May bumulabog ngayon sa umaga ko para sunduin ako at maki-sleepover sa kanila ng ilang araw lang naman. Siyempre, walang iba kundi si Amber. Siya lang naman yung gumugulo sa akin ng ganito. Pero ayos na rin dahil ibig sabihin nun, makakasama ko rin si Sean sa iisang bahay ng ilang araw. Nyahahaha!
As usual, tumambay kaming dalawa ni Amber sa kwarto ni Sean at nagkwentuhan ng kung ano-ano. At dahil madaldal siya, mas marami siyang nasasabi. Samantalang si Sean na may-ari ng kwarto, tahimik lang. Ganun pa man, ang pinakanatandaan ko sa mga kinekwento ni Amber ay yung tungkol sa patuloy na pangungulit daw sa kanya ni Harvey noong tanungin ko siya tungkol dito. I wonder kung alam niyang nakangiti siya habang pinag-uusapan namin si Harvey. Kinumusta naman ni Amber sa amin ni Sean sila Elene at Gray, kaya kinwento rin namin sa kanya ang tungkol sa kasalukuyang sitwasyon ng ng dalawa. Nasa kalagitnaan kami mismo ng pag-uusap naming 'to nang saktong bumisita naman si Gray. At kaya siya bumisita ay para ikwento ang dahilan kung bakit siya naunang umalis kesa sa amin noong araw na nag-bowling kami.
Bago magkwento si Gray, naisipan ni Amber na ilabas din yung wine na natripan lang daw niyang iuwi. Kaya, hayun, habang nagkwekwento si Gray ininom na namin yun maliban kay Sean. Pinuntahan daw kasi ni Gray si Daniel noong oras na pasara na yung Patisserie. Mag-isa na lang daw noon ni Daniel kaya kinausap daw niya ito ng masinsinan. Sinabi raw niya rito na hindi siya papayag na agawin nito si Elene mula sa kanya na tinanggap naman daw ni Daniel bilang isang hamon.
Sean: "Sandali, hindi ba dapat ikaw ang hinahamon?"
Gray: "Ganun ba yun? Hayaan mo na. Pareho naman naming gusto si Elene, kaya wala pa rin namang nakalalamang."
Amber: (Sinalinan ng wine si Gray sa baso) "You can be more aggressive about it, you know? At saka hindi ba alam ni Elene yung nararamdaman ng lalaking yun para sa kanya?"
Sean: "Sa tingin ko, hindi. Kakaiba din kasi yung lalaking yun."
Ako: (Uminom ng wine) "Well, pwede ko namang ikwento kay Elene yung mga sinabi sa atin ni Daniel ano mang oras. Yun ay kung ayos lang para kay Gray."
Amber: (Tingin kay Gray) "Oo nga. At saka hindi lang yun, sigurado ka ba na okay lang na hayaan mo si Elene kasama yung lalaking yun sa trabaho niya?"
Gray: (Nag-isip ng isasagot niya ng saktong may nagtext sa kanya) "Nagtext si Elene."
Basically, mag-oovertime daw si Elene para tulungan si Daniel na maghanda para sa nalalapit na sasalihan nitong kompetisyon. Tuloy, sinama kami ni Gray para silipin si Elene sa trabaho niya. Pero hindi tulad ng dati, sa backdoor kami ngayon pasimpleng sumilip. Mas madali kasi na makita yung kusina rito kumpara doon sa harap.
Gray: (Pabulong habang sumisilip sa pinto tulad ko) "Pasensiya na kung nadamay pa kayo rito."
Sean: (Nakatayo lang sa isang tabi) "Ayos lang."
Ako: "Yep, ayos lang."
Daniel: (Biglang sumulpot sa likuran namin) "Anong ginagawa niyo rito?"
Gray: (Napalundag at napasigaw sa gulat) "AAAAH!"
Daniel: "Nandito ka ba para guluhin kami ni Elene?"
Ako: "Ahy, wow. Si Gray pa pala ang nanggugulo sa inyo. Nakakahiya naman sa 'yo."
Gray: "At saka hindi ako nanggugulo sa inyo. Naisip ko lang kasi na baka may gawin kang kung ano kay Elene kapag kayong dalawa lang ang magkasama."
Daniel: (Napikon) "Bakit ko naman gagawin yun kung hindi pa pareho ang nararamdaman namin para sa isa't isa?! Umuwi na nga kayo! Sa ngayon, gusto ko na munang mag-focus para sa competition!"
Gray: "Kung ganun, wala kang gagawin na masama kay Elene?"
Daniel: "Siyempre, wala. I'll take the proper steps."
Ako: "Hindi kaya katiwa-tiwa---" (Natahimik nang akbayan ni Sean para takpan yung bibig)
Gray: "Sige. Kung ganun, pagkakatiwalaan kita."
Daniel: "Kukunin ko yung gold medal sa kompetisyon na ito. At kapag napanalunan ko yun, magtatapat ako kay Elene ng nararamdaman ko para sa kanya."
Si Gray, si Sean, at ako: (Tiningnan lang siya)
Daniel: "Simula nang dumating siya sa buhay ko, naging maayos na ang mga bagay-bagay para sa akin. Nagsimulang magbago yung mundo ko. Hindi ko aasahan na maiintindihan niyo, pero si Elene ang nakatadhana para sa akin. Kaya kapag magbubukas ako ng sarili kong shop sa hinaharap, gusto kong kasama ko siya bilang babaeng makakasama ko habang-buhay. And I'll prove it to you by winning the gold medal. I won't let you have Elene."
Ako: (Tumingin kay Sean at tinanggal yung kamay niya na nakatakip sa bibig ko) "Ang kapal talaga ng mukha niya! Ang sarap sapakin!"
Sean: (Umiling at bahagyang ngumiti) "Wala kang sasapakin, Verena. Dito ka lang sa tabi ko kahit pa na may punto ka."
Gray: (Kay Daniel) "Kung ganun, good luck sa kompetisyon." (Tumalikod na at umalis)
Sean at ako: (Sumunod kay Gray)
Sean: "Ano yun? Para saan yung good luck mo?"
Gray: "Araw-araw kasi siyang nagpupursigi para sa kompetisyon kahit sa mga araw na day-off niya. Nakadepende rin dito yung career niya. Kaya gusto kong mapanalunan niya yung gold medal. Pero kailangan ko ring magpursigi."
Ako: "Magpursigi para saan?'
Sean: "Mapanalunan yung gold medal?"
Gray: (Nag-blush) "Magpursigi para kay Elene para hindi siya maagaw sa akin ni Daniel."
Ako at si Sean: (Natawa)
Gray: (Napikon) "Bakit kayo tumatawa?!"
Sean: "Wala lang."
Ako: "Good luck."
Pero kung ako kay Gray, magpupursigi ako para sapakin yung Daniel na yun. Nakakabadtrip kasi yung mga pinagsasasabi ng isang yun. Matangkad at malaki naman yung katawan ni Gray kaya sigurado akong kayang-kaya niya yung hinayupak na yun. Ganun pa man, kuha ko rin kung bakit hindi ako hinayaan ni Sean na sapakin yung feelingero na yun. Hindi kasi lahat ng bagay nadadaan sa init ng ulo o sa sapakan. Kaya bilib din ako kay Gray. Dahil sa kabila ng lahat, nagawa pa rin niyang unawain at makisimpatya para kay Daniel. Good job, Gray!
BINABASA MO ANG
Verena's Online Diary --- COMPLETED
ChickLitVerena Suarez, isang simpleng babae, hindi palakaibigan, at hindi rin madaling magtiwala sa iba. Pero kapag ginalit mo na, kabahan ka na. Simple at low profile man siyang maituturing, siya pa rin ay isang babaeng palaban at walang kinikilingan. Sean...