!"
Sumama lang ako kay Sean dito kasi nagbabakasakali akong baka may cinnamon coffee silang naka-stock sa bahay nila. Baka lang naman. Nagustuhan ko kasi talaga yung lasa nun. Kaso wala daw eh. Barako at three-in-one lang ang meron. Pero may roasted green tea naman sila kaya yun na lang ang pinili ko. Mahilig din kasi ako sa green tea. Hehe. Nang bumalik kami ni Sean sa kwarto niya para tanungin si Elene kung coffee o roasted green tea ang sa kanya, hanep lang yung nadatnan namin. Pang rated SPG. Biro lang. OA na yan, alam ko. Nadatnan lang naman kasi namin si Elene na nakasandal sa balikat ni Gray at niyayakap ito habang tulog. Halata ngang na caught-in-the-act siya dahil maging siya nanigas sa kinauupuan niya nang marinig niyang bumukas yung pinto. Pati tuloy si Sean na nagtatanong sa kanya napahinto na lang din sa pagsasalita at dahan-dahang sinara ulit yung pintuan. Pero dito na tumakbo si Elene papunta sa 'min bago tuluyang maisara ni Sean yung pinto.
Elene: (Pulang-pula yung mukha) "Wait lang, wait lang! V, Sean!"
Sean: "Hindi, sige lang. Wala kaming nakita."
Ako: "Actually, kitang-kita ko yun."
Elene: "Please, 'wag niyong sasabihin yun kay Gray. 'Wag niyong sabihin sa kanya lahat ng ginagawa ko sa kanya habang natutulog siya."
Sean: "Promise, hindi ko sasabihin."
Ako: "Promise, sasabihin ko."
Gray: (Biglang nagising) "Oh, nakatulog pala ako."
Elene: (Halos mapatili sa gulat)
Sa huli, nagtapos ang lahat sa kamanyakan ni Elene. Haha. Pero hindi ko rin naman talaga sinabi kay Gray yung nakita namin ni Sean na ginagawa ni Elene sa kanya habang natutulog siya. Medyo pinagtripan ko lang si Elene kasi first time ko lang siyang nakitang magkaganun. Nakakatuwa rin kayang mang-asar paminsan-minsan.
BINABASA MO ANG
Verena's Online Diary --- COMPLETED
ChickLitVerena Suarez, isang simpleng babae, hindi palakaibigan, at hindi rin madaling magtiwala sa iba. Pero kapag ginalit mo na, kabahan ka na. Simple at low profile man siyang maituturing, siya pa rin ay isang babaeng palaban at walang kinikilingan. Sean...