Medyo hindi maganda ang panahon ngayon. Makulimlim kasi yung langit. Pero tuloy pa rin kami sa lakad namin. Kung tutuusin, mas maganda sanang matulog na lang. Haay...
Sa dating meeting place pa rin kami nagkita-kita, sa tapat ng fountain sa Park. Nadatnan na namin sila Gray at Sean na naghihintay dun. Si Jane naman kasabay lang namin ni Elene na dumating. Hindi naman naging awkward ang lahat kahit papaano, lalo na at magdamag lang na nakangiti si Elene.
Nagmistulang festival ang foundation day celebration week ng Oxgon College. Bukod kasi sa medyo maraming tao, marami ring booths at stalls sa paligid, karamihan puro pagkain ang binebenta. Kumuha sila Gray at Elene ng isang stamp card kung saan may kailangan kang puntahan na mga area o booths sa campus para kompletuhin yung stamps. May prize din daw na pwedeng mapanalunan dito kung nagkataon. Kaya kumuha na rin ako ng isa. Kaso nang biglang i-suggest ni Elene na tatlo na lang daw kami nila Sean at Jane sa stamp card ko para lahat meron, hindi na ako nakatanggi. Pero dyahe naman oh. Ba't kaya hindi sila kumuha ng kanila? Kung si Sean lang ang kasama ko sa stamp card, okay pa. Pero pati ba naman si Jane? Tss. Hindi kaya kami close.
Yung food stalls ang inuna namin kung saan sinubukan namin yung beef stew. Naengganyo kasi yung mag-jowa dito nang sabihin nung nagtitinda na gawa daw yun sa isang secret recipe. Ang sabi ko naman sa sarili ko, siyempre sinabi lang yun ng tindera para kumita siya. Kinain namin yung beef stew sa isang sementadong eating area ng Oxgon kung saan may mga mesa at mga upuan na. Infairness, mukhang may secret recipe nga yung beef stew. Masarap naman, lalo na at medyo mainit-init pa. Ni walang nakapagsalita sa amin habang kumakain. O baka pare-pareho lang kaming gutom.
Kaso dahil sensitive si Elene sa maiinit na mga pagkain, tapos na kaming lahat kumain nang mapansin niyang hinihihipan pa rin niya yung kanya at na wala pang nababawas dito kahit na konti. Humingi siya ng paumanhin. Sinabi naman ni Gray na ayos lang kahit 'wag niyang madaliin yung pagkain niya. Saka ito nagpaalam na kokolektahin na lang muna yung stamps. Ang lawak kasi ng campus ng Oxgon. Kaya matatagalan din talaga kami sa pangongolekta ng stamps kung iisa-isahin namin yung mga lugar na kailangan naming puntahan. Dito naman kinuha ni Sean yung stamp card ko saka niya sinabing sasamahan na lang daw niya si Gray dahil siguradong maliligaw lang daw ito. Well, as long as makompleto niya yung stamps ko, bakit hindi? Pagkaalis nung dalawa, tuloy lang si Elene sa pag-ihip sa beef stew niya. Si Jane naman nakatitig lang sa mesa. Kaya naisipan ko siyang tanungin.
Ako: "Jane, anong nagustuhan mo kay Gray?"
Jane: (Nagulat) "Huh?"
Ako: "Na-cucurious lang ako. Anong nagustuhan mo sa kanya?"
Elene: "Ako din na-cucurious. Pasensiya na, pero noong nag-usap kasi kayong dalawa doon sa likod ng school building niyo narinig ko yung sinabi mo sa kanya na gusto mo siya bilang tao, kaya na-cucurious din ako."
Jane: "... Tinulungan niya akong magpractice para sa Swedish relay. Kaso nadapa ako noong mismong race na, at nablangko utak ko." (Ngumiti) "Pero noong tumingala ako, hinihintay pa rin niya ako. Naiwan na siya ng iba pang mga tumatakbo, pero andun pa rin siya, hinihintay na iabot ko yung baton sa kanya. Kaya tumayo ako para itakbo yung baton papunta sa kanya. At nang maiabot ko yun, sobrang bilis ng takbo niya. Sa huli, siya pa rin ang nakakuha ng first place kahit na siya yung huling nakarating sa last lap!"
Elene: "Ang galing!"
Jane: "'Di ba ang galing niya?!"
Elene: "Oo nga, sobra!"
Isip ko: "Ahy, ewan ko sa inyong dalawa."
Jane: "Pero hindi naman talaga importante kung siya ang nakakuha ng first place o hindi. Masaya lang ako na tumakbo siya sa abot ng makakaya niya... Siya nga pala, sino pala yung unang nag-confess sa inyong dalawa?"
BINABASA MO ANG
Verena's Online Diary --- COMPLETED
ChickLitVerena Suarez, isang simpleng babae, hindi palakaibigan, at hindi rin madaling magtiwala sa iba. Pero kapag ginalit mo na, kabahan ka na. Simple at low profile man siyang maituturing, siya pa rin ay isang babaeng palaban at walang kinikilingan. Sean...