Nagsimula ang lahat sa isang tahimik na gabi. Matutulog na sana ako sa pinakamamahal kong higaan nang bigla na lang tumunog 'tong cellphone ko. Actually, ilang beses kong pinatay yung tawag. Pero hindi siya tumigil kaya napilitan din akong sagutin ito sa huli.
Elene: "V, may ikekwento ako sa'yo!"
Ako: "... Ano?"
Elene: "Kanina kasi, 'di ba hindi tayo sabay na umuwi?"
Ako: "Nagsabay tayo."
Elene: "Huh? Kanina? Pero 'di ba sabi mo may pupuntahan kang iba nun kaya naghiwalay na tayo ng daan?"
Ako: "Sinabi ko nga yun. Kaya hindi na tayo nagsabay."
Elene: "Huh? Eh bakit sinasabi mo nagsabay tayo?"
Ako: "Sinabi ko nga rin yun."
Elene: "Teka, ano? Hindi ko---"
Ako: "Sarcasm, Elene. Sarcasm. Ituloy mo na nga lang yung kinekwento mo."
Elene: "Nung nasa train na kasi ako, may lalaking nangmanyak sa akin."
Ako: "Nangmanyak, paano?"
Elene: "M-medyo hinawakan niya yung pwet ko."
Ako: "Oh, tapos?"
Elene: "May lalaking nagtanggol sa akin. Taga ibang school."
Ako: "Yun lang?"
Elene: "Hindi pa ako tapos. V, naman eh! Basta pagkatapos kasi nun, pumunta kami sa police station para ipa-blotter dun yung manyak. Kaso nagkagulo. Kung ano-ano kasing kabastusan yung sinabi nung manyak sa akin. Tuloy, sinuntok siya nung lalaking nagtanggol sa akin. Sa huli, tinawagan yung school na pinapasukan niya tapos ni-report yung ginawa niya. Kaya na-suspend siya ng tatlong araw."
Ako: "Oh, ngayon?"
Elene: "Pwede bang samahan mo ako bukas papunta sa apartment nila? Gusto ko lang sanang magpasalamat sa kanya."
Ako: "Hindi ka pa ba nag-thank you sa kanya?"
Elene: (Medyo nag-hesitate sa kabilang linya) "A-ang ibig kong sabihin, gusto ko kasi sana siyang pasalamatan sa ibang paraan. Yung mas personal at mas maayos sana."
Ako: "Personal at maayos naman ang pagpapasalamat ng harapan. Hindi pa ba sapat yun?"
Elene: "Y-yung sa mas espesyal na paraan. Kasi kung hindi naman dahil sa kanya, siguradong namanyak na ako doon sa train. Hindi pa man din kita kasama nun at alam mo namang hindi ako palaban tulad mo. Kaya buti nga at meron siya nun."
Ako: "Sigurado kang mapapagkatiwalaan 'yang isang 'yan, Elene? Baka mamaya, pakitang-tao lang pala yung pagtatanggol niya sa'yo tapos may binabalak pala siyang mas masama."
Elene: "Hindi siya ganun, V. Sinisiguro ko sa'yo."
Ako: "Ano bang pangalan ng isang 'yan, school, at address niya?"
Elene: "xxx (Nakalimutan ko yung sinabi niya rito) ang full name niya. Sa Camvard Senior High siya nag-aaral. Tapos sa xxx (Pati address nakalimutan ko) siya nakatira."
Ako: "Paano mo naman nalaman agad 'yang mga 'yan? 'Wag mong sabihin sa akin na binigay ni Grasya sa'yo yung address niya para puntahan mo siya?"
Elene: "H-huh?! Hindi ah! Nakuha ko lang yung pangalan at address niya sa police station nung nagka-record siya dun dahil sa akin. At saka, V, xxx ang pangalan niya, hindi Grasya."
Ako: "So yung ibang info tungkol sa kanya, in-stalk mo na sa facebook, ganun?"
Elene: "Hehehe..."
Ako: (Bumuntong-hininga) "Okay, fine."
Elene: "Anong ibig mong sabihin na 'okay, fine?'"
Ako: "Okay, fine. Sasamahan kita bukas kung saan mang lupalop ng mundo 'yang tinitirhan ng tagapagtanggol mo."
Elene: "Yehey! Thank you, V!"
Ako: "... Good night." (Baba na ng phone)
To be fair, aaminin kong nagi-guilty rin ako dahil hindi ako sumabay kay Elene kaninang uwian. Paano na lang kung may nangyari ngang masama sa kanya at walang nagtanggol sa kanya? Kung nagkataon, sisiguruhin kong ha-huntingin ko sa kahit na saang sulok ng mundo yung umagrabyado sa kanya. Pero hindi ito ang issue sa ngayon, kundi yung lalaking sinasabi niyang nagtanggol sa kanya.
Si Gras---Gran---Grandpa? Greg? George? Lechugas! Basta yun! Talaga kayang mapapagkatiwalaan yung isang yun at hindi lang nanamantala o pakitang-tao? Debale, sasamahan ko naman si Elene bukas. Kikilatisin kong mabuti kung katiwa-tiwala nga yung isang yun o hindi. Kaya matutulog na muna ako at lumalalim na ang gabi.
BINABASA MO ANG
Verena's Online Diary --- COMPLETED
ChickLitVerena Suarez, isang simpleng babae, hindi palakaibigan, at hindi rin madaling magtiwala sa iba. Pero kapag ginalit mo na, kabahan ka na. Simple at low profile man siyang maituturing, siya pa rin ay isang babaeng palaban at walang kinikilingan. Sean...