ENTRY 106: A wonderful day turned into a disaster

308 4 0
                                    

Shet, yung cd collection ko!

Oo na. Ako na yung abnormal. Ito talaga kasi ang naisip ko nung inakala kong nanakawan na ako. Pero mukha namang safe yung cd collection ko. Pagkabukas ko kasi ng pinto, nadatnan kong napakadilim sa boarding ko. At pagkabukas ko ng ilaw, doon din nagpakita yung mga salarin sa living room. Sila Elene, Gray at Sean na may suot na mga party hat. At talagang nagkalat pa sila dahil sa mga party popper nila. Akala mo naman five years old yung may birthday. Ganun pa man, napangiti ako na parang five years old.

Elene, Gray at Sean: "Happy Birthday, Verena!"

Ako: (Ngumiti) "Salamat. At saan naman kayo nakakuha ng susi para makapasok dito?"

Elene: "V, sa dinami-rami ng pwede mong pansinin, yun pa talaga?"

Ako: (Nagkibit-balikat) "Yun talaga yung una kong napansin kanina eh."

Gray: "Humiram si Sean ng duplicate key sa landlady mo kanina." (Inakbayan si Sean) "'Di ba, Sean?"

Sean: "..."

No wonder. Kung ganun, sigurado din ako na planado yung paglabas namin ni Amber kanina. Infairness, ang gandang magkaroon ng mga kaibigan na ma-effort pagdating sa paghahanda ng mga birthday. Hassle kapag ikaw yung magpreprepare para sa birthday nila, pero bawing-bawi din naman kapag ikaw na mismo yung may birthday.

Matapos nila akong batiin, sumunod na yung pagbibigay nila sa akin ng mga regalo. Alam ko na agad kung ano yung kay Elene. Yung strawberry cake at saka yung brownies na paborito ko. Yung kay Gray naman, blue na flip cover nitong cellphone ko. At yung kay Sean, well, natuwa naman ako sa mga regalo nila Elene at Gray sa akin. Pero pinaka natuwa talaga ako sa regalo sa akin ni Sean. Sobra. Tatlong original cd ng mga pinaka gusto kong movies noong nakaraang taon na hindi ko pa nabibili. Kaya, siyempre, nagpasalamat ako sa kanila habang nakangiti ng abot-tenga. Kaso mukhang hindi pa doon nagtapos yung pagtanggap ko ng mga regalo, dahil noong mga oras na kakain na kami, may kumatok sa pinto. Pinagbuksan ko kung sino yun. Well, 'mga' yun. At kung regalo man ito, hindi ako masyadong natuwa rito.

Daddy: (Ngumiti) "Happy New Year, anak!"

Girlfriend ni daddy: (Ngumiti rin at pinakita yung dala niyang cake) "Happy New Year, Verena!"

Ako: (Tumango lang at niluwagan pa yung pagbukas sa pinto para papasukin sila)

Daddy: (Napahinto nang makita kung sino yung mga nasa sala) "Mga kaibigan mo ba sila, anak?"

Ako: (Sumunod sa kanila pagkasara sa pintuan) "Oo." (Humarap kila Elene, Gray at Sean) "Guys, daddy ko at yung girlfriend niya, si Zoey. Daddy at Zoey, sila Elene, Gray at Sean, mga kaibigan ko."

Daddy, Elene, Gray at Sean: (Nagbatian)

Zoey: (Ngumiti at pasimpleng bumulong sa akin) "Sino sa dalawa yung boyfriend mo?"

Ako: "Wala."

Zoey: "'Wag ka ng mahiya. Yung matangkad ba, si Gray?"

Ako: "Boyfriend yun ni Elene."

Zoey: (Kinilig) "Kung ganun, tama yung akala ko. Yung gwapo ba, si Sean?"

Ako: "Wala akong boyfriend."

Zoey: "Ayiieh! Eh bakit namumula 'yang mukha mo? At saka hindi ka naman siguro mag-aayos ng ganyan kung wala kang pinapagandahan, 'di ba?"

Hindi na ako nagsalita matapos nun. Nagiging masyado na rin kasi siyang pakialamera, hindi naman kami close. Kaya nakakainis na rin. Si daddy naman saglit na nakipagkwentuhan kila Elene. Pero ako, hinintay ko kung kelan niya ako lalapitan para sabihin ang tunay na pakay niya. Nangyari 'to habang kumakain yung iba at ako naman, umiinom ng juice. Tinawag niya ako papunta sa kusina para magkaroon kami ng privacy.

Daddy: "Kumusta ang pag-aaral mo?"

Ako: "Ayos lang."

Daddy: "Napag-isipan mo na ba kung anong kurso ang gusto mong kunin sa kolehiyo?"

Ako: "..."

Daddy: "Balita ko sa Oxgon College niyo daw binabalak na mag-aral."

Ako: "Sabi nga nila."

Daddy: "Sabihin mo lang sa akin kung anong kurso ang gusto mong kunin. Kahit ano pa 'yan kunin mo lang."

Ako: "Okay. May sasabihin pa kayo?"

Daddy: "Ah, Verena, anak. Naaalala mo pa ba yung pinag-usapan natin noong huli? Gusto ko na kasing malaman yung sagot mo tungkol dun."

Ako: (Nagkibit-balikat) "Kayong bahala dun. Magpakasal lang kayo kung kelan niyo gusto. Hindi niyo na kailangan pa ang basbas ko. Matatanda na kayo."

Daddy: "Anak, gusto ko kasi sana nandun ka sa kasal namin kung pwede."

Ako: (Uminom ng juice pampakalma) "Hindi ako pupunta."

Daddy: "Anak, hindi rin kasi papayag si tita Zoey mo na magpakasal sa akin ng wala ang basbas mo."

Ako: (Bumuntong-hininga) "Seriously, 'yan lang ba talaga ang pinunta mo rito? Hingiin ang basbas ko para sa kasal niyo? Hindi ba pwedeng puntahan mo ako ng dahil sa gusto mo lang bisitahin o kumustahin ang pamumuhay ng anak mo? New year na new year oh. At hulaan ko, hindi mo rin alam na birthday ko ngayon, tama? Pero ayos lang yun. Sanay na ako. Kelan mo pa nga ba naman naalala yung birthday ko o nung kapatid ko o ni mommy noong nabubuhay pa sila? Tapos hihingiin mo pa sa akin ngayong bagong taon yung bagay na alam mong hindi ko pa kayang ibigay o baka hindi ko na maibigay pa? Wow ha."

Daddy: (Namula sa galit o sa hiya) "Umayos ka sa pagsagot mo sa akin, Verena! Ako pa rin ang tatay mo kaya irespeto mo ako!"

Aware ako na nanahimik na rin si Elene at yung iba pa sa sala dahil sa pagtaas ng boses ni daddy. Pero kung ubos na ang pasensiya niya, mas ubos na ang pasensiya ko. Matagal na rin naman akong nagpipigil. Iniisip ko lang din kasi na dapat ko nga naman siyang irespeto dahil tatay ko pa rin nga naman siya. Kaso puno na talaga ako. Hindi ko na kayang magpigil. Kaya dahil sa galit ko, naibato ko yung hawak kong baso sa dingding.

Ako: "Respeto?! Respeto talaga ang hinihingi niyo sa akin ngayon?! Yung kaisa-isang bagay na pwede niyong ibigay sa amin noon pero ipinagdamot niyo pa?! Nasaan kayo noong na-confine si Tiffany sa hospital?! Nasa babae niyo, 'di ba?! Nasaan kayo noong namatay at pinaglamayan si Tiffany?! Nasa babae niyo pa rin, 'di ba?! Nasaan kayo noong nagpakamatay si mommy dahil iniwan niyo siyang mag-isa para harapin ang lahat ng problema?! Nasa babae niyo pa rin, 'di ba?! At nasaan kayo noong mag-isa ko ng pinaglalamayan ang bangkay ni mommy?! Nasa babae niyo pa rin! Kaya respeto? Huwag na huwag niyong hihingin sa akin ang bagay na kahit kelan hindi niyo ibinigay. Dahil kahit kelan, hindi niyo nirespeto ang pamilya natin. Kaya yung hinihingi niyong basbas ko para sa kasal niyo? Pwes, 'tang ina niyo!"

PAK!

Zoey: "Hector!" (Pigil niya nang sasampalin pa sana ulit ako ni daddy)

Okay, dramatic effect na. Dito ko rin na-realize na naparami na rin yung mga nasabi ko. Pero hindi ako sa sampal nasaktan. Sa totoo lang, ni hindi ko nga yun naramdaman noong nakita ko yung ekspresyon sa mukha ni daddy. Ito kasi ang talagang tumagos sa puso ko. Dito ako pinaka nasaktan. Kaya nang magsituluan yung mga luha ko, doon na rin ako tumakbo palayo kay daddy, palayo sa mga kaibigan ko, palayo ng bahay, palayo sa lahat.

Ang tanga ko. Ang tanga-tanga ko. Ilang taon kong kinimkim ang lahat ng yun. Pero sa isang iglap, nasabi ko lang yung mga yun ng ganun-ganun. At sa araw pa talaga ang kaarawan ko kung saan meron yung mga kaibigan ko. Tanga ka, Verena! Tanga! Hindi ko na tuloy alam kung paano ko na sila haharapin ngayon. Tapos naging ganun pa ang pagsagot ko sa tatay ko. Ang sama kong anak. Shet lang. Shet talaga. Sinubukan ko namang kontrolin yung galit ko pero hindi ko na talaga kinaya. Sobra na kasi. Ang bigat-bigat na.

Tumigil na ako sa pag-iyak. Papunta na ako sa bus station. Lumingon ako para tingnan kung may sumunod sa akin. Wala. Hindi ko naman inaasahan na may susunod o makakasunod talaga sa akin lalo na at hindi ko sinasagot yung mga text at tawag sa akin nila Elene, Gray at Sean. Pero sana meron pa rin. Parang mas lalo tuloy kasi akong nalungkot. Mukhang nag-iisa na lang talaga ako. Kaya ng may bus na huminto, sumakay na lang ako dito. Buti na lang nasa bulsa ko pa rin 'tong cellphone at kaunting pera ko. Kaya nakagawa pa rin ako ng entry ko habang nasa bus ako. Pero yung destinasyon ko, hindi ko alam. Bababa na lang siguro ako sa ewan-kung-saan. Bahala na. Bahala na talaga.

Verena's Online Diary --- COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon