Dumaan ako sa department store kanina para bumili ng mga gamit na kakailanganin ko para sa school. Nung papasok ako dun, may narinig akong babae na may creepy at nakakatakot daw na lalaking nagbabasa ng women's magazine sa tapat ng magazine stand. Sakto namang dumako yung mga mata ko dun at nakita si Gray, lantad na lantad yung binabasang women's magazine. Hindi ko tuloy maiwasang mapa face-palm nun. Ang creepy nga tingnan. Yung mga babae tuloy sa paligid, iba na ang tingin sa kanya.
Ako: (Lumapit kay Gray) "Anong ginagawa mo diyan? Ba't 'yan ang binabasa mo?"
Gray: "Oh, Verena. Ikaw pala. Pinag-aaralan ko lang kung paano mag-isip ang mga babae."
Ako: "Para naman saan?"
Gray: "Para kasing ang hirap kong umintindi pagdating sa mga babae. 'Di ba noong una akala ko may gusto si Elene kay Sean, pero wala naman pala? Kaya hindi ako makabasa ng mga babae. Kung hindi sasabihin sa akin ni Elene ang iniisip niya, hindi ko yun mahuhulaan. Pero kung sasabihin lang sana niya sa akin kung anong gumugulo sa kanya, baka matulungan ko siya."
Kung alam mo lang, Gray. Yung mapansin mo pa lang na may gumugulo na sa isip niya, kung tutuusin, sapat na yun. Good job, Gray.
Ako: "Baka hindi siguro niya masabi sa'yo. I mean, sa'yo bilang boyfriend niya. Hindi ko sinasabing totoo itong mga 'to, pero paano kung nagtutwo-timing pala siya, o may affair siya, o may nahanap na siyang iba?"
Gray: "Kahit na ganun, ayos lang sa akin."
Ako: "Wow ha. 'Di nga?"
Gray: "Mas importante kasi sa akin na masaya si Elene. Kaya kahit na ganun, masasaktan nga ako pero ayos lang sa akin. Basta masaya siya."
Ako: "Shet. May lalaki pa palang tulad mo? Sige na nga. Ako na bahala. Kakausapin ko na lang siya tungkol dito."
Gray: "Gagawin mo talaga yun?"
Ako: "Oo nga. Kaya itigil mo na rin 'yang pagbabasa mo ng magazine na 'yan. Ang creepy tingnan. Mahiya ka nga."
Gray: (Binalik yung women's magazine sa stand) "Salamat. Ang bait mo."
Ako: "Manahimik ka. Hindi ako mabait. Kaya ingat ka."
Gray: "Pero naisip ko rin talaga kung gaano ka-creepy tingnan yung lalaking nagbabasa ng ganyang klase ng magazine."
Ako: "Pero binasa mo pa rin."
Gray: "Desperado na ako eh."
Ako: "Nakatulong naman?"
Gray: "Hindi."
Kaya ngayon, may task akong kausapin ng masinsinan si Elene. At infairness, botong-boto na ako para sa kanilang dalawa, lalo na ngayong napatunayan ko kung gaano kaseryoso si Gray sa kanya.
BINABASA MO ANG
Verena's Online Diary --- COMPLETED
ChickLitVerena Suarez, isang simpleng babae, hindi palakaibigan, at hindi rin madaling magtiwala sa iba. Pero kapag ginalit mo na, kabahan ka na. Simple at low profile man siyang maituturing, siya pa rin ay isang babaeng palaban at walang kinikilingan. Sean...