ENTRY 49: Convo ng mga walang magawa sa buhay

444 7 0
                                    

Dear Online Diary,

Dahil wala akong magawa sa buhay ko pagkarating ko rito sa boarding house, naisipan ko na lang i-kwento dito yung mga napag-usapan namin pagkatapos naming mag-ice skating sa mall.

Habang naglalakad na kaming lahat papunta sa train station, nai-kwento ni Elene kay Gray yung tungkol sa very long quiz namin sa English. Kinailangan kasing i-retake ni Elene yung quiz naming yun kaya din kami na-late kanina. Magaling naman si Elene sa English, kaso may nilampasan kasi siyang tanong sa unahang parte ng quiz at hindi niya yun naitugma sa pagsagot niya sa answer sheet niya, kaya nag-move lahat yung sagot niya. Tuloy, may iuuwi siyang itlog. Biro lang. Pinagbigyan siya ng teacher namin na ulitin yung quiz dahil malaki daw ang magiging epekto nun sa final grade niya. Kaya yun. Na-late kami. Anyway, ganito yung sunod na nangyaring usapan:

Sean: "Hindi mo man lang ba napansin yung extra space sa dulo?"

Elene: (Ngumiti) "Napansin ko. Kaso akala ko din talaga kasi extra lang yun."

Gray: "Talagang hindi mo na pinahirapan ang sarili mo sa pag-iisip."

Elene: "Oo, hindi na nga."

Nathalie: (Biglang sumingit) "Pero magaling talaga si Elene. Isa siya sa mga matatalino sa klase namin."

Tanya: "Kasama na rin si Verena."

Gray: "Ganun ba? Pati rin si Sean magaling sa klase."

Nathalie, Tanya, Lauren, at Mayumi: (Nagsitilian dahil sa kilig)

Elene: "Ikaw ngay, Gray?"

Gray: "Below average."

Ako: "Wow. Proud siya."

At mula sa usapang 'to, napunta naman sa sports ang topic namin pagkarating namin sa train station.

Boy na kulot ang buhok: "May soccer game kami kanina. Si Gray yung goalkeeper kaya kami ang nanalo!"

Elene: (Kay Gray) "Ang galing! Sana napanood ko rin yun. Sigurado akong ang galing mo. Magaling ka ba sa lahat ng sports?"

Sean: "Kulelat siya pagdating sa board games."

Yung boys: (Nagsitawanan) "Oo, sobra!"

Sean: "Kapag sa chess o dama, hindi niya mabasa yung galaw ng mga kalaban niya kaya palagi siyang naiisahan. Tapos hindi rin siya marunong sumayaw."

Yung boys: (Mas lumakas yung tawa) "Ang lalaki kasi nung mga hakbang niya!"

Mga tunay kasi talaga silang kaibigan, kaya nila pinapahiya si Gray ng ganyan. Actually, dito rin napatunayan kung gaano katotoong kaibigan si Sean sa kanya. Si Sean pa talaga kasi yung sumagot tungkol sa kahinaan ni Gray. Oh, 'di ba? Magbestfriend talaga?

Verena's Online Diary --- COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon