Haha. Ngayon ko lang na-realize na isang buwan pala akong hindi nag-type dito. Well, wala akong mailagay eh. Hehe.
Anyway, napa-type lang naman ako ngayon dito dahil tinawagan ako ni Elene kanina. Mag-meet daw kaming tatlo nila Gray bukas at may plaplanuhin kami. Hindi ko alam kung ano at para saan. Sabi niya bukas na lang daw niya sasabihin 'pag pumunta raw ako. Actually, wala akong balak pumunta. Pero alam kong kukulitin din lang niya ako at baka mamaya puntahan pa nila akong dalawa ni Gray dito sa boarding ko. Ayaw ko ngang mangyari yun. Ayaw ko rin muna kasing magpapunta ng kahit na sino dito. Ang kalat kasi dahil sa kamo-movie marathon ko. Haha. Katamaran days. Kaya, hayun, pumayag na lang akong makipagkita sa kanila bukas.
Pero ano naman kaya yung plaplanuhin namin ng hindi kasama si Sean?
BINABASA MO ANG
Verena's Online Diary --- COMPLETED
Chick-LitVerena Suarez, isang simpleng babae, hindi palakaibigan, at hindi rin madaling magtiwala sa iba. Pero kapag ginalit mo na, kabahan ka na. Simple at low profile man siyang maituturing, siya pa rin ay isang babaeng palaban at walang kinikilingan. Sean...